2nd Entry: The BEGINNING of my END

2K 53 3
                                    

2nd Entry: The BEGINNING of my END

 

Ara’s POV

“ahmm h-hello Jeron..” napalunok ako “pwede pakialis yang paa mo, n-natapakan mo kasi yung kamay ko” I said with gritted teeth, nakayuko pa rin ako para hindi nya makita ang pagpipigil ko. Inalis nya naman yung mga paa nya kaya agad agad tinago ko sa loob ng bag yung bracelet ko.

“Ay sorry, may kamay pala dun? Haha” grabe kahit hindi ko parin tinitignan yung pagmumukha nya nai-imagine ko yung itsura nya at sigurado hanggang batok ang ngiti neto. “Teka ano yang pinulot mo patingin nga?” saka nya biglang hinablot yung bag ko pero hindi ko pa rin yun nabitawan at buti medyo naisara ko na yung zipper kaya hindi tumapon yung mga laman. Ang lagay namin ngayon ay mukha kaming nagta-tug-of-war at ang rope lang naman ay yung bag ko.

“Bitawan mo nga!..” medyo napasigaw ako dun kaya bigla ako bumawi “ahmm please..” lalo ko pang niyuko yung ulo ko. Konti na lang bibinggo na sakin ‘tong intsik na ‘to.

“Para titignan lang naman eh” pamimilit pa rin nya saka hinihila pa rin yung bag ko, syempre hindi ko pa rin binibitawan, over my dead and beautiful sexy body! Lol echos lang.

“haha Boy grabe ka, pati sya pinagtritripan mo” gatong pa nung isang kasamahan nya na mas maliit ng kaunti kay dyuding na Jeron. Sige tawa pa may araw din kayong lahat sa akin!

“Bro, don’t tell me you like that girl, I mean guy?. Ahmmm I mean that girl that looks like a guy arrrgghhh whatever she is.” fail na banat nung ingliserong higante. Haha buti nga sa’yo! Ano ka ngayon?!.. Nga nga…

“Uy dude stop that, babae pa rin naman yan” sabay tapik nung chinitong pandak sa balikat ni Jeron. Loko pala ‘to eh, yung totoo? Tinutulungan nya ba ako o nang-iinsulto lang sya? Babae pa rin naman yan. Parang konti lang ang inilamang ko sa hito ah. Hito akoooooo wooohoho basang basa sa ulaaannn...

 Lalo nya pang hinila yung bag at mas hingpitan ko pa yung pagkakahawak ko. ‘Pag nagpatuloy  to sigurado masisira ang bag ko, kailangan ko nang gumawa ng move at isa lang naiisip ko na paraan kaya lang hindi ko alam kong masisilayan ko pa ang araw bukas kapag ginawa ko yun. Nakabuo na agad ako ng plano sa isip ko (kung matatawag man iyong plano) pinikit ko ang mga mata ko, hingpitan lalo ang hawak sa bag at huminga ng malalim… hindi na ako nagdalawang isip pa. Waaahhhhh!! Heto na!!!

“Miss pagpasen...”

*Boooooogsh*

Napaupo ako dahil nakabitaw na si Jeron samantalang ako nakapikit pa rin at yakap yakap ang precious bag ko. Ano ba yan ang plano ko after kong masuntok si Jeron eeskapu na ako, kaso nanlalambot pa rin ang tuhod ko kaya di ako nakatayo agad. Dinilat ko yung isang mata ko at nakita ko si Jeron na nakatayo at nanlalaki yung mga singkit nyang mata habang nililipat-lipat nya yung tingin nya sa akin at dun sa isa nyang kasamahan.

“What the…” sabi nung chinitong pandak na nagtatanggol (o nangiinsulto?) sa akin kanina habang hawak nya yung mukha nya, and you guessed it right sya nga yung nasuntok ko. Siguro pumagitna sya sa aming dalawa ni Jeron para awatin yung kaibigan nya. At malamang sya yung huling nagsalita bago ko pa maisakatuparan yung napakagandang plano ko. Nakow mas lalo pa tuloy naging komplikado ang lahat, dati si Jeron lang ang nambubully sa akin pero ngayon  mukhang madadagdagan nanaman ang mantatarget sa akin. Ish saka ko na nga yan proproblemahin ang mahalaga ngayon ay yung makatakas muna ako dito kung ayaw kong umuwi na parang lantang gulay.

Dahan-dahan na akong tumayo habang distracted pa sila saka tumakbo na ng mabilis palayo sa kanila.

“Hoy san ka pupunta?!”

“Come back here!”

“Humanda ka sa ginawa mo sa kaibigan namin!”

Narinig ko pang sigaw nila at paglingon ko nakita ko yung dalawa pang kasama ni Jeron tumatakbo na at hinahabol ako. Alam ko na, liligawin ko na lang sila! Anopa’t naging tambayan ko dito kung hindi ko naman kabisado ang lugar na ‘to? Bigla akong lumiko pakanan pagkalampas ko ng malaking puno ng Acasia at kaliwa naman sa may mga bushes.

 Ganoon lang ang ginawa ko ng ginawa hanggang sa tuluyan kong maligaw yung dalawa kaya ngayon nakarating na ako dito sa lumang storage room ng school. Mahahalata na napabayaan na ‘to kasi puros mga basura na at magulo na rin ang paligid, dito nakatambak yung mga sira sirang gamit ng school na hindi na pwede gaya ng mga sirang lamesa at upuan. Mukhang ito na ang magiging pinakabago kong safe haven since hindi na ako pwede doon sa dati kong tambayan. Umupo na ako sa isang tabi at inalala yung katangahang ginawa ko kanina.

Anu nanaman ba yung napasok kong gulo? Shit lang talaga, paano na? Anong gagawin ko? What if bumalik na lang ako dun at magmakaawa sa kanila kahit gawin pa nila akong alipin okay lang! Kaso baka ipabugbog nila ako ayoko naman yun baka ‘di na ako makalaro. Baguhin ko lahat sa akin, uhmp kilala nga pala ako nung mga yon, wala ring kwenta. Alam ni Teng na athlete ako. Sya lang naman ang no. 1 bully ko eh.

Isumbong ko na lang kay coach, eh kaso kapag wala na ako sa paningin ni coach pwede na nila akong ipakuyog. Alam ko na! akitin at paibigin ko na lang ang isa… haha as if naman.. Never. Gonna. Happen!

Hindi ba dapat sa kalagitnaan pa ng istorya yung mga problema? Bakit dito kakaumpisa pa lang may problema na agad ako? Andayanaman ng nagsulat ne’to eh. Pero hindi! Hindi yung ang dapat kong isipin sa ngayon, nandyan na eh wala na akong magagawa sa ngayon hahayaan ko muna yung walanghyang writer na magdecide kung anong gusto nyang gawin…. *sighs* buhay character nga naman…

 Ayyyy mababaliw na ako! Ang alam ko wala naman akong balat sa pwet, chine-check ko nga yun araw araw kapag naliligo ako malay mo may biglang tumubo.. kaso wala talaga pero bakit pa rin ako minamalas ng ganito? Hindi! Kaya ko itong malampasan! Haha langyang problema na yan masyadong duwag, kala nya kaya nya ako?! Ako ata si Victonara Salas Galang! Wala naman akong ibang masasandalan eh, ako lang ang makaktulong sa sarili ko! Kaya ko to! Magiging okay din ang lahat… Sana… TT_TT

~~

kenkenmushi note:

Sorry naman kung ginawa kong bad si Jeron dito pero okay lang yan kasi sa ibang fic ko napaka-perfect nya at ideal man pa kaya don't be mad at me! don't kill me! lalo na kay @janjeypaps haha sarreehhh pero go pa rin tayo sa #JeRa

Like: Ze Wafs @ www.facebook.com/ZeWafs389 Thanks! ;)

What does it take... (Thomas Torres - Ara Galang fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon