"Anong nangyari sa Principal Office Hayle?" panimulang tanong ni Pearl.
"Girl, kakarating ko lang baka gusto mo muna akong pahingahin no? O pakainin?"
Pambabara ko sa kanya."Oh kalma, Sige kumain kana. Ang init lagi ng ulo mo eh no? Lagi kaba may regla ? Nako pacheck up kana baka mamaya may sakit kana."
Pang aasar pa niya. Sarap batukan nang babaeng to.
Sino ba namang hindi mababadtrip don? Pero di naman talaga nakakatuwa pa nga eh."Walang nangyari sakin, Di rin ako sinuspende"
Nakangiti pako habang sinasabi yon.
"Mukhang masaya ka ah? Sabihin mo nga anong nangyari?"
Seryosong tanong nito."H'wag ka masyadong seryoso, walang nangyari si sir Peter pa nga ang napagalitan eh." bakas sa mata nito ang pagtataka.
"Okay okay! Ganto kasi pumunta ko dun tapos ngayon ko lang nalaman na every weekends bawal pala mag iwan ng assignment. Weekdays pwede pero weekends hindi. Hindi naman nila naipaliwanag kung bakit eh, Basta nag usap nalang sila tapos pinaalis nako ni Madam Brea."
Pagkatapos kong sabihin ito biglang may asungot na dumating.
"Hey Kurt!"
Pambungad ni Pearl. Aba nakangiti pa ang mokong."Anong tinitingin tingin mo ?"
Naiinis kasi ako sa tingin niya sakin akala mo mangangain eh."easy! Ang sungit mo agad eh. Gusto ko lang naman sabihin na natanggal na si Sir Peter. Kanina lang. Di ko alam kung bakit."
Nagulat ako nang marinig yon. I can't believe na ganon lang yon? Ang tagal tagal niyang nagtuturo tapos ganon lang yon?"Wait! San mo naman napulot yang balitang yan? Puros ka kalokohan, Alam mong matagal nang nagtuturo si Sir Peter satin tapos ganon lang yon?"
Sa pagsagot ko parang kami lang ni Kurt ang nag uusap."Teka nga! Nandito ako oh?" biglang saad ni Pearl. Sabagay nandyan nga pala siya
Iniisip ko kasi kung paano talaga nangyari yon. Parang napakalabong mangyari eh."Ano ba talagang nangyari Kurt? Di namin maintindihan kasi sa tagal na napapa principal ni Hayle si Sir pa ang mapapaalis?"
Seryosong tanong ni Pearl. Nakatingin naman sakin si Kurt ngayon. Hays ang kupal talaga netong taong to eh! Hindi ko nalang muna pinansin yon at pinabayaan siya."Di ko din alam kung anong mismong nangyari Hayle at Pearl. Basta narinig ko nalang na pinaalis ni Madam Brea si Sir Peter eh, Pagkatapos nakita kong umalis na talaga si Sir."
Mukhang totoong balita to.
Siguro kailangan ko mag apologize sa nagawa ko? Kung di siguro ako natulog di siguro mapapagalitan si Sir. Kaso ang babaw kasi nang dahilan eh.Tumakbo agad ako palabas at nagulat nalang sila Pearl sa ginawa ko, Hindi nila ako sinundan siguro dahil natulala sila.
"bawal lumabas!" pagharang sakin nang guard. Nandito ako ngayon sa Gate at balak ko magsorry kay sir.
"Kuya saglit lang talaga may kailangan lang akong gawin." pagtapos nun yumuko ako para makadaan palabas.
Wala ding nagawa si kuya kundi tignan ako at ramdam ko na hinahabol niya ako.
Pero napahinto ako nang nakita ko si sir Peter sa tapat ko."S-sir?"
Pagtingin niya palang sakin ay parang may galit sa mga mata nito."Bakit Hayle? Okay lang naman sakin. Nagkamali ako alam ko yon, Sa susunod wag kana matutulog ha? Tsaka makinig ka sa prof mo para hindi din to mangyari sa magiging prof mo."
Nagtataka lang talaga ako bakit hindi ako ang pinagalitan? Ako yung may maling ginawa eh.
Napatulala ako at nakita ko si sir kung paano sumakay nang dyip. Wala nakong nasabi, hindi man lang ako nakapagsorry.
Pinagmasdan ko ang dyip.Goodbye sir.
Goodbye sir Peter.
BINABASA MO ANG
My Husband is My Professor
Teen FictionSi Hayle Ramirez ay isang studyanteng walang sipag sa pag-aaral ngunit magbabago ang lahat ng dahil lang sa isang professor na dumating sa buhay niya. walang ginawa kundi ang pag initan siya, walang ginawa kundi utos-utusan siya, at walang ginawa k...