Call me, maybe?

40 0 0
                                    

Paki-play nung video while reading. Thanks. :)

---

"SM PALA-PALA BABA NA!!" sigaw nung konduktor.

"Tae, nakatulog pala ako. Buti nalang ang lakas ng sigaw. Thanks to you, Manong." Pupungas-pungas na bumaba ako kasama nung mga pasahero.

Ikaw ba naman hindi makatulog sa bus eh magdamag akong di natulog dahil nagkayayaan kami ng mga pinsan kong mag-inuman. Wala lang, bonding kumbaga. Tapos kakapikit ko palang ng biglang sumigaw si Mama na pumunta daw ako ng SM dahil kuno wala ng stock. AMPOTA !  ABA MATINDI! >.<

Tsk, kanina pa ako todo satsat di pa pala ako nagpapakilala. Im Lauren Ramos. 19 years old. 3rd year college. Taking up BSIT course. Im from Tagaytay, City. Eh, di san ako nag-aaral? Syempre sa Tagaytay din, tinatanong pa ba yon? 5'3 height ko. Maganda daw ako, sabi nila kamukha ko daw si Selena Gomez. Ganun? Ganda ko pala.

Opps, masyado ata akong harsh. Sorry naman, wala lang sa mood.

PAGkapasok ko sa loob ng SM Dasma, agad sumalubong saken ang lamig ng aircon. Nagtindigan bigla balahibo ko. Luminga linga ako, hinahanap ko 'yong stall ng Zagu. Inuuhaw kasi ako. 'Di pa kasi nawawala antok ko.

"One regular hazelnut cappuccino po." Agad kong binigay bayad ko at naglakad paalis. Nasa 2nd floor ako ngayon, nakasandal sa may railings. Pagtumunghay sa baba makikita yong mini stage.

Napapikit ako ng bigla akong malula. Pagkadilat ko agad kong nasalubong yong mga matang matiim kong tumitig. Gwapo, kulang pa yong word na yon. Mas tamang sabihing hot siya. Iyong hairstyle niya ay parang kay Jacob yong nasa Twilight? Iyon yon! Mas matangkad saken. Nakatagilid kasi ako kaya nakaharap ako sa kanya.

Meron siyang mga kasama, barkada niya ata. Nagtatawanan pa. Andami nila, agaw-eksena nga eh. Well, wala naman siyang ginagawa pero napapalingon niya yong mga kababaihan.

"Tsk. Feeling masyado," bulong ko. Sakto namang napatingin ako sa kanya ng bigla akong napairap. Bigla niya akong tinaasan ng kilay.

Bigla akong kinabahan ng naglakad siya papunta saken. Tiningnan ko yong wrist watch ko, quarter to 12:00PM na pala. Tatalikod na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko. Napalingon ako bigla.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oneshot- Ang Pogi Sa Super MallWhere stories live. Discover now