Kabanata 27. Pagbabago

298 14 2
                                    

Natasha's POV

Naglaho ang ngiti ko sa binasa kong text ni Oyang nang maibaling ko kay Lino ang tingin ko, apparently, he's also looking at me. He looked away after two seconds. I felt guilty once again. Which is kind of dumb, actually. Madami na akong na-reject na guys before, some of them actually spent ridiculous amount of money trying to chase me, pero hindi naman ganito kabigat sa pakiramdam. Maybe because Lino is different, you can actually feel his sincerity and that he's genuine. That's why I wanted to keep him as a friend, or like a brother.

*snap*

Nabalik ako sa realidad nang dahil kay Mutya.

"Tulala ka na naman dyan, huwag mo nang isipin si Lino." sabi ni Mutya, iba din tong isang to eh, parang hindi man lang naapektuhan na may ibang gusto yung minamahal nya.

She's such a gem. I have always thought that she's gonna hate me to death since she's...well...obsessed with Lino.

Tiningnan ko ulit si Lino, busy reading his manga.

"Magiging okay din yan, mas madali pa sa kanya ang mag-move on kesa magsulat ng essay. Speaking of, natapos mo na ba yung essay mo sa English?" sabi ni Mutya,

"Ha?" nakangangang sabi ko,

"Deadline na nun bukas, wala pa nga akong umpisa. Pero ayos lang, wala naman tayong klase sa biology mamaya. Absent yung teacher natin, dun na lang ako gagawa."

Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa braso ko. Nakakatamad! I don't feel like doing anything. Why do I have to go through all of these?

I wanna go home!

...

"Alam mo, Tasyang, dapat hindi ka muna pumasok. Parang hindi ka pa din okay eh." sabi ni Sarang na nakaupo sa katapat ko ngayon, nagla-lunch kami, katabi ko si Mutya, samantalang si Oyang naman, pinatawag daw sa SSG Office. Si Lino naman, I did not expect him to join us. Kasama daw nina Nando at Ken.

"Oo nga. O kaya naman, sa clinic ka muna kung gusto mo." suggestion ni Mutya,

"Ayos lang ako."

I'm not sick, I just feel empty. Will I get better if I stayed at the clinic? Or at home? Hindi naman diba?

Nakita kong naglalakad na papalapit si Oyang. Nag-indian sit sya sa tabi ni Sarang. So medyo katapat ko sya.

May dinukot sya sa bulsa nya at iniabot sakin ang maliit na chocolate, yung flat tops.

"Kapag kumain ka ng chocolate, madadagdagan yung level ng endorphins na nari-release sa utak mo, kaya mababawasan yung stress at pain na nararamdaman mo." mahabang paliwanag ni Oyang habang nakatitig lang ako dun sa chocolate na iniaabot nya sakin,

Nung makita nyang hindi ko kinukuha yung flat tops na inaabot nya ay sya na mismo yung nagbukas nun at nagsubo sakin, kaya wala na akong nagawa kundi ang tanggapin yun.

"Sarang, alis na tayo, lalanggamin tayong dalawa dito." sabi ni Mutya kaya napapailing na lang si Sarang,

"Haha, charot! Tara samahan mo ko sa C.R." sabi ni Mutya kay Sarang kaya umalis na silang dalawa at naiwan kaming dalawa ni Oyang,

"Huwag mo nang pakaisipin yung si Lino. Magiging okay din yun." sabi ni Oyang, sabi na nga ba at alam nya na din kung ano yung nangyari.

Hindi lang naman si Lino ang iniisip ko e. Madami ding iba akong iniisip. Including him...Oyang.

"Hope the chocolate helps." sabi ni Oyang,

*kriiiiing*

Nag-bell na kaya naglakad na kami papunta sa classroom. Wala na nga pala kaming klase hanggang uwian. I guess I'll just sleep for the entire lesson, sa bahay ko na lang gagawin yung essay na sinasabi ni Mutya.

Mission: Act Like a ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon