3

27 1 0
                                    

Noong una, medyo naiilang akong nakaupo at kaharap ko pa sina Rica at Nick. Si Rica, sobrang titig sa akin, na para bang naghihintay ng explanation. Si Nick naman, nakatingin sa phone niya habang nakasuot ng earphones.

"So...Kung friend mo lang siya, bakit ganun siya kung maka react? I mean, I know it's none of my business, pero grabe siya kung makabantay sa iyo. It's just too much!" angal ni Rica.

Totoo naman. Masyadong protective si Michael, lalo na pag may lalaki akong kasama.

"Siguro nakita kasi niyang may lalaking hindi niya kilala." depensa ko naman.

"Girl, I know we just met, at dapat hindi ako makialam, pero hindi mo ba naiisip na baka masyado ka na niyang kinokontrol? Di pa kayo niyan ah. Paano pa pag naging kayo? Di ba, Nick?"

Napatingin naman kami pareho kay Nick, na mukhang kanina pang walang naririnig.

Pinalo ni Rica yung balikat ni Nick at agad namang niyang tinanggal yung earphones niya.

"Yeah?" sabi niya, at nakita kong nairita ng kaunti si Rica.

"Oh my god. Forgive him. Minsan talaga, wala masyadong pakialam sa mundo itong si Nick." sabi ni Rica.

"Okay lang." sabi ko naman.

Dumating na yung order namin habang dirediretso pa rin ang angal ni Rica sa mga nakita niyang ginawa ni Michael.

Nanahimik kami ni Nick ng kaunti habang kumakain kami, habang si Rica naman ang tumutustos sa ingay dahil kahit habang kumakain, tuloy pa rin ang pagtanong at pagkairita kay Michael.

"How are you going to go home?"

Napatigil kami ni Rica dahil biglaan na lang nagsalita si Nick.

Tinignan niya lang ako, nag aantay ng sagot.

"Sabi niya na itext ko daw siya para ihatid niya ako." sagot ko naman.

"What?! No. No, no, NO!" biglaang tugon ni Rica. "Nick's going to drive you home. Sabihan mo iyang lalaking iyan na nag offer na ihatid ka na lang. Let him know na he's not in control of your life!"

Nanlaki naman yung mata ko.

Nakatingin pa din ako kay Nick, naghihintay ng reaksyon, pero ilang segundo pa ang lumipas nang mapansin niyang nag aantay pala ako ng sagot niya.

Tinignan muna niya si Rica, tapos ako ulit.

"I mean, puwede kitang ihatid. But it's really up to you." sabi niya sa akin.

Pag mas pinatagal ko pa itong away namin ni Michael, baka mas tumindi pa o kaya mas gugustuhin ko talagang hindi na siya ulit kausapin.

Ilang minuto ko ding pinag isipan bago ko sinabing magpapasundo na lang ako kay Mike, para maayos na kami.

"Okay. Hayy...I'm seriously getting a bad vibe on that guy though. If you need anything," tapos kinuha niya yung cellphone ko na nakalapag lang sa table, "I'm putting my number on your phone, and you just call me, okay?" sabay balik sa akin ng cellphone.

Nakita kong nag missed call din siya sa phone niya gamit ang phone ko, siguro para isave na din yung number ko.

Tumango naman ako at natuwa dahil sobrang bait ni Rica. Yung tipong, kakakilala pa lang namin ngayong araw, pero sobrang maalaga siya na parang ate ko na siya.

Matapos naming kumain, tinext ko na si Mike, at agad agad naman niyang sinabi na on the way na daw siya.

Siguro mga sampung minuto lang yung inantay ko, nagtext na agad si Mike na nasa labas na daw siya ng cafe.

The Passenger SeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon