Isang taong matanong...

10 0 0
                                    

May 23, 2014 (10:38am, Friday)

"Kapag ba may sasabihin ka, dapat bang mautal-utal muna?" Sent by VcKllnz

Isang random na pm ang natanggap ko nung umagang iyon. Medyo napaisip lang ako nung una. Kung sasagutin ko ba o hindi, pero napaisip agad ako kung ano ba ang dapat na isagot sa tanong nya.

Isang walang kwentang sagot ang ibinigay ko, "Survey? Depende sa sasabihin. Lol".

Nagtanong nanaman itong taong napakagulo ng isipan at nagpapagulo ng isip ko.

"Panong depende?", "May sasabihin bang nakakautal?".

Sagot ko, "Kapag nahihiya o kaya kinakabahan, hindi ba?".

"Sabagay, tama ka. Nga pala, kilala mo ba ako? Hahaha"

Grabe naman tong lalaking to, kung makapag-tanong ng napakalalim akala mo magkakilala talaga kami tapos bigla nalang magtatanong kung kilala ko ba sya. Syempre ang sagot ko dun (Oo, crush kaya kita nung high school pa tayo). Kaso hindi naman ako ganun kaya grab the opportunity nalang kasi sya naman una nakipag-usap.

Ang sinagot ko talaga, na medyo mataray slash medyo ulyanin effect pa.

"Oo ata. Schoolmate? RM".

Medyo umpisa palang ng chatting moments namin, kilig to the max na ako. Crush mo ba naman dati, ngayon kausap mo na. Yung first day na pag uusap namin sa facebook, kwentuhan lang kasi nangangapa pa at di pa masyado magkakilala.

Dumating yung halos araw-araw syang nagcha-chat sa akin, kung anu anong tinatanong tungkol sa akin, kung anu ano din ang kinekwento tungkol sa kanya.

Naglalaro ako ng Throne Rush sa Facebook, biglang pinasok nya yung topic kung paano laruin yun. Edi si ako naman na gusto syang ka-chat, go naman. Tapos tanong nya "Mahilig ka ba sa online games? Gusto mo matuto maglaro ng LOL?", hindi talaga ako interesado sa mga online games pero dahil tuturuan nya ako, nagbago ang pananaw ko sa mga panirang bagay na yan sa pag-aaral. Hahaha! Puro yun ang topic namin kapag magka-chat, then one day nag-ask sya ng number para daw pag may tanong sya sa Throne Rush (na kahit obvious naman na ginagamit lang nya ang laro para makakuha ng number), kunware walang alam kaya bigay naman ako :") this izz it! Next level na kami. From level: chatmate to textmate lang ang peg.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VKPIMLOMLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon