Rhaine's Note: Heya! This is my first one shot story.. Bigla ko lang itong na-imagine. Kasi namimiss ko na ang mag-fb. Bawal kasi tuwing weekdays. -.-
Anyway highway, Enjoy reading! :)
¤¤¤
Your CRUSH sent you a GAME REQUEST. (OneShot Story)
Selena's POV
Pagbukas ko ng facebook account ko nakita ko na mayroon akong 10 new notification na galing sa iba't ibang tao na friends ko dito lang sa fb.
Hindi naman kasi ako 'peymous' na sinasabi nila katulad sa mga taong maraming likers. Yung tipong magpo-post lang sila ng kahit tuldok o emoticons lang umaabot pa ito ng 100-200 likes. Aba matinde! -.-
Ako lang naman kasi si Selena Villafuerte. Simpleng babae lang, at normal lang ang mukha ko. (may abnormal ba? xD) Hindi masyadong maganda at hindi din naman pangit. Fourth year high school na ako.
Tinignan ko naman kung kanino galing ang mga notifications ko.
'Allison tag you on her album (Mapeh practice/photoshoot. Super saya!! Hart hart <3 <3 )'
Limang notification, galing kay alli, bestfriend ko.
Lima kasi isa na iyang album at apat naman na mismong pictures.
'Lorraine Dela Cruz accepted your friend request'
Okay. Thanks?
Yan naman ang isa sa mga notification ko ..
Yung ibang nalalabi naman...
'Lance Torres sent you a game request blah blah blah'
"LECHE!"
Ayan na lang lagi ang lumalabas sa bibig ko tuwing nakikita ko ang mga game request na pinapadala sa akin ng Lance Torres na yan!
At apat pa talaga ang pinadala ah! Nakakainis talaga. Sobrang turn-off na talaga ako sa kanya. Kasi alam niyo ba...
Nung first year kami ay patay na patay ako sa taong yan. Yung tipong head over heals ako sa kanya dati.
Masasabi kong sobrang gwapo niya. Maputi, matangkad, Clean cut yung hair niya na medyo tusok tusok yung sa gitna, tapos ang ganda ng mata.. basta ang gwapo niya talaga! At crush na crush ko siya... dati..
Noong kami ay mag te-third year na, nauso naman sa eskwelahan namin ang social media, katulad nalang ng facebook.
Sobra akong natuwa noon nung in-accept niya na ang friend request ko.
Syempre ako ang nag-add. Asa naman akong i-add niya. :3
Pero, ang nakakainis lang. Simula nung naging friends kami, palagi na siyang nagpapadala ng game request sa akin.
Nagsimula sa... Pet Society, Farm Ville, CityVille, Tetris Battle, Candy Crush at marami pang ibang games sa facebook!
Nakakainis diba? Kaya madalas sumagi sa isip ko na i-unfriend ko siya eh.
Pero never ko itong ginagawa. I dunno why?
Siguro crush ko parin siya?
Hay, Ewan!
*Pop*
(Isipin niyo nalang sound effects yan nung sa facebook chat :))
Habang busy ako sa pag sco-scroll sa newsfeed ko bigla naman nagkaroon ng number 1 yung sa message button, kaya agad ko itong tinignan.
BINABASA MO ANG
Your CRUSH sent you a GAME REQUEST. (One-Shot Story)
Short StoryAre you lucky enough because your ultimate crush finally noticed you on facebook? BUT what if it's just a GAME REQUEST?