Nangyari ang lahat when I was in grade school. As far as I know eight years old ako non. Palagi akong nabubully kasi ang nerd ko daw. Kasi palagi akong nakasalamin at pony tail. At kahit kailan pag hindi nakauniform, palagi lang akong naka tshirt at jogging pants. Yun lang halos mga damit ko. Basta mahilig ako sa ganong suot kahit marami naman kaming pera pambili ng mga mamahalin at magagandang damit.
Dumating sa time na pati salamin ko ay sinira nila sa sobrang pambubully at minsan pa ay ginupit nila yung laylayan ng jogging pants ko. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak na lang.
Wala akong makaramay that time. Wala akong kapatid na pwedeng magtanggol sakin. Di rin ito alam ng parents ko kasi palagi naman silang wala. Out of the country or out of town dahil sa mga seminars. Masyado silang nagpapayaman. Mas-importante pa sa kanila ang trabaho kesa sa anak nila na halos di na alam kung ano ba ang nangyayari sa anak nila.
Hanggang sa maging high school ako, binubully pa rin ako. Kasi ganon pa rin ang hitsura ko, nerd na nerd pa din. Noon malimit puro lalaki nang-aasar pero ngayon pati mga babae. Palagi nila akong sinasabunutan o kaya sinasampal.
One time, pumunta ako ng roof top ng school namin to end up my life kasi di ko na talaga kaya. Araw-araw at gabi-gabi akong nag-iisip at umiiyak kung paano na naman ba ang bukas ko. Mabubully na naman ako. Kaya mabuti pang tapusin ko na ang buhay ko.
Nakatungtong na ako sa barriers ng roof top at aakma nang tatalon ng biglang may babaeng pumigil sakin. Unlike me, she is very beautiful and her fashion really fits her. Siya yung tipo ng babae na sinasamba ng lahat because of her beauty and her body na kahit anong isuot mong damit sa kaniya ay bagay.
This girl made me realize that I must not lose my hope na one day aahon rin ako. She comforts me like she is my sister. Later on, palagi ko na siyang kasama at palagi na niya akong dinadamayan sa lahat ng problema ko. Kahit na bulung-bulungan na naman ako sa school kasi kasama ko siya, di pa rin siya lumalayo sakin at di na lang niya pinapansin yung sinasabi ng iba. She became my bestfriend and sister na rin. She's Maryden Lee but she insist to call her Den.
She helped me to become a stronger woman. Na kahit anong pang-aapi ng iba ay dapat matuto akong lumaban at tumayo sa sariling kong mga paa. Tinulungan niya akong bumangon.
Naging Seniors kami at nagbago ako. The way I dress, at ultimong glasses ko ay tinanggal ko. I use contact lenses instead of glaesses na. At pinakahuli, when I transformed, napansin ng lahat ang tunay kong ganda na akala mo ay isang korean celebrity. Matapang na ako kagaya ni Den. Palagi naming pinapagtanggol ang isa't isa.
Tumagal ng tumagal ay lalo na akong naging matapang. Hinahangaan na ako ng nakakarami at lahat ay takot na samin ng bestfriend ko.
Ito ang palaging linya ko...
"Walang pwedeng umapi samin ng bestfriend ko!"
"Subukan niyong lumaban samin for you will go to hell!"
"Get out of our way bitches!"
What I want, I can get it.
What I need, I must get it.
Because that's how the rule of a bitch is. I am no longer the nerd who's always down.
Ako na lang at ang bestfriend ko ang pwedeng magsuplada!
Di pwedeng kahit na sino ang pumantay sa aming dalawa kasi wala namang talagang may kaya samin.
Kaya kayo diyan, back off!
Bakit? GANDA KA BA?!
BINABASA MO ANG
SUPLADITA
Novela JuvenilI'm the one and only Evee Choi. You're half-Korean and half-Filipino supladita. Also known as the Campus Bitch. Eh ano naman?! May problema ba tayo don?! Pake niyo kung mataray at suplada ako?! What I want, I can get it. What I need, I must get it...