3: Confuse

565 16 0
                                    

Maya maya'y may humawak sa Likod ko, naalala ko yung guard.

"bumalik kana sa klase mo".
Seryoso nitong saad.

Agad naman akong pumasok sa gate at dumiretso sa room, ang daming sumasagi sa isip ko. Hindi ko maintindihan kung paano nangyari yon. Ako yung mali pero siya yung napaalis? Amazing!

"Hayle san kaba galing bakit tumakbo ka agad kanina?" pinansalubong na tanong ni Pearl.

"Sinundan ko kasi si Sir Peter gusto ko sana mag apologize sa nangyari."
Mahinahon kong saad.

"Bakit may ginawa kaba sa kanya Hayle?"
Pagtataka nito.

"Wala naman, Siguro dahil sakin kaya siya napaalis. Ang babaw kasi para sakin nun Pearl." halatang halata sa kanya ang pagkagulat .

"Huh, Hindi mo yon kasalanan."
Nagtaka ako nang biglang nag iba ang kilos nito.

"Teka asan pala si Kurt?"
Pag-iiba ko nang topic. Ayoko na kasi pag usapan ang nangyari.

Bago pa siya sumagot ginatungan ko agad siya nang tanong.
"Sino kaya ang susunod nating prof?"
Wika ko.

"Di ko din alam, pero sana naman Hayle magtino kana. Prof ang napapahamak kapag nakakagawa ka nang mali." -pearl

"Hindi ko nga din maintindihan pearl eh. Diba dapat ako ang sisihin? Pero hayaan mo dahil sa nangyari kay sir Peter magtitino na muna ako."
Saad ko dito. Natawa naman siya sa mga sinabi ko.

"Muna? So it means may balak kapang gumawa nang kalokohan sa ibang araw?" pang aasar nito.

"Hay nako pearl! Wag na natin pag usapan muna yan. Samahan moko mamaya magsa shopping, Sunduin moko o sunduin moko? Joke."
Halata sa mukha niya ang pagkapikon.

"Alam mo Hayle, late na tayo sa susunod nating klase."

"Ok, ok. Basta mamaya huh? Itetext kita."
Bigla naman akong kumindat dito.

Bumalik na agad kami sa classroom namin, at walang magawa ngayon. Sobrang boring. Naalala ko padin ang pag alis ni sir Peter. Sino kaya ang papalit? Masungit kaya? Mahilig din kaya magpagawa ng assignment? Hay nako!

Maya maya'y uwian na. Agad agad kong tinext sila mommy hudyat na magpapasundo ako.

To: Mameh!
My, Pwede po bang pasundo?
/sent

1 message received

Sige nak, dyan ka lang sa gate wait mo si daddy mo.

Reply: Ok.
/sent

1 message received..

Nak, may kailangan kami sabihin sayo. May lakad kaba mamaya?

Reply: meron po my. Shopping with pearl po.
/sent

1 message received...

Sige nak, sa susunod na araw nalang.
Reply: ok.
/sent

Pagkasent ko nang message kay mommy ay dumating na si daddy, Naka kotse naman kami kahit papaano, laking may kaya din ako.

Confusing padin ako sa nangyayari.

Hays.

My Husband is My Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon