Hapon na at muka pang uulan , Kanina kapa? -jeremy
Aah hindi naman kakapunta ko lang dito, Ikaw ang akala ko maygagawin ka kaya hindi kita inaasahan na pupunta dito..
Ah ayun ba? tapos kona gawin, sabi niya
Mabuti naman at naisip mong pumunta dito sa playground wala akong kakwentuhan eh tahimik ang paligid..
Nasanay na rin ako dahil sayo...
Hmmm... Alam mo ba kung gaano na tayo katagal magkakilala? - jeremy
Sa tingin ko 5 months?? Teka 21 ba ngayon?
Oo, 5 months na nga tayong magkakilala at 21 ngayon. Ngayon yung unang araw na magkakilala tayo tanda mo pa? - jeremy
Oo, tanda ko, ito yung araw na tinulungan mo ako sa mga bumato sakin at sinabihan akong T*NG* dahil hindi pa ako tumayo may bumabato na nga sakin.. Hindi mo pa kasi alam na bulag ako nun.
Oo tama ka , at sa tingin ko ito rin ang araw nang last na pagkikita natin. - jeremy
Huh! bakit naman? Sabihin mo aalis kaba? magkikita paba tayo?
Hindi ko alam eh, pero my chance din na magkita pa tayo. Pupunta na ako papuntang London dun ko itutuloy ang 2nd year high school. Pero 3 years lng naman yun Gusto ko kasing dito mag college. -jeremy
Hindi ko alam pero tumulo ang luha ko, Siguro iniisip kong mawawala na yung magtatanggol sakin sa mga taong hindi ko nakikita , at sa loob ng 5 buwan inaamin kong nagkagusto ako kay Jeremy..
Dont Cry Yuwan , Naniniwala kaba sa "Destiny"? kasi kung destiny talagang magkita pa tayo , magkikita pa tayo, pero kung hindi...... - jeremy
Kung hindi ano??
Kung hindi .. Memories, memories nalang ang lahat ng ito...
Na naging magkaibigan pa tayo.. -jeremy
Ano kaba kailangan positive tayo tayo. Jeremy think positive huh!?
0k sabi mo eh, 3 yrs. from now kapag nagkita tayo, kailangan maayos kana, nakakakita kana ipromise mo yan sakin. Diba next month yung sched. mo para sa operation? Sayang hindi mo ako makikita , baka mainlove ka sakin! hahahaha.. - jeremy
Baliw ka talaga!!! Kung alam mo lang hindi pa kita nakikita nainlove na ako sayo.
hahaha. joke pero alam mo na ang hahanapin mo after 3 yrs. ha!?
Hmm.. may ibibigay pala ako sayo.. letter ko yan, gusto kong basahin mo kapag nakakakita kana. - jeremy
Sige babasahin ko ito after ng operation . Teka umaambon yata, nararamdaman ko ang patak ng ulan.. Aah (bigla akong niyakap ni jeremy)
Take care Yuwan, kailangan maging matapang ka , wala na ako sa tabi mo. Goodbye Yuwan .. Goodbye!
Yeah I know magiging matatag ako. Goodbye Jeremy . (kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin) Till we meet again....
Tapos umalis na siya , dumating na yung sundo ko, hindi naman gaano kalakas ang ambon pero basa ang balikat ko.......