"Laila anak. Pasensya na kung hindi ka na namin kayang pag-aralin ng Itay mo. Alam mo namang kapos na tayo sa pera at nag-aaral pa si Lea at Lita. Okay na siguro yung nakatapos ka ng elementarya anak. Kahit papaano naman ay may alam ka."
Ngumiti nalang ako sa kanila at tumango. Naiintindihan ko naman sila Inay at Itay. Dito kasi sa probinsya namin ay napakahirap talaga ang pag-aaral.
Ang eskwelahan na pinapasukan ko dati ay nasa kabilang baryo pa. Wala naman kaming sasakyan kung kaya't kinakailangan mong maglakad ng milya milyang layo para makapasok lamang sa paaralan.
Kung itutuloy ko pa ang pag-aaral para sa sekondarya ay nasa kabilang bayan pa ito. Masyado ng malayo sa amin. Mahal din ang pamasahe sa bus kaya kailangan ko na din sigurong huminto sa pag-aaral.
Sa edad kong disenwebe ay ngayon lamang ako nakapagtapos ng elementarya. Nagkasakit kasi noon ang Itay kung kaya't kami nalang ni Inay ang nagtutulungan para makabili ng gamot ni Itay.
Ang dalawa ko namang nakakabatang kapatid na si Gabby at Lita ay pawang mga nasa grade 2 palang. Malaki ang agwat ko sa kambal dahil hindi rin namin inaasahan ang pagdating nila sa buhay namin.
Nakapag-aral lang ako ng elementarya simula ng maging maayos na muli ang pakiramdam ni Itay. Kaya sa edad kong ito pa lamang ako nakapagtapos.
"Naiintindihan ko naman po Inay. Magtatrabaho nalang po muna ako sa palengke dyan sa bayan ng sa gayun ay may pangbaon sila Lea at Lita."
"Oh sya, sige na Laila. Maraming salamat talaga anak ah. Pagpasensyahan mo na ang buhay na meron tayo. Hayaan mo at may awa ang Diyos. Malay mo ay swertehin din tayo."
Ngumiti nalang ako kay Inay at nagtungo sa palikuran namin para maligo. Magtutungo nalang ako sa palengke ngayon baka sakaling may mahanap akong trabaho para makapandagdag sa gastusin naming pamilya.
Nang matapos ako ay lumabas na ako ng bahay at nagtungo sa palengke. Iilan lang ang nagtitinda dito dahil ang iba sa mamamayanan ng probinsya namin ay nasa dulo pa.
Hindi kasi dikit dikit ang bahay dito kundi magkakalayo. Kinakailangan mo pang lakarin ng mga bente minuto bago makarating sa kapitbahay mo.
Nang makarating ako sa palengke ay nakita ko ang aking matalik na kaibigan na si Betty. Nakatira sya sa malapit sa bayan. May kaya ang kanilang pamilya nila kung kaya't sikat din sya dito sa amin.
"Oh Laila, andito ka pala. Anong ginagawa mo dito?" lumapit ito sa akin at humalik sa pisngi ko.
"Ah maghahanap sana ako ng trabaho rito. Malay mo ay may kumuha. Kinakailangan ko kasing magtrabaho nalang para dagdag kita na din at hindi naman na ako makakapag-aral ng sekondarya."
Tumango ito at ngumiti sa akin.
"May nabanggit pala sa akin yung Tita ko galing Maynila. Naghahanap daw ng p.a yung isa sa mga talent nya. Kinakailangan daw ora mismo. Gusto mo ba? Kailangan kasi ay yung kakilala daw ni Tita para hindi sya mahirapan kapag makikipagcommunicate about sa oras nung talent nya."
"Teka, ano yung p.a?" nahihiya na tanong ko sa kanya. Limitado lang din kasi ang alam ko. Hindi rin ako masyadong magaling magenglish pero kahit papaano ay may alam ako dahil naturo naman yun sa amin sa eskwela.
Tumawa naman ito ngunit hindi mapangutya. Yung tawang nakakatuwa. Isa sa mga bagay na minahal ko sa matalik kong kaibigan na ito. Hindi sya marunong tumingin kung saan ka man nanggaling. Mahal nya ako kung saan man ako nagmula at kung ano ang status ng buhay namin.
"P.a ibigsabihin nun personal assistant. Personal alalay ganun. Ikaw magaayos ng mga gamit nya. Kapag wala yung manager nya ay ikaw ang tatawagan ni Tita para hanapin yung talent nya. Yung talent na sinasabi ko ay artista, Laila." namilog ang mga mata ko at napatakip sa bibig.
"Talaga Betty? Artista? Naku. Wala pa akong nakikitang artista sa buong buhay ko."
"Hahaha ikaw talaga kahit kailan napakainosente mo. Oh! Kukunin mo na ba? Para masabihan ko na si Tita. Naghahanap parin kasi sya hanggang ngayon e. Malaki din yung kita nun kumpara sa palengke na ito. Tsaka malay mo madiscover ka at gawin ka ding artista. Kulang ka lang sa ayos pero maganda ka. Kilala ka naman ni Tita e. Remember Tita Gladys? Yung mama ni Misyel? Sya yung Tita ko na naghahanap ng p.a." tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Naku. Salamat talaga Betty. Sige kukunin ko na. Eto na ata yung swerte na tinutukoy nila Inay."
"Sasabihan ko na si Tita Gladys mamaya pagkauwi ko. Magimpake ka na din at sabihan mo na sila Tita about sa magiging trabaho mo. Manila yun remember? Sana payagan ka."
"Papayag yun ano ka ba. Para naman ito sa amin e. Eto na talaga siguro yung swerte." nakangiti kong tugon sa kanya. Hindi talaga mapawi yung ngiti sa mukha ko. Pakiramdam ko eto na yung swerteng tinutukoy ni Inay.
"Oh sya! Sige na. Umuwi ka na para makapagpaalam. Baka kasi kung makausap ko si Tita Glady's ay baka bukas na bukas ka na rin nya paluwasin. Kailangan na kailangan daw kasi yung p.a e." tumango ako at ngumiti ulit sa kanya.
"Maraming salamat talaga Betty. Maraming salamat." yumakap ako sa kanya at ganun din sya sa akin.
Nagpaalam na ako na uuwi na ako. Kailangan ko ng makauwi para mapagpaalam ko na kila Inay ang trabahong kinuha ko. May tiwala naman ako kay Betty dahil kilala ko din naman ang pamilya nila. Mababait at matutulungin sila. Maswerte ako at naging matalik ko syang kaibigan.