"Welcome to Manila, Laila"
Luminga linga ako sa paligid at nakita ang mga naglalakihang mga buildings. Ang dami. Ganito pala sa Manila?
Napakarami ding tao. Busy sila sa kakatayo, kwentuhan, lahat ay may mga hawak na cellphone. Marami ring sasakyan. Mausok rito sa Maynila at masikip. Napapalibutan ng mga nagtataasang mga buildings.
Kinuha ni Tita G ang kamay ko ng makita sigurong hindi ako nakasunod sa kanya. Nagtungo kami sa isang itim na sasakyan.
Nagbow ang lalaking nagmamaneho ata ng sasakyan na eto at kinuha ang mga gamit ko. Pumasok na rin kami sa sasakyan. Nang mailagay ng lalaki ang nga gamit ko sa likod ay sumakay na rin ito at nagsimula ng magmaneho.
"Dun muna tayo dadaan sa company namin Laila. Ipapakilala kasi kita dun sa magiging amo mo. Dun ka din kasi titira sa kanya e. His name is Dave Lacosta." kumunot ang noo ko at binalingan ng tingin si Tita G.
"Lalaki po?" tumango naman ito. "Yes lalaki sya. Pero may tiwala naman ako dun. Wala syang gagawin na masama sayo iha." ngumiti nalang din ako kay Tita G. May tiwala naman ako sa kanya e. Atsaka alam kong hindi nya ako hahayaang mapunta sa masamang amo.
Tumigil ang sasakyan sa isang mataas na building.
'Romano Network'
Ito ata yung kumpanya nila Tita G. Napakalaki naman. Hindi talaga biro ang yaman na meron sila.
Bumaba na ng sasakyan si Tita G kaya sumunod na din ako. Kinuha nung driver yung mga gamit ko at ibinigay sa akin. Nagtungo sya sa entrance at dire-diretsong pumasok. Nagsisibatian naman lahat ng empleyado sa kanya.
"Id po nila Ma'am." pagharang sa akin nung guard. Id? Kailangan pa pala ng Id. Maghahalungkat na sana ako ng hawakan ni Tita G ang kamay ko.
"She's with me."
"Pasensya na po Ma'am." tumango lang si Tita G at tuloy tuloy na kaming pumasok sa loob. Makikita ang seryosong mukha ni Tita G. Ganito siguro sya sa trabaho.
Pumasok kami ng elevator at ipinindot nya ang 30. Nakasakay naman ako isang beses sa elevator ng minsan kong samahan si Betty na magmili ng gamit sa kabilang bayan. Ngunit ang pindutan roon ay hanggang lima lang kaya ganun siguro talaga kataas to at 30 ang pinindot ni Tita G.
Tumunog ang elevator at lumabas na kami. Nagtungo si Tita G sa isang kwarto at pumasok. May isang lalaki ang nakaupo doon sa isang sofa. Mukhang kanina pa ito nag-aantay dahil nakabusangot na ang mukha nito.
Gwapo ito. Maputi, matangkad at halatang alaga ang katawan. Maaamoy mo din ang pabago nitong panglalaki ngunit hindi masakit sa ilong.
Tumingin naman ito sa amin at ngumiti ng pilit. Tumayo ito at nakipagkamayan kay Tita G. Ako naman ay tinignan nya lamang.
Gwapo nga ito ngunit mukhang masungit.
Nagtungo si Tita sa upuan nya. Sa kanya siguro itong opisina. Kasing laki na nito ng bahay namin sa probinsya.
"Sitdown guys." tinuro nito ang upuan sa tapat nya. Umupo yung lalaki sa kaliwang upuan at ako naman ang sa kabila. Magkaharap na kami ngayon.
"I would like to introduce to you, Laila Dominguez. Your personal assistant." baling nito sa lalaki.
"And Laila, ito naman si Dave. Dave Lacosta. Ang magiging amo mo."
Sya pala si Dave? Mukha yatang hindi ko sya nakikita sa mga palabas na saglit kong napapanood sa palengke kapag nagagawi ako. Mukha syang artista pero ni minsan ay hindi ko pa sya nakita sa tv. Marahil siguro ay ibang palabas sya. Wala rin naman kaming tv para masubaybayan ang mga palabas na meron sa tv.
Ngumiti ito at inabot ang kamay sa akin.
"I'm Dave Lacosta. Nice meeting you." inabot ko din ang kamay ko at ngumiti sa kanya.
"Laila Dominguez po Sir Dave." Umiling naman ito at ngumiti ulit. Napakaganda ng ngiti nya. Nababagay talaga bilang artista. "No no no. No to Sir, just Dave. Ayoko ng formalities." tumango naman ako at binawi na ang kamay ko.
"Sya ang magiging amo mo Laila. Sa kanya ka din titira tulad ng sinabi ko na sayo kanina. Lahat ng mga gagawin nya ay dapat alam mo. Para alam mo kung anong mga gamit at damit ang kakailanganin nya. Kailangan mo din alagaan ang pangangatawan nya. Mula sa pagluluto hanggang sa pagtulog. In short, parang magiging all around assistant ka nya. Makakausap mo din ang manager nya soon dahil may inaayos lang itong problema. Makulit itong si Dave kaya kailangan mo ng pasensya." natatawang sabi ni Tita G.
"Hindi naman ako pasaway Tita G. Gwapo lang." tumatawang sabi nito.
"Pagtulog? Bakit po kasama ang pagtulog?" naguguluhang tanong ko. Kailangan ko pa ba syang patulugin? Para naman palang mag-aalaga ako ng batang artista nito.
"Hahaha oo iha. Kailangan mo kasing imonitor lahat ng galaw ni Dave. Kailangan nya ng maayos na tulog para kapag may shooting o pictorial sya ay hindi sya mukhang haggard o walang tulog. Iba kasi dito sa Maynila, Laila. Marami ditong tinatawag na night life o yung mga bar. Yung mga pagsasaya sa kalagitnaan ng gabi." tumango tango naman ako kay Tita G at minemorya lahat ng ibinilin nya sa akin.
"Eto nga pala yung cellphone Laila. Company cellphone yan kaya hindi mo kailangan tanggihan. Dito kita tatawagan kapag may gusto akong iparating kay Dave
Dito ka din macocontact ng manager nya. Nilagay ko na din dyan yung number ni Betty kung sakaling gusto mo sya makausap." inabot sa akin ni Tita G ang isang mamahaling cellphone. Touch screen ito tulad ng kay Betty. Naku naman. Hindi ako marunong gumamit nito e. Hanggang keypad lang ang nahahawakan kong cellphone.Tinaggap ko nalang ito at inilagay sa bag. Mamaya ko nalang kakalikutin kapag nakauwi na kami.
Tumayo na si Dave kaya tumayo na din ako. Nagpaalam sya kay Tita G at nauna ng lumabas. Tsk. Hindi maginoo. Hindi manlang ako inantay. Tumingin ako kay Tita G at ngumiti. Sabagay, sya naman ang amo ko.
"Ikaw na ang bahala Laila ah. Masungit iyong si Dave pero sana pakisamahan mo. Isa yun sa may mahal na bayad dito sa industriya natin kaya sayo ko sya pinagkakatiwala. Tawagan mo nalang ako kapag may problema okay?"
"Opo. Maraming salamat po ulit." tumayo ito at yumakap sa akin.
Matapos kong magpaalam kay Tita G ay lumabas na ako ng opisina nya. Nakita kong nag-aantay ito sa harap ng elevator. Nakabusangot na ulit ang gwapo nitong mukha.
"Pakibilisan naman Laila. Gusto ko ng magpahinga." kahit na naiinis din ako ay sumunod ako. Hindi ko kailangang pairalin ang pagiging masungit ko dito. Sya ang amo at ako lamang ay nagtatrabaho. Sya parin ang masusunod sa lahat.
Nang makababa kami ay nagtungo ito sa paradahan ng sasakyan. Ang daming sasakyan dito at mukhang mamahalin talaga.
Nagtungo sya sa isang itim na sasakyan. Umilaw at tumunog na ito bago pa kami makapunta sa kinaroroonan nito. Astig! Katulad ito nung kila Betty.
Pumasok sya sa upuan ng driver at ako naman ay nagtungo sa likod. Ng makapasok naman ako ay nilingon ko ito. Masama ang tingin nya sa akin. Nakakatakot.
"B-bakit po?" kinakabahang tanong ko.
"Bakit dyan ka naupo? Dito ka sa unahan. Gagawin mo pa akong driver." singhal nya sa akin.
Naguguluhan man ay lumipat ako sa tabi nya. Dun kasi kami banda nakaupo ni Tita G kanina kaya akala ko dun din ako mauupo. Wala namang pinagkaiba kaya bat naiinis sya?
Nang makaupo na ako ay sinimulan nya na ang pagmamaneho.