5

4.8K 60 0
                                    

Huminto ang sasakyan namin sa isang building ulit. May pupuntahan pa ba sya? Akala ko ay uuwi na kami para makapagpahinga? Magulo 'tong Dave na ito.

Pinatay nya ang makina at lumabas ng sasakyan. Lumabas na din ako at kinuha ang mga gamit ko.

Dali dali akong sumunod sa kanya dahil nauuna na sya. Baka mamaya kasi ay harangin na naman ako ng guard at hingian ako ng ID.

Diretso syang pumasok at nagtungo sa harap ng isang babae.

"Hi. Good evening Sir Dave and Ma'am." nakangiting bati nito.

"Magandang gabi din sa iyo." nakangiting bati ko rin sa babae. Binalingan ko ng tingin si Dave at busangot ang mukha nito. Walang modo. Hindi manlang binati ang babae e binati nga sya. Psh

"I would like to request ng another key card para sa kanya." panunuro nito sa akin. "Iregister nyo na din sya sa penthouse ko under Laila Dominguez. Bukas ko nalang kukunin. Salamat."

"Okay Sir Dave. Thank you."

Tumango lang ulit si Dave at nagdire-diretso sa elevator. Pagkapasok namin ay pinindot nya ang 23. Tsk. Akala ko magpapahinga na sya? Eh bat nasa kumpanya na naman kami?

"Ahm, Dave. May tanong sana ako." nahihiya kong tanong sa kanya.

"Ano?" walang buhay nitong sagot. Kung hindi ko lang 'to amo kanina ko pa 'to tinarayan.

"Kasi sabi mo kailangan mo na magpahinga pero bakit nasa isang kumpanya parin tayo?" tumingin ito sa akin at tinaasan ako ng kilay. Tsk. Mukhang bading.

"Hindi 'to company. Condominium 'to pero hotel based sya. Dito ako nakatira. Ano bang pinagsasabi mo dyan?" iritableng sagot nya.

Napapahiyang napayuko naman ako. Dito pala sya nakatira? Eh kasi magkakamukha ang mga building dito kaya akala ko isa na naman tong kumpanya na katulad kay Tita G.

"Pasensya ka na. Akala ko kasi ay kumpanya rin 'to katulad ng kay Tita G. Wala kasing ganito sa probinsya namin e."

"Taga probinsya ka pala? Kaya naman. Dito ako nakatira. Nasa 23rd floor ng building na to yung penthouse ko. Yung bahay ko mismo."

Bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami. Nagtungo sya sa isang pintuan at itinuro sa akin ang number na nasa taas.

"Room number 235. Ito ang bahay ko." tumango nalang ako at tinignan ang ginagawa nya.

May hawak syang isang card at dinikit lang doon sa may malapit sa pinto.

"Scanner ang tawag dyan. Etong card na hawak ko ay magkakaroon ka din bukas. Ididikit mo lang sya ng ganito at bubukas na yung pinto. Hindi dito uso ang kandado kaya ganito. High tech kasi dito sa Maynila." tumango nalang ako ulit at pumasok na ng bahay nya.

"Ito ang sala ko."

Wow. Napakaganda. Mas malaki pa ito sa bahay namin sa probinsya e. Pagkapasok mo ay mabubugaran mo agad ang sala nya. May mga sofa roon at sa tapat nito ay may isang malaking tv. Parang pangsine na sa laki nito ah.

Pumasok naman sya sa kaliwang bahagi ng bahay nya kaya sumunod ako. Ito siguro ang kusina.

"Ito naman ang kusina. Kumpleto naman ang gamit sa pagluluto dito. Bibigyan nalang kita ng pambili ng pagkain na lulutuin mo para sa atin. Hindi ako marunong magluto kaya wala kang aasahan sa ref ko kundi mga bote ng beer." napalingon agad ako sa kanya.

"Nainom ka? Kahit walang okasyon?" tumingin naman ito sa akin na para akong isang alien.

"Sigurado ka ba? Normal sa Maynila ang uminom kahit walang celebration. Hindi ba ganun sa probinsya nyo?"

Umiling naman ako at tumingin din sa kanya. " Umiinom lang ang mga kabataan sa amin kapag may okasyon. Bibihira lang din naman. Kapag pinapayagan lang ng mga magulang nila." tumango naman ito.

"Ilang taon ka na ba?" tanong nito habang kagat kagat ang isang mansanas. Ang gwapo. Kahit pagnguya at paglunok nya ay napakagandang tanawin. Iniiwas ko ang tingin sa kanya at inilibot nalang ang paningin.

"Disinwebe na ako." tumayo na ito at sumunod nalang ako.

"Okay. Hindi ka na pala menor de edad." ngumiti nalang ako sa kanya at sinundan sya.

"Ito ang kwarto mo. Ang nasa taas naman ay akin. Pag akyat mo ay kwarto ko kaagad ang makikita mo. Wala namang pintuan yun kaya kung may kailangan ka ay puntahan mo nalang ako. Ang cr pala dito ay iisa lang. Iyong pintuan na nasa dulo. Magpalit ka na ng damit at maguusap tayo mamaya. Gusto kong malaman pa ang kwento mo. Mas okay siguro yun para atleast kahit papaano ay kilala natin ang isa't isa." tinapik lang ako nito sa balikat at umakyat na.

Ang kwarto ko ay katabi lang ng hagdanan na patungo sa kwarto nya. Ang cr naman na tinutukoy nya ay nasa kabilang dulo. Malapit sa kusina.

Binuksan ko ang kwarto ko. Ito ba? Napakalaki naman? Kasyang kasya kaming pamilya dito e. May kama sa gitna nito at sa kanan naman ay may mga kabinet na nakadikit sa pader. May maliit na lamesa sa gilid ng kama at isa namang maliit pa na kabinet na pinapatungan ng isang lampshade sa kabila.

Pumunta ako sa kama at nagtalon talon. Napakalambot. Malaki din ito hahaha mukhang masarap matulog rito.

Humiga din ako saglit at ipinahinga ang katawan ko. Namimiss ko na agad sila Inay at Itay.

Bumangon na ako at kinuha ang bag ko. Isinalansan ko ang mga dami ko sa kabinet at nagpalit na ng damit. Maguusap pa nga pala kami ni Dave.

Lumabas na ako ng kwarto ko at naabutang nasa sala na si Dave at nanonood ng tv habang may hawak na lata ng beer. Ang aga aga naman nyang uminom? Nakasando lamang ito at naka shorts kaya kita mo ang katawang nagsusumigaw sa laki. Batak na batak at halatang inaalagaan talaga ang katawan nya. Napakagwapo. Nakakahanga.

Nang makalapit ako rito ay tumingin ito sa akin at pinatay ang tv. Tinapik nito ang upuan sa tabi nya. "Upo ka." sumunod ako at umupo sa tabi nya. Ibinaba nya ang hawak nyang beer sa lamesa at ibinaling ang atensyon sa akin.

"So, magkwento ka. Kung saan ka galing, pamilya mo, pag-aaral mo kung nag-aaral ka man, love life mo." tumango ako sa kanya at ngumiti.

HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon