6

5K 67 0
                                    

Pinagmasdan ko si Laila na ngumiti sa akin. Ang amo talaga ng mukha nya. Tipikal na probinsyana. Mahinhin kumilos at magalang. Maganda naman sya e. Hindi lang siguro marunong mag-ayos 'to.


Una ko palang na kita sa kanya sa opisina ni Tita G ay mapapalingon ka talaga. Hindi ordinaryong ganda. Yung kailangan mo pang titigan para makita mo talaga yung itinatagong ganda nya.


Nakasalamin. Nakalugay ang black na black na buhok. Losyang sa pananamit dahil nakapalda ito na umabot lagpas sa tuhod nya at isang blouse. Ngunit makikita parin na may magandang hubog ng katawan. Maputi din sya. Hindi man gaanong maputi pero alam mong malinis sa sarili.

Inayos nya muna ang salamin nya at tumingin sa akin.

"Taga probinsya ako. Malayo yung bahay namin sa bayan kaya milya milya munang lakaran bago maabot ang bayan."

"Lakaran? Wala bang sasakyan dun?" takang tanong ko sa kanya. Kung milya milya yun ay napakalayo talaga. Tsk. Hindi ako mabubuhay ng ganun. Mawala nga lang ako ng sasakyan ay hindi ko na kinakaya ang paglalakad.

"Oho. Nilalakad sa amin. Kung may sasakyan man ay mahal naman ang bayad kaya lakad lang ho talaga para makapunta ng bayan." nakangiti nitong sagot. Tuwing napapangiti talaga sya ay naaamazed ako. Ang ganda ganda nya.

"Go on. Tuloy mo na ang kwento mo." Kinuha ko ang beer na nasa lamesa at ininom. Nasstress ako sa mga naririnig ko kay Laila. Parang ang hirap sa probinsya nila.

"Lima kaming myembro ng pamilya. Si Inay at Itay, ako at yung dalawang babaeng kambal na kapatid ko. Elementarya lamang ang natapos ko kaya hindi ho ako magaling sa english." gulat naman akong nakatingin dito. Elementary? Sa edad nyang yan?

"Elementary? Are you sure? 19 ka na diba?" takang tanong ko.

"Nagkasakit ho kasi ang Itay namin kaya walang pera pang paaral. Tumulong na din ako kay Inay para may pangpabili ng gamot para kay Itay. Nung medyo okay na ang kalagayan ni Itay ay saka lamang ako nakapag-aral. Ngunit ng makapagtapos naman ako ng elementarya ay hindi naman na ako makatungtong ng sekondarya dahil wala ng pera sila Inay at Itay. Nag-aaral din kasi ang kambal at ang paaralan pang sekondarya sa amin ay sa kabilang bayan pa kaya mahihirapan ako kung ipipilit ko pa."

"Kaya ba nagtrabaho ka dito sa Maynila?"

Ngumiti na naman ito sa akin at tumango. "Nung araw na dapat ay sa palengke ako maghahanap ng trabaho ay nakasalubong ko ang matalik kong kaibigan na si Betty. Naikwento nya na nangangailangan daw ng p.a si Tita Gladys para sa isang artista. Sa kagustuhan kong makapagtrabaho at makatulong sa pamilya ko ay pumayag ako kahit na dito iyon sa Maynila. Tutol ang Inay ko ngunit napapayag ko din naman kalaunan. Magulo at iba daw kasi ang ugali ng mga tao dito sa Maynila e."

"Iba talaga rito dahil malaki rito. Iba't ibang tao ang makikita mo. Buti naman at pumayag ang Inay mo?"

Ngumiti na naman ito. Tsk. Panay ang ngiti ng isang 'to. Nakakabighani tu---wait, what? Nababaliw ka na Dave. Umiling nalang ako sa isip ko at nagfocus kay Laila.

"Nung una ay tutol pero napapayag din. Basta raw ay mag-iingat ako." tumango tango ako at ininom ang natitirang alak sa bote.

"Grabe naman pala sa probinsya nyo. Malayong malayo sa sibilisasyon."

"Ngunit napakaganda doon. Tahimik, hindi mausok at napakamasayahin ng mga tao. Kilala din namin ang isa't isa. Ang bawat tao na andun sa lugar namin. Kung bibisita ka roon ay talagang magagandahan ka." proud na proud na sabi nito. Mukha nga. Ang ganda e.

HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon