11:11

13 0 0
                                    

Sabi nila kapag pumatak ang ika-11:11pm Pwede ka daw humiling.

at kapag nakahiling ka magkakatotoo.

'Sana mahalin din ako ng taong mahal ko'

Gabi gabi, tuwing sasapit ang ika 11:11 ng gabi lagi akong humihiling. umaasa na sana pag gising ko kinabukasan mahalin nya na ako.

umaasa na sana magkatotoo.

'Uy elsie matutulog kana?'

lumingon ako sa likod ko kung saan nakita ko ang isang lalaki. ang dahilan kung bakit gabi gabi tuwing papatak ang ika 11:11 ng gabi nandito ako sa terrace tumitingin sa langit at humihiling.

umaasa isang araw mahalin nya ako.

'Hinde pa naman.'sabi ko

'Kwentuhan muna tayo'

Ngumiti sya saakin nang kay tamis. gaya ng dati tuwing ngumingiti sya bumibilis ang pintig ng puso ko.

Dito sa terrace nato nag umpisa ang lahat.

kung saan nasa kabilang terrace sya ng kabilang bahay.

Siguro nagtataka kayo?

magkatapat lang ang bahay namin.

sa maliit na kwarto ko may Maliit na terrace.

Ilang metro lang ang agwat ng bahay namin sa kanila.sakto naman nasa taas ang kwarto ko at ganun din ang kwarto nya.

'Punta ako dyan.'

Nagulat ako. delikado baka mahulog sya.

'Oy anokaba Renz. wagna dyan ka nalang.'

'May papakita kase ako sayo.'

nangamot sya ng ulo. para syang bata. ang cute nya.

'Haha. ano bayun?' lumapit ako ng kaunti para makita kung ano yun.

'Punta na kasi ako dyan.'

para talaga syang bata. ipipilit kung ano yung gusto.

'Wagnaaaaa! delikado.'

'Sige na.'

'Ayoko'

'plsss?'

'Ayoko'

'Sige ka iiyak ako.'

pasaway talaga. pero in the end hindi ko padin sya pinapasok. baka makita nya pa yung picture nya sa higaan ko. delikado.

'Tigas talaga ng ulo mo elsie. haha.'

'Ako pa? ikaw kaya yun.'

Nag asaran lang kami nung gabi nayun. nagkwento sya nang kung ano ano ako naman nakikinig lang sa kanya. hindi ko alintana yung antok. kapag kausap ko sya gising na gising yung diwa ko. ganto yung epekto nya sakin.

tinatanong ko sya kung ano yung sasabihin nya kaso ayaw nya sabihin. para talaga syang bata.

pero ahead sya sakin ng isang taon. 3rd year highschool ako sya naman 4thyear. parehas din kami ng school kaya lalo kami naging close.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon