"Miss, matagal kapa po ba? Madami pang nakapila sa likod mo oh"
"Ay sorry, malapit na ako matapos. Wait lang"
Kasalukuyan kong sinasagot yung exam nung bagong school na papasukan ko at na stuck ako dun sa tanong sa baba. "Why do you want to enter this school?" Kailangan ko bang magsinungaling at sabihing dream ko na pumasok dito noon pa? Haha, grabe. Kahapon ko lang nga nalaman na may school na ganito dito kina tita eh bwahaha.
"Miss, nakakahiya nman kay sir oh. Dalian mo nga, kaw nalang hindi pa nagpapasa ng exam"
"Wait lang talaga"
Wala talaga ako maisip na isulat. Kung sinulat ko naman na dahil wala na akong ibang school na papasukan kaya dito nalang ako papasok, baka isipin pa na bobo ako at bumagsak sa ibang school :)) Talagang may nangyari lang kaya di ako nakakapag exam sa mga ibang schools =_=
"Miss, last nalang talaga to. Kundi papalabasin na kita. Mag dadalawang oras kana dyan"
Nahiya naman ako ng konti kaya minadali ko na talaga at sumagot dun sa form kahit na masyado akong truthful sa sinagot ko hahaha. After that, kinuha ko na ang bagpack ko at lumabas na sa office nung babaeng maarte. Kala nya ang ganda ganda nya eh mukha namang bakla. Pasuot suot pa ng long sleeve eh parang naka sauna ka dito sa Pinas =_= Oo na ako na maarte. Eh kung mainit talaga dito sa Pilipinas, wala akong magagawa noh.
Since tapos na ako mag exam (at sana naman Lord pumasa ako), kailangan ko pang maghintay ng dalawang oras para malaman kung nakapasa ako o hinde. Sosyal kase yung school, after two hours malalaman mo na kung pasado ka o hinde tpos ngaun din kuhanan ng i.d picture ifever pumasa man ako haha. Anyway, since tapos na nga ako napagtripan ko na pumunta sa cafeteria. Hindi na kasi ako nakakain ng breakfast kanina dahil nag cramming ako dun sa exam. Nakatulog ako kagabi dahil naglaro muna ako ng dance dance revo dun sa ps2 ko. Grabe, ps2 pa aken :))=))
Since malayo layo yung cafeteria (grabe, isang kalye ata nilakaran ko, nabawasan din ata ako ng ilang pounds... kilos~) dumating ako dun almost 12 na. Eh mga 11:40 ako natapos sa exam so parang mga 15 minutes na ako naglalakad, yung remaining time either hinihila ko na paa ko o nagrereklamo na mainit. Wala kase ako dalang payong. Di na kasya sa bag ko na rilakkuma. Favorite ko sya injerness, lahat ng gamit ko sa kwarto rilakkuma lahat hahaha. Basta bear pattern slash design sila, welcome na welcome sila sa kwarto ko oho.
"Ate, isang mountain dew nga" pagkarating ko sa cafeteria, pumunta na ako agad sa counter. Dry na ang throat ko no.
"Dun po sa side, sa may cooler"
Pumunta naman ako dun sa may cooler, pero nung bubuksan ko na sana. Ayaw. Naka lock. Bwisit.
"Ate naka lock syaaaaa"
“Wala pong lock yan”
Sinubukan ko ulit buksan. Ayaw talaga!
“Ateeee—“ Wait. Parang may mali dito sa cooler ah.
Tinitigan ko yung cooler at parang di tinataas yung cover. May bilog sa side, pinindot ko sya.
*click*
Ay! Kaya pala di ko mabukas pinipress lang pala sya hahaha. Ako budoy~ ehehehe.
“Miss eto ho bayad, ay wait! Meron po ba kayong *bulong bulong*”
--
Dali dali akong umalis sa canteen pagkatapos bumili ng... tantananan! Tatlong pack ng milo! Hahaha. Eto snack ko, inggit you?
"May maylo na akoooo, mayloooo-- Ay, sorry" may nabangga akong isang male student. Nagtinginan kami at nainlove na ako sa kanya, sya din sa akin. Di lumipas naging magkaibigan kami at sa bandang huli, naging kami din. Pagkatapos naming grumaduate ng college, nagpropose sya sakin at nagpakasal na kami, labing walong anak ang biyaya samin ng Panginoon. And we lived happily ever after. Fyi, pangalan ng unang anak namin Billy John.
.
.
.
.
.
JOKE. Ang panget kaya ng nabangga ko no, mukhang janitor. Hahaha, kaya dali dali akong lumabas ng canteen. Nasa hallway of death na ako ng biglang mahulog yung isang pack ng milo kaya nag stop muna ako para pulutin yun. Di ko alam, may papalapit pala sakin.
"Krystel, let's break up.."