DBNL..

2.7K 80 5
                                    

6 years. Walang makakapagsabi na ganyan pala ako katagal nagpakatanga sa kanya. Oo, TANGA ko. Mahal ko kase...akala ko kapag mahal mo ang isang tao, OKAY LANG KUNG TANGA KA. Na hindi mo na iisipin kung ano ang iisipin ng iba. Na wala ka ng makikita pang iba kase SIYA lang ang hinahanap hanap mo, at kung swerte ka, ikaw lang din ang hahanap hanapin niya. Tapos happy ending na....

...akala mo lang yon.

ULOL, GAGO, GAGA, TANGA, BOPLAKS, BOBO, SIRAULO, MORON, FOOL, CRAZY... At lahat ng pwedeng similar adjectives na magpapakahulugan sa pagiging assuming mo...

...walang ganyan, kung meron man, madalang na lang... Yung iba nga sa TV na lang eh.

Masakit di ba? Pero truth hurts kasi eh...tanggapin ko na lang?

------

Kwento ko ito. Patricia Suarez nga pala. Isang tangang babaeng nagmahal, at nagpakatanga sa isang IMPAKTONG HALIMAW NA MONSTER NA MANLOLOKO NA BWISIT NA PAASANG nagngangalang Riley Montemayor.

Matagal na kaming hindi nagkikita. Hindi ko naman gustong makita siya noh? Hayop siya. Wala siyang kwenta. Hindi siya worth it sa mga luha ko dati. Dapat pala nilagay ko na lang sa bote yung sandamakmak na luhang pumatak lang sa lupa dati. Baka sakaling naidisplay ko pa sa kwarto ko.

Sabagay, malay ko naman kung nakatulong yon para magparami ng puno at damo dahil sisipsipin yun ng lupa na siyang maipandidilig sa mga uhaw na puno at damo.

Ang OA ko ba? Bakit? Kayo ba pag nagdadrama ng pagka OA OA eh pinapakielaman ko? Wala kayong alam sa kwento ko kase di ko pa naikukuwento kaya DON'T JUDGE ME!...yet...

------

Gusto niyong malaman kung anong nangyari? Sige, ikukuwento ko.

------

Schoolmates kami. Matalino siya, bobo ako. Class A siya Class F ako. Bakit? Kailangan matalino? Okay na ako sa maka"Fasa" kahit hindi nakaka"Ferfect"...

Sikat siya. Gwapo. Basketball player. Campus crush. Tapos nga matalino.

Ako? Maganda. Maganda. Bobo nga, paulet ulet. Tsaka, beautiful. Hahaha! Takte, beautiful nga tanga naman sa pag-aaral at pag ibig.

At dahil nga, tanga ako. Ayon, noong niligawan niya ako. Limang buwan lang naging kami.

Syempre maraming tumutol. Sa sobrang sikat ng boyfriend ko (DATI YON!), maraming nagkakandarapa. Oo, totoo yon. Ang daming babaeng nagpapacute sa kanya. Yung tipong kulang na lang eh maghubo sa harapan ni Riley para lang patulan niya iyon. Ano pa ba kaseng hahanapin mo? Kumbaga, complete package na. Matalino, mayaman, basketball player.

Eh gustong gusto pa naman ng makikiring babae noon yung lalaking MAGALING MAGSHOOT. Ay dayyy! Sinasabi ko sayo, wag ng basketball player. Tingnan mo nangyari sakin. Tinarantado lang.

So, back sa flashback. Nasanay kayo sa istorya na kapag inaapi yung girlfriend, ipagtatanggol ng boyfriend. Pwes ibahin niyo ito, kase si Riley? Wala, deadma. Pati nga pagiging IN-A-RELATIONSHIP namin eh, hindi ganon kastrong. Pero wala ng mas sasakit sa susunod kong sasabihin.

Natural lang ba sa mag-syota ang mag-sex? Unang-una hindi ko alam, pero lalaki lang DAW SILA. At GRABE GRABE ang pangangailangan. Kaya ayon, dahil nga tanga ako, at paulit ulit kong sasabihin para mas dama niyo, yes...WE HAD SEX.

Wala ba akong pinagsisihan? Meron. Actually, sobra kong pinagsisisihan yon.

Panong hindi ka magsisisi? Eh nagpa"chukchak" ka kase akala mo mahal ka, tapos pustahan lang pala.

DI BALE NA LANG...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon