4

19 1 0
                                    

Pagkadating ni Mike, sa halip na yung usual trato sa akin nila mommy at dad na halos hindi ako pinansin, mdyo nakakita ako ng kaunting kasiyahan sa mga mukha nila.

Siguro dahil na din yun sa pangakong ginawa ko para sa kanila.

Nakita ko naman si Michael, looking like his usual self. Makikita mo talagang nasa banda siya dahil may pagka slacker ang pananamit niya.

Tinignan ko siya at nginitian, hoping na hindi niya makita sa mukha ko na ang dami kong iniisip tungkol sa pagkakaibigan namin.

Dati, may naging kaibigan na si Michael. Naalala kong kinuwento niya sa akin ito nong minsang dinala niya ako papuntang Batangas para mag beach, kahit na may pasok dapat ako noong araw na iyon.

Sinabi niya sa akin na minsan na daw siyang naiwan ng isang kaibigan. Kahit na sinabi niya sa akin na ayos lang daw sa kanya, halata naman na trauma siya sa ginawa sa kanya ng kaibigan niya.

Naaalala ko pa ngang sinabi ko na "Malas niya. Nawalan siya ng isang mabuting kaibigan!" Para pagaanin yung loob niya noon. Naawa na din ako at hindi ako makapaniwalang iiwan ng kung sino ang isang tulad ni Mike.

Pero heto ako ngayon, sa sitwasyong kahit ako ay iniisip na iwan din siya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at binati, with the biggest smile on his face.

"How's your morning?" tanung niya sa akin habang nagdadrive.

Since kanina pa naka tattoo ang ngiti ko sa mukha ko, sinabi ko sa kanyang maayos at mukhang walang problema.

"Really? I'm guessing something good might have happened last night?" tanung niya, probably hinting me to talk more about it, kahit wala namang nangyari.

"Not really. I feel like it's getting better at home." sabi ko. I looked at him, at nakita kong parang medyo nadismaya siya sa sinabi ko.

Was it wrong? May nasabi ba ako?

"Are you okay?" tanung niya bigla, which got me all the more confused.

"Hindi ko alam kung nagiging sarcastic ka ba, or are you hiding something?"

Kinabahan ako ng kaunti sa loob, so I just looked at him confused and said

"What do you mean?"

Wala naman akong ginawang magpapahalata di ba? May mga araw naman talaga kung kailan nakangiti ako at dahil nga may nangyaring maganda.

"It's just that, it's a first na sinasabi mong umaayos na yung problema mo with your parents. I guess I'm just...shocked?"

Naguluhan naman ako sa sinasabi niya. Parang imbes na matuwa siya na nababawasan na yung mga problema ko sa bahay, eh parang hindi pa siya masaya para sa akin.

Noong nagkakilala kasi kami ni Michael, magaan ang loob ko agad sa kanya. Being an only child, laging mataas ang naging expectations sa akin nila Mommy and Dad. Gusto daw nilang mag doktor ako o kaya maging isang abogado.

Lagi nila akong sinasali sa mga music classes and even after school tutoring to improve my grades, which were already perfect at the time.

It takes a toll on a growing teenager. Yung feeling na nakikita mo na yung mga kaklase mo ay masayang nagtatawanan at nakakalabas together, habang laging tanggi ka na lang dahil wala ka din namang oras.

That's when Michael came in. Growing up in an environment na walang ama at ang ina ay walang pakialam sa anak niya, nakita kong sobrang independent na siya. Hindi man sila ganoon ka yaman, may kaya naman ang nanay niya.

The Passenger SeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon