One shot: When It Rains

15 0 0
                                    

Vann's POV

Aish!

Laking pasasalamat ko ng hindi ako inabutan ng ulan ng sa daan.

Nakakatamad naman kasi magdala ng payong kaya hindi ako nagdadala. Isa pa, pangpabigat lang yon sa mga dala ko.

Dumiretso ako sa locker room para ilagay ang ibang gamit at magpalit na rin ng sapatos doon. Iba kasi ang sapatos namin dito kaya kailangan magkakaparehas kami.

Ang lakas ng ulan... Titigil kaya ito hanggang mamaya?

Nang marinig ko ang bell dali-dali na akong tumakbo papunta sa room namin. Ayokong malate 'no!

************

"Vann! Saan ka ba nagsususuot?" Tanong ng katabi ko. Halata namang kinakabahan na siya dahil pag ang patakaran dito, kapag wala pa ang katabi mo sa oras na dumating ang teacher niyo, parehas kayong mapapagalitan.

"Diyan-diyan lang." Walang ganang sagot ko.

Pake niya?

"Buti wala pa yung teacher natin. Jusko ka." sabi pa ulit niya.

Hindi na ako sumagot dahil wala ako sa mood. Umuulan na naman kasi.

Ayoko sa ulan. Parang ang lungkot lungkot ng bawat patak nito para sa akin.

Sa tuwing umuulan, naalala ko siya...

Damating na ang teacher namin at nagturo ito ng kung ano-ano. Ako naman ay nakatingin lang sa bintana.

Bakit ba? Wala akong gana makinig. Lalo na ngayon.

Natapos ang klase ng hindi ako nakikinig. Balak ko na umuwi pero hanggang ngayon hindi parin tumitigil ang ulan.

Naghihintay ako dito sa gate na medyo humina ang ulan ng biglang may lumapit sa akin.

Si Sio...

Si Sio na naman....

Bakit ba tuwing umuulan nakikita ko siya?

"Vann?" tawag nito sa akin at nginitian ko nalang siya. Tsaka dali daling umalis kahit na umuulan pa.

*************

Nakarating ako sa bahay ng basang basa. Umakyat agad ako sa kwarto upang makaligo. Sinuot ko nalang ang pinakapaborito kong pajama pagtapos.

Bumaba ako sandali para makainom ng milo. Masarap yon ngayon dahil malamig ang panahon.

Pagtapos magtimpla agad akong umakyat at pumunta sa may sliding door ng kwarto. Binuksan ko ito at saka lumakad palabas dito.

Mula dito tanaw na tanaw ko ang mga ilaw na nanggagaling sa iba't ibang sasakyan at lugar. Tanaw na tanaw ko rin ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Bumalik sa ala-ala ko ang lahat...

Unang beses kong nakausap si Sio dahil sa ulan.

Malakas din ang buhos ng ulan noon at katulad ng nakagawian ko, wala akong dalang payong. Nagkataon naman na huminto siya sa tabi ko at dahil nga gustong gusto ko na makauwi, tinawag ko siya.

"Kuya!" tumingin ito sa akin ng may halong pagtataka.

"Uhm ano kasi... Nakalimutan ko dalhin ang payong ko. May extra ka bang payong?" tumingin ito sa akin ng nakangiti.

At ang ngiting iyon, hindi lang basta basta. Dahil sa ngiting iyon biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Sa unang pagkikita namin, tumibok ang puso ko.

When It RainsWhere stories live. Discover now