Jigger's POV
"WHAT the heck are we doing?.. at talagang isinama mo pa ako rito?.. t*ngina ang kati!.. dude?!.. Jigs! "
"What?! " Iritado kong nilingon ang nasa likuran kong si Levi. Kanina pang panay ang kalabit nito sa akin, daig pa nito ang nawawalang bata na naghahanap ng aampon sa kan'ya.
Kinunutan ako nito ng noo. "F*ck you.. I'm outta here. " anito at tumayo na, kung saan nagtatago kami sa mataas na punpon ng mga halaman.
"What the f*ck are you doing?! " Mabilis naman din akong tumayo, bago pa man ito nakahakbang palayo ay hinigit ko na ang damit nito sa leegan at muling isinama sa pag upo.
"Aww! You did it on purpose, aren't you?.. It hurts, seriously! " Hinimas-himas nito ang nasaktang likuran na tumama sa matigas na posteng nasa likuran n'ya. "Bakit ba kasi tayo nagtatago? "
"Shut up. " Tinalikuran ko ito at muling sumilip sa puting bahay na kanina ko pang palihim na minamat'yagan.
Kung hindi ako nagkakamali ay iyon yung rest house na pagmamay-ari ni Jess. At paniguradong iyon din ang tinutuluyan ngayon ni Cheska. I know this is crazy, but yeah, I followed her here. I don't know. I just feel like doing--- what I really want to do right now.
At ito iyon, ang sundan ang aking step sister.. Maybe ayoko nang magmaang-maangan. Sawa na akong itaas nang itaas ang pride ko at makipagtalo sa aking sarili.
I have to admit it now.
I really don't want Cheska to leave me, I want her to stay. Hindi ko pa rin masabi sa sarili ko kung bakit ayaw ko s'yang lumayo. Pero isa lang ang sigurado ako ngayon..
Mas lalo akong mababaliw at malilito kapag nawala ito.
Alam ko sa sarili kong hindi na lang konsensya ko ang pilit na sumasampal sa akin ngayon, may iba pa. May ideya na ako pero ayoko pang magdesisyon nang walang kasiguraduhan. Gusto ko munang siguraduhing tama nga itong hinala ko.
Sa ngayon, ang gusto ko na lang munang mangyari ay ang makausap ang aking step sister, I want to clarify this unknown feelings inside me. At magagawa ko lang iyon kung kakausapin ko s'ya.
"Balimbing ka talaga. " Si Levi ulit. "Hindi lang ako makapaniwalang ako pa ang kinasabwat mong sundan si Cheska.. Aware ka ba na kayang-kaya kitang lamangan sa ginagawa mo?.. Pwedeng-pwede ko ro'ng pasukin si Cheska at itanan, tapos ilalayo ko s'ya sa'yo at magsasama kami habang buhay.. magkakaroon din kami ng isang dosenang anak--- aray! P*ta! "
Muli ko itong nilingon at hinambalos ng hawak kong saklob. "One more word and I'll cut your f*cking tongue.. I swear. "
"Woah. Marunong ka nang magselos ngayon? " Tatawa-tawa nitong sabi at nginisian ako.
Masama ko itong tinitigan. "Will you shut up? "
Hindi pa rin ba sapat sa lokong ito yung mga inamin ko habang nasa biyahe kami papunta rito sa Batangas?
Why does he have to tease me like this, at magkunwaring wala pang nalalaman? Tsk. this idiot.
Naipaliwanag ko na sa kan'ya ang dahilan nang pagsunod namin dito sa Batangas. At wala akong paki kung may gusto rin talaga s'ya sa aking step sister. Saka ko na iyon iisipin kapag na-solve ko na ang sa sarili kong problema.
BINABASA MO ANG
May The Best Jerk Win
General FictionAyokong makitang masaya si Cheska noon. Hindi ko gustong nakakaramdam ito na may isa pang nagpapahalaga sa kan'ya, bukod sa mga magulang ko. Naging selfish ako at pilit na inilayo ito sa presensya ni Levi. Nagawa ko iyon dahil sa matinding galit. Pe...