Reminiscence
Ilang minuto ring nakatulala si Drexna. Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang mukha ng binata bago ito iniwanan. Pilit pa rin inaalala ang sinabi nito ngunit kahit anong pilit niya ay hindi pa rin niya ito maalala.
Natigil lamang ang pag-iisip niya nang may tumawag sa kanya. Dala na rin siguro nang gulat hindi na niya tinignan pa kung sino at sinagot niya ito agad. Isang pamilyar na boses ang bumungad sa kanya, tulad nang kung paano rin siya gisingin kaninang umaga.
"Amandzy! Nasaan ka na? Ikaw na lang ang hinihintay namin!"
Napabugtong hininga ang dalaga at binitbit na ang kanyang kape.
"Pabalik na ho," walang gana nitong sagot at binabaan agad ang ina.
Binilisan niya ang paglalakad at bago pa man makalabas ay may inabot sa kanya ang babaeng bumati sa kanila kanina noong pumasok sila dito.
"May nagpapabigay po." Ngiti ng babae at inabot ang isang puting rosas.
"Sino ang nagbigay?" Takhang tanong ng dalaga ngunit nginitian lamang siya nito.
Tinitigan niya ang rosas at nang mapansin na hindi siya sasagutin ng babae ay dali-dali itong nagpasalamat at umalis na sa silid na iyon. Tumakbo siya patungo sa kanilang bus at hingal na hingal siyang pumasok sa loob.
"Ang tagal mo! Inip na inip na rito si Fhantasia oh!" Asar na salubong ng pinsan niya sa kanya.
Tinignan naman ni Drexna ang kanyang pinsan na lalaki nang masama at bumaling ang tingin nito sa pinsan niyang babae na ngayon ay nakatingin sa hawak nitong puting rosas. Hindi naiwasan ng dalaga ang ngumiti ng lumipat nang tingin ang mga mata ni Fhantasia sa kanya.
"Amandzy! Ano pang ningingiti-ngiti mo d'yan? Umupo ka na!" Sigaw ng kanyang ina na nasa tabi niya lamang.
Sinunod naman ng dalaga ang sinabi ng ina at tumabi na muli sa kanina lamang ay kasama niya sa isang gusali.
Uminom na lang ang dalaga sa kanyang kape habang tulala na naman. Inaamin niyang nalulungkot siya dahil hindi mo talagang masasabing malapit siya sa kanyang nag-iisang babaeng pinsan na si Fhantasia. Kahit anong gawin niya, hindi man lang nitong magawang makipag-usap kay Drexna.
Sa pagkakatanda naman niya ay wala siyang nagawang ikinaglit ng pinsan niya noon. Ngunit mula pa man noong bata pa sila ay talagang tahimik lang si Fhantasia at hindi madalas magsalita. Wala kang makikitang reaksyon sa kanya; kahit na ba'y gulatin mo pa, magpatawa o kaya nama'y maghubad sa kanyang harapan ay tila wala pa rin itong pake.
Hindi naman sila nag-iiwasan. Wala silang problema sa isa't isa. Ngunit masyado lang mailap sa tao si Fhantasia na pati pinsan niya ay binabalewala niya lamang. Magkaibang magkaiba sila ng kanyang kapatid na si Fhontasio. Kung ang babae ay deadma lamang sa lahat ng bagay, baliktad naman ang kakambal nito.