BM: CHAPTER SIXTEEN :))

241 6 5
                                    

Chapter Sixteen

Reus Monster's POV

"Tara na?" she said and offered a hand to me.

She's not her. Maybe they are same in some ways but totally different persons.

Siguro tama nga sila....hindi dapat ako magpatali sa nakaraan. I need to left those pains behind.

I'll start again........

Kristen's POV

Isang linggo rin ang lumipas noong may nangyaring kadramahan sa ulanan.

Isang linggo ring ang weird ni Reus. Naging madaldal at hindi na sya masyadong bugnutin.

Paano ba naman...tuwing umaga binabati nya ako at ningingitian sa tuwing magkikita kami. Sabihin nyo…. weird diba?

Siguro okay na rin yun. At least parang di na sya ganun kalungkot. Sana magtuloy-tuloy na 'to.

Kung bumalik kaya si Mara? Siguro mas magiging masaya sya.

Pero paano naman ako?

HA?! Anong ako? HAHA!! Kung anu-ano na naiisip ko><…

"Ako nang magdadala nito."

"H-ha? A-ako na."

Kinuha ko na yung tatlong supot na pinamili namin at umuna na sa kanya palabas.

"Hey! Ako na ang magdadala." tapos ay hinablot nya yung dalawang supot na yapos ko at bitbit sa isang kamay.

"If you really insist na magdadala ka.. yan nalang isang yan."

"Reus it's okay magaan lang naman to." sabi ko.

Kumulit narin pala si Reus. No wonder magkapatid sila ni Zai. Pero konti lang naman... mas makulit parin si Zai -_-.

"I know yaya ka namin but I don't think baldado ako para di ‘to gawin. Ano nalang iisipin ng mga taong makakakita sa atin? Baka sabihin nila sayang ang kagwapuhan ko kasi napaka-ungentleman diba?..."

Sus.. gwapo? Though totoo nga gwapo sya pero di ko alam na ang lakas din ng confidence ng isang to.

".... and besides baka sabihin nilang pinapahirapan ko ang aking girlfriend."

HANUDAW?! O___O

….processing….

“Oy! Okay ka lang?” 

Natauhan naman ako nung nagsalita ulit si Reus. Natigilan kasi ako doon sa sinabi nya.

Baka daw isipin ng iba na girlfriend nya ako? Kyaaah >////<

 Namumula yata ako.

“Mag jeep nalang tayo.” Pagyayaya ko kay Reus.

Babysitting Monsters (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon