Lutang akong naglalakad papuntang classroom pano kasi napuyat ako kagabi dahil sa walang tigil na kwento sa akin ni krystal sa phone.
Umupo ako kaagad sa aking upuan at matutulog na sana nang sumulpot si krystal sa harapan ko.
"Hi aliah how's your sleep?" pagbati sakin ni krystal.
"Thanks to you napuyat ako."she let out a chuckle at nagpeace sign saakin.
"Hi girls"bati saamin ni rui nang makalapit siya sa pwesto namin. "Hey Rui"binati siya pabalik ni krystal at tinanguan ko naman siya. "Hindi mo ata kasamang pumasok si dreb."sabi ni Krystal kay rui. "Absent daw ang mokong ngayon."sagot niya at umupo na sa pwesto niya.
Bumaling si krystal ky rui at tinanong ito "Teka absent rin siya kahapon ah meron ba siyang sakit?" That question got my attention kaya humarap narin ako kay rui. Balak ko sanang ibigay sa kanya ang letter kaso absent siya simula kahapon.
"Wala meron lang siyang inaasikaso." Tumigil na kami sa paguusap dahil pumasok na si Ms. Wang.
"Class I have an announcement to made so listen okay. Next week will be your acquintance party. You can invite someone to be your partner at the party but for those who don't have a partner can still come and enjoy the party. And students you must wear formal clothes for the party. And another one you should pick a club that your interested to join because as usual all students are required to join a club so that it will add points on your extra curricular activities. That's all. Any other question regarding the clubs will be discussed by your class president. "
Umalis na si ma'am dahil may pupuntahan pa siyang meeting. Tumayo si krystal at naglakad sa harapan siya kasi ang class president namin.
"Guys monday next week na ang signing up sa mga club na sasalihan niyo kaya naman dapat niyo nang pagisipan kung saan kayo sasali. Sa gym niyo na rin makukuha ang mga form nang club na balak niyong salihan."
After the announcement wala na rin naman kaming gagawin kaya yung iba ay pumunta nang library at yung iba naman sa cafeteria at kung saan pa.
Napagpasyahan naman namin ni krystal na tumambay sa batibot at sumama na rin saamin si rui dahil ayaw niya daw maging loner ang peg niya.
"Ba't ba kasi absent si dreb"sabi ko. Rui looked at me at tinukso ako na baka miss ko na daw si dreb kaya naman hinahanap ko na agad namang sinegundahan ni krystal.
"Hindi no may ibibigay sana ako" I said and rolled my eyes on them at inilabas ko na rin ang letter na para kay dreb. Kinuha iyon ni krystal at tinignan.
"Tanya Alvarez"pagbasa ni krystal ng pangalan nang sender. Nagulat ako nang ibinuga ni rui ang iniinom niyang tubig at nabasa ang sapatos ko.
"What the hell rui!" Sinamaan ko siya nang tingin pero binaliwala lang niya yun at hinigit ang letter kay krystal.
Binuksan niya ang letter "teka okay lang ba na buksan mo yan eh para kay dreb ang sulat na yan."pagpigil ko sakanya. "Oo naman bestfriend to eh."sabi niya at binasa na ang sulat.
Nakatingin lang kami ni Krystal sakanya. "Pucha ibabalita ko to dreb!" bigla nalang siya sumigaw at tumayo. "Aliah ako na bibigay kay dreb nito."sabi niya saakin at humarap siya kay krystal "pano ba yan pres cutting muna ako ah kayo nang bahala magbigay nang rason kay ma'am bye."
Tumakbo na siya kaagad at iniwan kami ni krystal. Inaya na rin ako ni krystal na bumalik na sa classroom dahil 15 minutes na lang class na namin ulit.
---
Nang makabalik kami ni Krystal sa classroom wala na yung bag ni rui. Umabsent talaga ang loko. At ngayon nagiisip si krystal nang pwedeng irason sa pagcutting ni Rui.Nang dumating si maam ay agad ng nagpalusot si krystal "Ma'am umuwi po si Mr. Buenavista dahil namatay po yung bestfriend niyang si dark. Iyak nga po siya nang iyak kanina kaya hinayaan ko na po siyang umuwi." Wtf san napulot yun ni krystal.
"Hindi ba siya makahintay nang uwian? "pagtanong ni ma'am at agad rin naman siyang sumagot "ma'am kapag ikaw po ba namatayan sa mga oras na to hindi ka ba uuwi?" Napatihimik naman si ma'am
"oh diba tama po ako kaya please understand the feelings of our classmate." Ibang klase talaga si krystal hahaha pang famas ang acting. Wala nang nagawa si maam at pinaupo na si krystal. Nang nakaupo na siya siniko ko siya " Sino si dark? " tanong ko sakanya. "Aso niya" she said then winked. Napatawa naman ako nang mahina loko talaga tong babaeng to.
---
Dreb's POV
Nakahiga lang ako sa kwarto at nakatunganga sa kisame nang biglang may pumasok sa kwarto ko. Tumakbo siya papunta sa kama ko at tinabihan ako."What the fuck are you doing here in my room Ruiyen?! "
"Tumahimik ka dreb kita mo namang nagpapahinga ako dito" inismiran ko siya at itinulak. "Aray ko ang sakit nun hah" pag rereklamo niya.
"Alam mo lumayas ka sa kwarto ko kung wala kang importanteng sasabihin." tumayo siya at pinagpagan at damit niya.Kinuha niya ang bag niya at umupo sa kama ko.
May inilabas siya sa bag niya at inilapag sa harapan ko. "Alam mo ba na nagcutting ako para ibigay yan sayo." Napaayos ako nang upo at kinuha yung letter.
"It's a letter that came from tanya. Sinabi saakin ni aliah na nakita niya daw yan sa parking lot at nalaman niya na para sayo yung letter. Nakalimutan daw niyang isauli sayo kaya ako na ang nagpresinta na ibigay sayo yan. "
"I'll read it later" sabi ko at inilagay ang letter sa study table. "You don't need to hide it from me nabasa ko na yan"tawang tawa na sabi ni rui. Sinamaan ko na lang siya nang tingin at bumalik sa pagkaupo sa kama at sinimulan ang pagbasa nang letter. Nang matapos ay bumaba na ako sa kwarto. At sumunod naman siya kaagad.
Dun namin naisipang tumambay sa kusina dahil nagugutom daw siya. "Tapos na ang klase niyo half day lang ba ngayon? "tanong ko sakanya. Lumunok muna siya bago sumagot "cutting dre" tss ano pa nga ba ang aasahan ko sa mokong na to.
"Nga pala bro next week na ang acquintance party sino ang yayayain mong maging partner?" Kumibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.
At napatigil naman ako nang tanungin niya ako "kamusta si tita dreb?"bumuntong hininga ako bago sumagot.
"She is still in deep slumber. And how I wish she would wake up."
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove with the Gangster
Novela JuvenilDreb Alistair Montenegro's life is the type that every boy would wish to have. A loving family, a handsome face, a smart mind and have a lot of money to burn. Not until she meet Aliah Peridot Finsdottir the girl that turn his world upside down and...