Chapter 23.

13 0 0
                                    

Mother

Mabilis ang pagpapatakbo ko sa kotse. Ang gutom na kanina'y iniinda ay bigla nalang nawala. I didn't expect that we will see each other again in the same place where he ended our relationship many years ago. Not the exact place pero gaya noon, sa restaurant din kami nagkita at doon niya ako sinaktan ng husto.

Tears are continuously pooling down my cheeks while I am driving. Hindi ko na inabala ang sarili sa mga ibang bumubusina dahil sa bilis ng aking pagpapatakbo. I just want to go somewhere where I can't see his face. Yes, masaya ako na nakita kong muli siya. I am very happy, truly. Pero nasasaktan ako dahil hindi na pwede. Hindi na kami pwede dahil iba na ang buhay namin ngayon.

Nagulat ako ng biglang may bumusina sa may gilid ko. Binuksan ko ang bintana ng kotse, sa may kaliwa ko at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Lucien. What!? He followed me? Mabilis ang pagpapatakbo ko at pinapantayan niya iyon.

"What the hell are you doing, stupid jerk!?" sigaw ko sa kaniya.

Tumingin siya sa daanan at muling bumaling sa akin. Halos mahilo ako sa ginagawa namin. Titingin sa daan at titingin sa isa't-isa.

"Stop the car!" sigaw nito.

I rolled my eyes at him. Lalo ko pang binilisan. Ngayon, nasa isang malawak kaming kalsada, driving so fast like an idiots who doesn't care about some accidents that could happen. Dalawa lang ang aming sasakyan, tila naghahabulan sa sobrang bilis.

"Fuck! I said stop that damn car, Beige!" sigaw niyang muli ng maabutan niya ako.

"Get lost, bastard!" I shouted very loud.

He looked pissed and worried at the same time. But I didn't gave him a damn care.

Nagulat ako ng biglang mas bumilis ang kaniyang pagpapatakbo. Sa sobrang bilis nito ay naunahan ako nito at agad humarang sa daraanan ko. Halos mauntog ako sa manibela dahil sa pagtigil ko. Akala ko babangga ang kotse sa kotse niya. Agad kong binuksan ang pintuan at marahas na lumabas.

"Are you planning to kill me, huh?!" galit kong sigaw sa kay Lucien habang naglalakad papalapit sa akin.

Mainit at nag-aalab ang kaniyang mga matang diretsong nakatingin sa akin. I can feel the intensity within him. Sadyang pilit lamang na pinipigil.

"Paano ko 'yun gagawin kung ikaw ang pumapatay sa akin, huh?! I told you to stop that fucking car!" bakas sa kaniyang pananalita ang iritasyon.

Tinignan ko siya gamit ang nangggalaiting mukha. Nakakainis siya. Nakakabwisit siya.

"Bakit ka ba kasi sumusunod?! Nakaka gago ka, alam mo ba 'yun?!" sigaw ko sa kaniya.

Ang mga matang nag-aalab sa galit ay unti-unting naglaho, napalitan ito ng mga matang namamangha. I can see the ghost of smile on his face. I rolled my eyes on him.

"You did not really change. You're still the same girl i've loved, eight years ago." mababa at namamaos niyang pahayag.

Ang putang inang to. Parang wala lang sa kaniya, ah! I was gone and lost for eight fucking years, tapos ngayong nagkita ulit kami parang ganoon lang kadali sa kaniya na sabihin ang ganitong mga bagay. Gago talaga!

"Fuck you!" sa sobrang pagkainis ko'y namura ko siya. Nagulat siya, gulat na may halong pagkamangha.

"Really, huh?" tumaas ang gilid ng kaniyang labi at tsaka dahan-dahang lumalapit sa akin.

Umaatras ako sa bawat paghakbang niya pero agad din niyang nakapitan ang magkabilang braso ko upang matigil ako.
His touch was gentle, his hands were warm.

Our Promised Land (The Valdirrama's Series #1)Where stories live. Discover now