Chapter 24.
Hindi inaasahan ni Carmz na isasama ko si Ramael sa lakad namin. Naexplain ko din naman sa kaniya kung bakit. Good thing is, naitindihan niya. Pero ang masama nga lang daw ay maiinggit lang daw siya dahil magmumukha lang daw siyang chaperon, imbis na girl bonding, ang magiging kalabasan pa daw ay date pa namin ni Ramael ito. Kaya tawa lang ang nasasagot ko sa mga sinasabi niya while my boyfriend smirked.
Sa isang boutique kaming pumunta. My dear friend was busy scanning dresses at the rack. Nakadikit naman si Ramael sa akin habang iniisa-isa ko naman ang mga damit. Medyo nagulat pa ako dahil nakikitingin din siya, saglit lang siyang hihiwalay sa akin tapos babalik siya na may hawak na damit. Bagay daw sa akin, perfect daw. Natatawa ako sa inaakto niya.
Pareho kaming nakaupo ni Ramael sa sofa ng boutique na ito, nasa loob kasi ng fitting room si Carmz, sinusukat niya ang mga damit na napili niya. Hindi ko maiwasang hindi iginala ang paningin sa paligid. Most of women here, halos magkadabali-bali na ang mga leeg para lang makatingin sa direksyon namin, including the sales ladies. I assumed, si Ramael ang tinitingnan nila.
Ramdam ko ang pagpatong ng kaniyang mainit na palad sa aking tuhod. Tumingin ako sa kaniya na may pagtataka. "Don't mind them, hindi ko naman sila papansinin." He said.
Ngumuso ako at tumango. Sabay kaming napatingin ni Ramael nang hinawi ni Carmz ang kurtina ng fitting room. She's wearing a white backless dress. Wala nga lang akong ideya kung bakit kailangan niyang mamili ng dress.
"What do you think?" Nakangiting tanong niya.
"Bagay na bagay sa iyo." Kumento ko. Bumalinga ko kay Ramael. "Hindi ba?"
Tango lang ang naisagot niya.
Naghintay lang kami sa labas ng boutique habang nagbabayad ng mga pinamili niyang damit.
After namin magshopping ay nagpasya na namin kumain ng lunch sa isang resto. Nang marating namin ang mesa ay nagpaalam ako kay Ramael na pupunta muna ako ng ladies' room. Pumayag naman siya.
Patungo na ako ng ladies' room ay may nakasalubong akong lalaki. He's wearing a gray three-piece-suit. Nakabrush up ang buhok. He has a distinguish feature... His cold gray eyes... There's something about that. Iba ang tindig niya, intimidating.
Nagtama ang mga tingin namin.
Natigilan ako. Bakit parang nagiging slow motion ang lahat? Bumilis ang kabog ang diddib ko sa hindi ko malaman na dahilan? Parang hindi na naman ako makahinga? Parang may mali? Matagal-tagal ko nang hindi nararamdaman ang ganito...
Sinundan ko lang ng tingin ang lalaking nakasalubong ko. Dire-diresto siya ng lakad habang nakapamulsa. Hindi siya lumingon sa akin. Napabuntong-hininga ako't sumapo ang aking palad sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso. Iba ang aura niya, nakakatindig-balahibo.
Umiling ako para mabura iyon agad sa aking isipan. Nagmadali akong pumasok sa banyo.
Ilang minuto pa ay bumalik na ako kung nasaan sina Carmz at Ramael. Sinundan lang ako ng tingin ng boyfriend ko. Seryoso ang kaniyang mukha. Parang sinasabi niya na, 'I can hear you. What happened?'
Ngiti lang ang naisagot ko sa kaniya. 'Mamaya na natin pag-usapan...'
Tumayo siya at hinila niya ang isang upuan at doon niya ako pinaupo. Umupo naman ako at pilit maging normal sa harap nila.
Habang kumakain ay nabalitaan ko na may nakabangga si Carmz. Harold Kim daw ang pangalan. Naiinis daw siya dahil palagi daw siya sinusundan kung saan. Malaking pasasalamat niya dahil hindi daw ito nagparamdamam ngayon dahil ayaw niya talaga. Ayaw din daw niya makita ang pagmumukha nito. Base sa kwento niya, wala naman akong makitang mali sa Harold Kim na iyon. In fact, mabait pa ito sa kaniya. Napapansin ko na siguro tinutulak lang talaga ni Carmz ang lalaki papalayo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Aktuelle LiteraturThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...