"Jinny! Nako nandito ka na naman sa arawan! Malalagot na naman ako sa mommy mo. Magpahinga ka na at maligo ka pagkatapos." Nakapamewang na saway sa akin ni Nanang.
Yeah. You heard it right.
Jinny!
Haaays.
Jinny Medina. Hindi ko alam kung bakit Jinny ang pangalan ko, pero chinika sa'kin nila Auntie, Jinny daw pangalan ko dahil winish daw ako ng mommy ko kay Genie. Hahaha.
"Nanang naman oh, tingnan mo! Ang pangit tuloy ng tira ko." Nakanguso ako habang malungkot na nakatingin sa mga pogs na kasalukuyang nakalapag na sa sahig.
"Jinny. Debut mo ngayon. 18 ka na. Naglalaro ka pa rin ng pogs na iyan."
Sinamaan ko nang tingin si nanang. Bawal na ba maglaro ng pogs kapag 18 na? Medyo hindi ko gusto ang patakaran na yun ah.
"Hoy, Jingjing, kasama pato." Kinalabit ako ng kalaro kong lalaki.
"Nanang, wait lang ah. Tapusin ko lang to. Babalik din ako kaagad." Pagkasabi ko nun, napakamot lang si Nanang at padabog na pumasok sa gate ng bahay namin.
Dito kasi kami naglalaro sa tapat ng bahay eh.
**
Bumalik ako sa bahay, mga 4pm na. Sinalubong ako ni mommy sa pinto at nakapamewang.
"Tingnan mo na naman tong anak mo, Eugene! Naglaro na naman sa labas. Tingnan mo! Basang basa ng pawis. Nakakadiring tingnan! Parang hindi babae!"
"Pabayaan mo na ang anak mo. Pagkatapos nito, magtitino na iyan." -Dad
Magtitino?
Mukha ba akong nagrerebelde? E naglalaro lang naman ako ng pogs. Ano bang masama sa ginagawa ko?
"Jinny. You're too old for that. Hindi magandang tingnan ang isang dalagang katulad mo ang nakikipaglaro ng togs sa mga lalaki." Paalala ni Daddy habang tinatapik-tapik ang balikat ko at umiiling-iling.
"Pogs po yun Daddy, hindi togs." Malungkot na sabi ko.
Sumingit si mommy at tiningnan ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay umiling. "Makinig ka naman samin Jinny, alam mo bang nahihiya ako kapag---"
"Mi. Pagod ako. Bigyan nyo muna ako ng space kung pwede po." Pagpuputol ko sa pagsermon ni Mommy.
Napakunot ang noo nila habang sinusundan ako ng tingin habang paakyat papunta sa kwarto.
Nakakainis. Natalo ako kanina. Pati pato ko wala na. Yun pa naman yung pinakapaborito kong pato.
Si Vegeta.
Isinubsob ko ang mukha ko sa study table ko. Ang sakit sakit. Natalo ako sa sarili kong teritoryo!
Naririnig kong nagsisigawan si mommy at daddy sa baba. Pero huminto din pagkatapos ng ilang minuto.
Siguradong ako na naman ang pinag-aawayan nila. Ang gusto kasi ni mommy, kumilos ako nang naayon daw sa kasarian ko. Kasalanan ko ba na mas gusto ko ang mga larong panlalaki? Atsaka, hindi lang naman panlalaki ang pagpopogs at paghoholen ah. Pwede yun sa babae at lalaki. Haaay.
Ang tahimik lang. Yung tunog lang ng orasan ko ang naririnig ko. Pinipitik pitik ko pa yung orasan ko dahil sa pagkabagot at sobrang pagkalungkot.
Ha? Ano? Iniisip nyong napakababaw ko?
Grabe kayo ah.
Halos hindi ko kasi naramdaman ang pagiging bata. Alam nyo yon? Pakiramdam ko, nakakulong lang ako buong kabataan ko.
BINABASA MO ANG
V
VampireWhat if mapadpad ka sa mundo ng mga Vampire? At ang susi lang para makabalik ka sa mundo mo.. Ay ang puso ng prinsipe nila? #SlightRomCom