TADHANA

0 0 0
                                    

Sa hindi inaasahang pagtatagpo ay nakabuo kami ng pag-ibig na wagas, at hindi basta bastang matitibag ng kahit na anong unos na dumaan sa aming buhay. Ako si Lyanne at sya naman si Andree ang aking mapapangasawa. Nandito kami ngayon sa isang paraiso, napakaganda ng kapaligiran,punong-puno ng berdeng pananim at damuhang napapaligiran ng mga makukulay na ligaw na bulaklak na siyang umaakit at humahalina sa mga bubuyog at paruparong naglipana, idagdag mo pa ang mga tutubing nagliliparan patungo sa bughaw na kalangitan. Tila ako'y inililipad sa himpapawid , mga ngiting nakaguhit sa aking mga labing tila hindi napapawi. Nakaupo ako sa makulay na kumot na nakalatag sa damuhan samantalang si Andree naman ay nakaunan sa aking mga binti habang nakatitig sa aking mukha at magkasama kaming nagbalik-tanaw sa aming unang pagkikita limang taon na ang nakalilipas...

Nagmamadaling tumawid sa kalsada si Lyanne sapagkat limang minuto na siyang huli sa klase at kinakabahang pumasok sa kanyang paaralan at halos lakad takbo na siya sa pagmamadali dahil nasa ikaapat na palapag pa ng gysali ang kanyang silid at mala-tigre pa ang kanyang propesor. Nasa huling taon na sya sa kanyang kursong Bachelor of Elementary Education at dala-dala pa niya ang kanyang proyekto na kailangan nyang maihabol sa deadline. Paakyat na sya sa ikatlong palapag ng may nabangga sya. Sa isang matipunong dibdib sya tumama at ang kanyang proyektong yari sa recycled materials na ilang gabi nyang pinagpuyatan at pinagkaabalahan ay basta na lamang nasira at nagkapira-piraso sa sahig. Kamuntik na niyang masigawan kung sino man ang bumangga sa kanya nang mapatingin sya sa gawi nito, mapupungay na matang kulay asul, ilong na tila isang tuka ng loro sa sobrang tangos, maputing kutis, makapal ang nakasalubong na kilay at ang labi nitong mamula-mula at tila nahipnotismo sya sa mga titig nito.. "P-pasensya na Miss may hinahanag kasi akong silid kaya hindi ko napansin na may kasalubong ako" sabay kamot ng ulo na may mahabang buhok na tila isang rakista. Harry Styles! Sya ang naalala nito sa ayos at tindig ng lalaki. "Ah ganun ba, ayos lang . pero yung protekto ko kailangan ko pa itong ayusin oara makahabol sa araw ng pasahan ngayon" nahihiyang sambit ni Lyanne. Tatalikod na sana sya nang nagsalita ang lalaki "tulungan na kita! gulat syang napatingin dito at dahil desperada na syang matapos ang kanyang proyekto ay tumango sya bilang pag payag sa alok ng lalaki. 

Tinulungan nga sya nito at napag alaman niyang Andree ang pangalan nito. Hinahanap pala nito ang kanyang kapatid na doon din nag aaral sa unibersidad na pinapasukan nya. iyon ang simula ng pag iibigan nina Lyanne at Andree, hindi man iyon sinasadya subalit sa kanilang mga puso ay iyon na ang paraan ng tadhana upang makilala nila ang taong inilaan para lamang sa kanila...

Palubog na ang araw ngunit hindi  pa rin sila umaalis sa kanilang munting paraiso. Nakaupo na sila at sabay na nakatunghay sa kanluran habang unti unting lumulubog ang araw. Naririnig na nila ang mga pang gabing ibon, mga insektong bumubulong at ang mabining hangin na dumadampi sa kanilang mukha, habang nakasandal sa balikat ni Andree at nakatitig sa pook na kung saan lumubag . Tumayo na sila at inayos ang mga gamit , hawak kamay na silang lumisan sa paraiso kung saan nila nasilayan ang huling pagtatakipsilim na sila ay malaya pa dahil bukas ay haharapin na nila ang pagbubukang-liwayway na magiging simula ng kanilang paglalakbay tungo sa pagkakaroon ng isang buo at masayang pamilya. Dahil bukas, sa araw ng kanilang kasal ay matutunghayan ng lahat ang kanilang sumpaan tungo sa walang hanggan.





The End! Thank you 💕

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOT STORY COLLECTIONWhere stories live. Discover now