1 2 1 5 1 9

39 7 0
                                    

WHERE: @ Mall
WHEN: Morning [6:46am]

"See that? Just follow the rules and instructions then all of us will be safe" said by the branch manager.

"Paano naman ang apo ko na nasa labas?" sabi ng isang matanda.

"Oo nga, di ligtas sa labas! Paano yung ibang taong di nainform? Yung pamilya natin na  naiwan sa labas?" Sabat naman ng isang lalaking estudyante na may suot na makapal na salamin at may dalang mga bagong biling video games.

"So anong gusto niyo mangyari? Hayaang palabasin kayo at lalo pang dumami ang infected?! Wala rin namang kasiguraduhang maililigtas niyo ang mga naiwan niyo sa labas!" Sagot ng manager.

This is nonsense.

Yan na lamang ang nasabi ni shua sa sarili bago puntahan ang rehistruhan at bilihan ng mga baril at iba pang armas. May alam siya kahit paano pagdating sa mga baril dahil isa siyang online gamer ngunit ngayon lamang siya makakahawak ng aktwal.

Di ko pwedeng hayaan nalang si Amber doon.  Kelangan ko silang balikan. Sigurado ako nagnaalala yon.

Naputol ang pagkausap ni shua sa sarili at pagpili ng armas ng biglang may kumausap sa kaniyang babae.

"At anong binabalak mong gawin huh? " saad ng babae.

"Pasensya na miss. Pero babayaran ko ito" sagot ni shua.

"At saan mo naman ito gagamitin? " tanong ng di kilalang babae na sa tingin niya'y kasing edaran lamang niya.

"Proteksyon" sagot ni shua.

"Saan? " balik na tanong ng babae.

"Sa magtatangkang humarang sakin" sagot ni shua na mukhang di interesado sa babae.

"Ako nga pala si Vanessa" pakilala niya, Matangkad ito kumpara kila amber.  5'5 at balingkinitan.  Bilugan ang mata at itim ang buhok.

Pakealam ko?

Sabi ni shua ngunit sa isipan lamang.  Agad siyang nagbayad sa babae't di ito pinansin. Dumiretso siya sa first floor at hinanap ang back door ng mall.

Sakto namang walang nagbabantay dito ngunit ito'y nakalock. Itinali niya muna ang kaniyang panyo sa mukha.  Pantakip sa kaniyang ilong at bibig at umaasang maproproteksyunan siya nito kung ano mang sakit ang nasa labas.

Tatlong putok lamang ng kaniyang baril sa pinto'y agad itong nasira't bumukas.

Di na siya nagsayang ng oras pa't agad na pinuntahan kung saan niya natatandaang iniwan ang mga kasama.

Kaktuwang lahat ng tao ay nakabulagta. Maliban na lamang sa nasa loob ng mga kotse. Nakatingin sa kaniya ang mga ito,  ngunit nang lumapit siya ay parang sumesenyas ang mga ito na wag buksan ang pinto.  Nagtataka siya.

Lumingon siya sa ibang direksyon.  Nakita niya ang kotseng nakabukas at mga taong walang malay na nasa loob at labas nito. Nilapitan niya agad iyon dahil sa curiosity.

Nakita niya ang mga ito ng malapitan,  unti unting umuusbong ang itim nitong mga ugat,  nagiging maputla ang balat at labi,  humahaba at umiitim ang mga kuko. Nakita rin niya ang malagkit na kulay pulang lumalabas sa tenga,  ilong at bibig nito na kung titingnang maigi ay dugo,  ngunit mas maitim ang pagkapula.

Ang nakabulagta na mistulang mga patay ay umubo ng dugo at nangisay.  Lahat ng ito'y parang inaatake ng epilepsy habang nagdudura ng dugo. At ang unang instinct ni shua ay tumakbo,  hanggang makarating sa kanilang RV.

PROJECT:Humanity's Extinction [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon