PICKY 5: Sulky Kaitey

179 1 0
                                    


KEV

Nandito pa rin kami ni Anton at nagkakatuwaan sa pagbibilad ng palay dahil may ikweninto siya sa aking nakakatawa. Nang makarinig kami nang nagsisigawan.

"Ano yon?" tanong ni Anton. Napalingon naman kami kung saan galing ang nagsisigawan. May babaeng nakatalikod at naka pink na jacket na hanggang tuhod niya at parang pinapagalitan ang mga trabahador at kasama dun si Itay. Mga tatlong trabahador ata ang nandoon.

Nakatalikod sa gawi namin ang babae kaya hindi namin ito makita.

"Parang bubuga na ata ng apoy sa galit ang babaeng 'yan, grabe rin ang arte. Sino ba 'yan?" Tanong sa akin ni Anton.

Nagkibit balikat naman ako. "Hindi ko rin alam. Alam mo namang nakatalikod, boploks ka rin eh 'no" sagot ko.

"Stop!...ugh dont touch me ang rurumi ng kamay niyu ewww!!" Sigaw pa nito. Kung wala sana si Itay doon ay hindi na talaga ako mag aabala pang makiesyoso.

Dumating na si Donya Gregoria at nagtaka kami nang tawagin niyang apo ang babae.

"Apo?"

"Luh baka yan nga ang apo niya. Ang arte naman" kumento ni Anton.

Nakita na lang namin na padabog na umalis ang babaeng iyon at pumasok na sa mansion. Napailing nalang ako.

Kinausap na ngayon sila Itay ng Donya at pagkaalis nito ay lumapit ako kay Itay.

"Tay, ano pong nangyari?" usisa ko.

"Hay, buti nalang talaga at mabait ang Donya Gregoria at hindi kami napagalitan" sagot ni Itay.

"Bakit, Tay ano po bang nangyari?"

"Kasi nga iyong apo niyang si Kaitey ay nadapa diyan, may nakaharang kasi na sanga ng puno. Nakalimutan ko kasi kunin kanina at ayon nagalit" natawa naman ako.

"Grabe iyon lang naman pala. Ang arte naman non, Tay! Kasalanan niyo bang hindi siya tumitingin sa dinadaanan? " Napakamot naman sa ulo si Itay.

"Hayaan mo na, anak. Ganoon talaga" aniya at tinapik ang ulo ko na parang aso. "Kaya ikaw pag butihin mo ang pagtratrabaho dito para hindi ka mapaalis" dugtong pa niya.

"Oo naman yes, Tay" sabi ko at natawa naman si Itay.

"Oh siya at aalis na ako para ipagpatuloy ang trabaho ko. Nga pala anak, ang ganda nga talaga noong si Kaitey na apo ng Donya. kaso masunget at ang arte" ani pa ni Itay. Tsk, si Itay talaga.

"Eh narinig nga namin ni Anton, Tay. Pero hindi rin naman namin nakita nakatalikod eh" sabi ko habang kumakamot sa batok.

"Asus, bakit may interes ka bang makita?"
Tukso pa sa akin ni Itay.

"Nako, Tay ikaw talaga alam niyo na curious lang" sagot ko at humalakhak.

Nagpaalam na si Itay at bumalik na sa trabaho niya. Bumalik na rin naman ako sa ginagawa ko kanina.

"Oh anyari daw?" tanong ni Anton. Isa pa 'tong chismoso.

"Tsk, nadapa daw kasi sumagi ang isang paa sa sanga kaya ayon. Nakalimutan naman daw kasi ni Itay na kunin uli ang ginamit niyang sangang iyon" sagot ko, tumawa naman si Anton.

"Haha, kaya naman pala"




GREGORIA (LOLA NI KAITEY)


Sinundan ko naman ang apo kong si Kaitey. Alam kong nagtampo iyon. Nabigla talaga kasi ako na ganoon na lang ang ipinakita nitong ugali. Matagal ko na ring hindi nakasama ang batang iyon.

That Picky Brat Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon