Mula sa isang hardin sa likod ng isang bahay maririnig ang isang munting tinig na umaalingaw-ngaw kasama ng hangin.
Makikita sa hardin ang isang limang-taong batang babae na nakaluhod sa damuhan habang nakaharap sa mga bulaklak.
Hello little flower
It's very nice to meet you
Tila'y para siyang nakikipag-usap sa isang bulaklak na ngayo'y kanyang maingat na hinahaplos.
Have you been hiding in the snow
All winter longTumayo ang batang babae mula sa pagkakaluhod ngunit bago pa siya tumayo ay nilanghap niya ang bango ng isang bulaklak na kanyang hinaplos.
Pagkatapos ay naglakad-lakad siya, at tumigil sa harap ng pinakapaborito niyang puno, ang Hawthorn Tree.
Hello little Hawthorn
I see your flowers are bloomingNakangiti ang batang babae habang kumakanta ng makita niyang may kaunting bulaklak na ang paborito niyang puno.
So very green and beautiful
For winter's gone
Springtime Springtime
See the sunshine in the sky Springtime Springtime
Wake up world say hi
Wake up world say hiNaglakad palayo ng hardin ang batang babae, at siya'y nagpunta sa isang maliit na kubo kung saan nakalugar ang kanyang alagang hayop.
Hello little rabbit
Natawa ang bata sa pag-iiba niya sa hayop ng orihinal na kanta. Dahil imbes na bear cub ay rabbit ang kanyang ipinalit, ang isa sa paborito niyang alagang hayop.
It's very nice to meet you
Have you been sleeping in your cage All winter longLumabas siya sa maliit na kubo ngunit bago pa siya makalabas ay kumuha siya ng isang maliit na bag na may lamang green peas at lumapit sa gilid ng hardin nila kung saan nakalugar ang kanilang fish pond.
Nang makalapit siya, siya ay umupo sa gilid at dumukot ng green peas upang ipakain sa alagang isda.
Hello little koi fish
Pinag-masdan ng batang babae ang mga isdang nagkakagulo sa pagkain na kanyang ibinigay.
I see you slowly swimming
Napangiti na lamang ang batang babae at ibinuhos ng paunti-unti ang natitirang pagkain para sa alagang koi fish.
And breathing in the nice warm air For winter's gone
Tumayo sa pagkakaupo ang batang-babae. Itinapon niya sa malapit na basurahan ang pinaglagyan ng pagkain ng mga isda at siya ay dumeretso sa una niyang pinanggalingan, ang kanilang hardin.
Springtime Springtime
See the sunshine in the sky Springtime SpringtimeNang siya ay makabalik na sa may hardin, pumwesto siya sa gitna ng mga bulaklak at siya ay masayang umikot ng umikot habang kumakanta. Tila'y ang hardin lamang tanging nasa paligid niya at wala ng iba pa.
BINABASA MO ANG
SPRING
Teen Fiction"The spring is fresh and fearless and every leaf is new, the world is brimmed with moonlight, the lilac brimmed with dew. Here in the morning shadows I catch my breath and sing-- My heart is fresh and fearless and over- brimmed with spring." -Sara T...