Aking Kaibigan pasensya na,
Nahulog ako sayo ng Di sinasadya,
Di ko napigilan ang aking nadarama, Lalo na dahil nasanay akung lagi ka kasama,Ginagawa ko ang lahat para lang makita kang masaya,
Nagagalit pag meron sayong nag papaluha,Nag iisip ng paraan bumalik lang ang tamis ng ngiti sa yung mga Labi,
Sa isang tawag mo lang anjan na, ihahatid para makasiguradong Ligtas ka,Sa bawat oras gusto kausap ka,
At sa bawat araw na di magkasama, Tatawagan para lang matanong kung ayos kaba,Matagal ko ng nadarama ito,
Pilit ko lang itinatago dahil ayaw kung masayang ang pagkakaibigan naten na nabuo,Ngayon aaminin sayo na Mahal kita, kung di mo man ako gusto,
Sana'y wag kang magbago,
Sana'y kaibigan parin ang turing mo dahil nag mahal lang naman ako,Matagal akung nag ipon ng lakas ng Loob para masabi sayo na mahal kita, At kung may pagkakataon na mapasakin ka,
Hindi na kita pakakawalan pa,
Sa tagal ng panahon nag antay at libo libong Lakas ng Loob ang inipon,
At ilang Pagkakataon ang Lumipas para lang mapasakin ka,Hindi na kita pakakawalan pa aalagaan ka,
Iingatan ka wag kalang mawala
Akin kana at wag kanang aalis pa.Thank you for reading