Mean Girls
"Aaaaah!"
Bigla akong napabangon sa sigaw na nanggaling sa isang babae, kinusot ko pa ang aking mata para maadjust ang paningin, dumiretso ang tingin ko sa babaeng nakatayo malapit sa pinto. Kunot noo ko siyang tinitigan dahil sa hitsura niya, she was stunned and nakatakip pa ang mga kamay sa bibig.
"Hi!" I greeted her. Tila ba nabuhusan siya ng malamig na tubig at bumalik sa realidad at nagtatatalon.
"Oh my. Oh my gossssh! May roommate na ko." Masigla niyang sigaw.
Tumakbo siya patungo sakin at biglang lumundag sa kama. Umaatras pa ako nang konti dahil akma niya akong yayakapin. I thought she would stop, pero hindi. Hinabol niya ko ng yakap at tumawa.
"Thank goodness! Meron na nga talaga kong roomate." Mas hinigpitan niya ang yakap at niyugyog pa ako.
"Wait, I can't breath." Reklamo ko.
"Oops! I'm sorry, I am just happy." Tumawa ulit siya bago kumalas sa pagkakayakap.
"By the way, my name is Camille. And who are?" She extended her hand to offer a handshake.
Tinanggap ko naman iyon.
"Kaye Alpert." I smiled. She's weird.
"Ugh! Base on how you twitch your lips into a smile, para kang nag aalangan. — lumungkot naman ang mukha niya. — "I guess you think that I'm weird." Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Huh? Ahh. Ahm, hindi naman m..msyado." Mind reader ba siya, Hindi ko alam na may special power pala ang studyante ng Enriqou.
Tumawa siya. "Kaye, I am no mind reader. Andali kasing mabasa ng reaksyon mo and nakadepende rin naman yan sa magko conclude ng tao base sa mga nagagawa at sitwasyon and I guess, tama ako sa iniisip ko."
"Na?" Hindi ako makasunod sa kanya, lutang pa ko sa mga nagyayari.
"Duuuh! Na iniisip mong weirdo ako." Ngayon naka poker face na siya.
"Ahm, matagal kanang walang kasama?" Pag iiba ko ng topic. Tumango naman siya bilang sagot.
"Bakit naman?" Nagtataka kong tanong. Tumayo naman siya at ngumuso bago tumalikod sakin.
"Because they think that I'm weird."
Natawa ako dahil sa tono ng pananalita niyang parang nag aalangan sa sasabihin.
"Kaya naman pala." Lumingon siya sakin at sumimangot.
"Lilipat ka rin ba?"
"Hindi at bakit naman, their reason was lame." Humikab ako at inayos na ang kama. "Nagugutom ako."
Lumapit naman siya sakin at kumapit naman sa braso ko.
"You're mabait and you found their reasons lame at nagugutom ka. So, ililibre kita. Let's go to the plaza." Inilapit pa ang mukha niya sa braso ko at dahan dahan idinidiin. Para siyang pusa, tapos yung pananalita. Face palm!
We went to the plaza to buy foods, mga ilang lakaran lang naman para makarating dito. The plaza looks like a little shopping mall where you can buy some foods, clothing and other supplies. Sa loob parin naman ng Dormitorium pero nasa labas na ng dormitory ng mga estudyante.
Marami rami rin ang mga taong kumakain at tumatambay sa mga stalls. May mga nakasalubong rin kaming ibang mga guro na kung hindi pa babatiin ni Camille ng may Ma'am o Sir ay hindi ko pa malalaman na teacher pala.
Sumusubo na ko ng lasagna, bang bigla na lang napapadyak si Camille at nasagi ang mesa. Tumungin ako sa tinititigan niya at nakita ko ang tatlong babaeng nakasuot ng Crop Jacket. Kailangan talagang paherass ang damit?
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain, I glance back to Camille at nagsimula na rin siyang kumain ngunit mahahalatang nanginginig ang mga kamay.
"Oh! Look who's here girls?" At bigla silang tumawa.
Natigil ako sa pagkain at tinitigan lang si Camille.
"Hi weird Camille. Please acknowledge our presence. Hindi kaba masaya?" Tanong naman nung isa, lumingon na ko para tingnan sila. Gulat na napabaling ang tatlo sa akin.
"May kasama si Camille, maybe one of her ward mate." Mas lalo pang kumunot ang noo ko't tinaasan na ang babaeng may blonde na buhok na sobrang kapal ng layer ng foundation sa mukha na siyang nag sabi nun.
"Excuse me! Can't you see that we're peacefully eating here?" Binalingan ko ng tingin si Camille.
"Tumatapang ka weirdo." One of the girls slammed the table.
"Miss, who ever you are. Hindi naman tamang gawin mo iyon, kumakain kami. Ang bastos ng bruhang to." Bulong ko ng huling mga salita.
"What?" Tanong naman nung isang babaeng maputi na sinabuyan ng blush on sa mukha. Tumawa lang ako dahil sa reaksyon niyang nagpalaki ng mga mata niya.
Akma na sana akong sabunutan ng isa pang babaeng may putok na labi dahil sa sobrang paga outline ng lipstick nang bigla sumigaw ang isang staff na nagpatigil sa kanila.
"We're not done yet Camille at isama mo na rin tong kaibigan mo."
Umalis na ang tatlo, at bumaling ako sa lasagna na nabuhos sa sobrang lakas ng impact. Sayang!
"I'm sorry. Dapat nga sigurong lumipat ka ng room, and wag kang lumapit sakin." Kita ko ang lungkot sakanya at naiinis ako dahil iiyak na agad siya.
"Why would I do that?" Tanong ko sakanya na nagpa angat ng tingin niya sakin.
"Sinayang nila yung lasagna ko."
Tumawa si Camille sa akin.
"Gutom ka parin?"
Tumawag siya ng waiter at bumili uli. Why would I transfer to another room if may benefit ako sa kanya? Food is life.
Bumalik ang waiter ng may dalang lasagna.
"Babayaran ko na lang." Sabi ko pero syempre acting lang.
"Nope, its my treat, for not transferring sa ibang room." Ngumitu siya.
"Yun ba? Wala yun, salamat huh."
"Your welcome." Ngumiti pa siya lalo.
"If you don't mind. Bakit ka nila inaaway?"
She was stunned sa tanong ko, matagal bago siya sumagot. Yumuko siya at pinaglaruan ang mga daliri.
"Its a long story."
BINABASA MO ANG
Never wake Alisse
Mystery / ThrillerShe's a typical teenager living her so called normal life to the fullest not until she reach her college year, everything changed in just one snap.