Chapter One
Margaux's POV
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at inilibot ang paningin ko sa paligid.
Unang mulat ko pa lang ng mata ko ay alam ko na na wala ako sa kwarto ko. At hindi pamilyar sa paningin ko ang lugar kung nasaan ako. Purong itim ang pintura ng mga pader at kulay dilaw ang ilaw.
Sobrang dami ng kama sa kwartong 'yon. At doon, may mga babae rin na tulad ko na nakahiga. Natutulog silang lahat ng mahimbing. Ako pa lang ata ang nagigising.
“Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko.
'Di pa man din ako nakakabawi sa pagkahilo dahil sa biglang pagbangon ay may malakas na tunog na umalingawngaw sa paligid. Parang sirena ng ambulansya. Tuloy-tuloy. Malakas. Walang hinto.
Napatakip ako ng tenga dahil sa sobrang lakas noon.
Agad na napabangon ang mga kapwa ko babae sa pinagkakahigaan nila. Halata sa mukha nila ang gulat.
Maya-maya pa ay mga nagsi-panic na sila at nag-iyakan. Tila ba ay hindi nila alam ang gagawin. Kung sa bagay, sa ganitong sitwasyon na wala ka sa bahay mo ay wala ka talagang laban.
“Attention, girls. Keep calm. We will not hurt you,” malumanay na sabi ng isang tao. 'Di namin siya nakikita—naririnig lang namin siya mula sa speaker. Pero dahil sa boses niya, ang hula ko ay lalaki siya. “You are kidnapped here to be trained. You all should be a good fighter. Just think that you are in a game and all you need to do is to survive.”
Sumama ang mukha ng mga kapwa ko babae. Mga takot na takot sila at halatang kinakabahan. Ganoon din naman ako pero hindi ko gaanong pinapahalata. Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi ng lalaki sa speaker.
“Keep calm. We won't kill you. You, girls, will kill each other...”
“Tangina mo, palayain mo kami rito!” lakas loob na sigaw ng isang babae. “’Wag mo kaming paglaruan, gago! 'Di kami nakikipagbiruan sa 'yo!”
Pero napatili ang lahat noong may biglang tumusok na kutsilyo sa pader niya. Kahoy lang pala 'yong pader kaya madaling nakalusot ang kutsilyo. Muntik na siyang mahagip noon. Mabuti na lang at nakailag siya.
“Gago! 'Wag mo akong patayin! Kapag nakalabas ako rito, ipakukulong kita. Tangina mo!” sigaw ulit nung babae.
“Ayun ay kung makakalabas ka pa...” tinig naman ngayon ng isang babae ang nagsalita sa speaker.
“Uh, baby girl. Keep your mouth shut or else...” pabitin niya sa sinasabi niya. Ang lalaki naman ang nagsalita ngayon. “...your bedmate will kill you. Do you want that?”
Natahimik siya at bumalatay na naman ang takot sa mukha niya. Napansin ko rin na nabalisa ang pareho niyang katabi sa kama.
“Now, for your first task: you should bring a cold body outside of your room. If you don't, then, a punishment will be serve to you. And that punishment will be...death.”
“Oh shit!” pabulong kong sabi. Sinapo ko ang ulo ko.
Natatakot ako. Kinakabahan ako. Papatay ako! Kaylangan kong pumatay! Dahil kung hindi...ako ang mamamatay. Ayoko pa. Ayoko pang mamatay!
“Below your bed, there is a knife that you can use to kill. Now, go and find it. You can start killing when you already found it.”
Dali-dali akong bumaba ng kama ko at hinanap sa ilalim ang kutsilyo. Wala akong pwedeng sayanging oras. Baka masalisihan ako ng iba at ako ang mapatay nila.
Agad ko naman 'yong nakita.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ako ata ang unang nakahanap ng kustilyo. Ang lahat kasi ay abala pa sa pagtingin sa ilalim ng kama nila.
BINABASA MO ANG
Godfather's Inheritance
Mistério / Suspensewriters: @daisukeeee @leeeeexy editors: @jeyceb @meylkeo