Chapter 2

27 14 9
                                    

Chapter Two

Margaux's POV

"Mahusay! Maaari na kayong magpahinga para sa araw na ito," malumanay na sabi ni Master ngunit mababatid mong nakangiti ito. "Hindi n'yo ako binigo sa nakalipas na tatlong buwan, pero hanggang saan kaya kayo tatagal?" mapaglarong dagdag niya.

Tatlong buwan. Tatlong buwan na ang lumipas simula ng ikulong kami dito sa lugar na hindi naman kami pamilyar. Tatlong buwan na pakikipaglaban para manatiling buhay.
Sa loob ng tatlong buwan na 'yon ay ilang beses nang nabingit sa kamatayan ang buhay ko. Ilang beses na akong nasaksak. Pero ipinagpapasalamat ko na lang na palagi akong nakakaligtas.

Sa tatlong buwan na 'yon, wala na rin akong balita sa pamilya ko. Hindi ko na sila ulit nakita. Kaya nga, nagpupursige akong pag-aralan ang bawat tinuturo ni master dahil gusto kong manalo rito.

Hindi naging madali ang tatlong buwan na 'yon nang ako lang mag-isa. Mahirap mamuhay ng mag-isa pero kaylangan kong kayanin. Para makabalik ako—ng buhay.

At sa tatlong buwan na ring iyon, lima na lamang kaming natitira.

“Bumalik na kayo sa in'yong mga silid upang mamahinga dahil mahaba-habang araw ang kahaharapin n'yo bukas," may munting ngiti na wika ng kanang-kamay ni Master na si Jean.

Pare-pareho naman kaming tumalima sa kanila at dumiretso sa kwarto namin.

Hindi ko alam kung gaano na katagal magmula nang pabalikin kami sa mga silid upang magpahinga. At hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na rin akong nagpagulong-gulong, nagpaikot-ikot, at nagpapalit-palit ng pwesto para lang makatulog. Pero hindi pa rin ako makatulog. Kaya't napagpasyahan kong huwag nalang munang matulog, at mag-ikot-ikot.

Pero kamusta na kaya sila? Kamusta na kaya ang pamilya ko?

Hinahanap kaya nila ako? Kung hinahanap nila ako, bakit hindi pa rin nila ako nakikita?

'Margaux, you need to stop thinking about them. Focus,' paulit-ulit kong wika sa sarili ko.

Sa pag-iikot, nadaanan ko ang kama ng kapwa ko natira na magbestfriend na sina Alexa at Jane.

Nakakatawa. Paano kaya nila naituring na bestfriend ang isa't isa kung sa bandang dulo, pare-pareho lang kaming hahawak ng patalim at pagtatangkaan ang buhay ng isa't isa? Paanong naituturing nilang bestfriend ang isa't isa kung pagdating sa dulo magpapatayan lang din naman sila?

Hindi ko alam kung bakit pero natagpuan ko na lamang ang sarili ko na ngumingising parang baliw sa ideya na sila rin ang tatapos sa buhay ng bawat isa.

Hindi ko sila pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saan nga ba ako pupunta. Hinayaan ko na ang mga paa ko ang nagdala sa akin sa bawat lugar na tinatahak ko.

Andami pala namin dito. At katulad naming mga bihag, wala ring ibang ginagawa ang mga tauhan ni Master kung hindi ang lumaban para mabuhay. Ang pumaslang para magtagal.

Natuklasan ko rin na ang organisasyon na ito ay binubuo ng mga tauhan na binabayaran para pumatay. At batid ko rin na malakas ang kapit nito kinauukulan kaya kahit ilang taon na ang organisasyon ay hindi pa rin naisu-suplong sa mga pulis.

"Kaitos, gaano katagal pa ba tayong maghihintay?" dinig kong wika ng isang lalaki. Nababatid kong nagtatangis ang kanyang panga, nakakunot ang noo, at marahil nakakuyom ang mga kamao base sa inis, galit, at diin na mapapansin sa kanyang pagsasalita. "Tatlong buwan na Kaitos, tatlong buwan. Marami ng nag-a-aklas at kumakalas sa organisasyon pero hanggang ngayon wala pa rin ang pangakong kayamanan ni Tanda," pagalit pang dagdag niya.

"Huminahon ka Gregor! Alam kong naiinip ka na at sawang-sawa ka na dahil tulad mo, sawa at inip na rin ako, pero oras na makarating kay Master ang sinasabi mo, makikita mo ng wala sa oras ang sundo mo," pigil ang galit na wika ng lalaking tinawag niyang Kaitos.

"Pero gaano katagal pa nga, Kaitos? May buhay din ako at may pamilyang umaasa sa akin," nanggigigil na sabi naman ng tinawag na Gregor.

"At kailan ka pa naging mainipin, Gregor?" wika ng bagong dating na si Jean. "Matuto kang maghintay Gregor. Sa ngayon, kailangan nating magpunta sa opisina dahil muling nagpatawag si Master ng meeting," dagdag ni Jean at nagsimulang maglakad ngunit bago pa s'ya makalayo sinigurado n'ya pang hindi nakakatakas sa paningin ko ang mapanukso n'yang tingin at mapaglarong ngiti sa labi.

Alam n'yang nakikinig ako.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at nang makalayo-layo sila ay unti-unti kong tinahak ang daang dinaanan nila.

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip habang naglalakad.

Kayamanan?

Anong ibig sabihin nila Kaitos at Gregor?

Kaya ba kami nandito ay para hanapin ang kayamanan? Pero bakit kami?

Kung kaya nga kami naririto ay para hanapin ang kayamanan, bakit kailangang kami ang maghanap? Bakit hindi sila mismo ang maghanap?
Ang gulo. Andaming tanong ang namumuo sa isip ko. Kaya ba hindi kami natutunton ng mga magulang namin dahil hindi sila tumatawag para manghingi ng ransom money? Ibang klaseng mga  kidnappers.

"Mapangahas at walang takot," wika ng isang nakakapangilabot na tinig sa loob ng silid na nasa aking harapan. Si Master.

"Magaling ang isang iyon Master, ni hindi man lang napansin nina Gregor at Kaitos na may nakikinig na sa kanilang dalawa. Natitiyak ko rin na kung sakaling sa ibang direksyon ako nagmula ay hindi ko rin malalaman na may nakikinig nga," tila manghang-manghang wika ni Jean.

Unti-unting bumilis ang tumibok ng puso ko at dahan-dahan ding bumalot sa katawan ko ang kaba at takot. Pero hindi pwede. Walang lugar para sa takot sa mala-impyernong lugar na ito.

"Mukhang Isa s'ya sa tatlong matitira Master, hindi kaya s'ya maging banta sa organisasyon?" dagdag pa ni Jean.
"Natitiyak kong hindi s'ya magiging banta. At kung sakali mang maging sagabal s'ya at humadlang sa ating mga plano maaari naman natin s'yang ipaligpit sa ating mga tauhan," kalmadong pahayag ni Master.

"Master, hindi kaya ipinadala siya ng angkan ng mga Mendez dahil nakikita rin nila ang potensyal at galing ng batang iyon?" tila kinakabahang wika ni Jean. "Paano Master kung may masamang balak sa organisasyon ang mga Mendez at ginamit lang nila si Margaux para maisakatuparan iyon? Lalo pa ngayon Master, unti-unti ng naghihirap ang mga Mendez, at tiyak kong gaya nila Gregor ay inip na sila sa kahihintay ng sikretong kayamanan," mahabang wika ni Jean.

Pinadala ako ng angkan ng mga Mendez? Anong ibig niyang sabihin?

"Nasosobrahan ka na ata sa kape Jean? Kung ano-ano ang naiisip mo. Palagay ko'y napakagandang gawan ng istorya ang sinabi mo, ngayon ko lang nalaman na malawak pala ang imahinasyon mo," puno ng sarkasmong sagot ni Master. "Huwag kang masyadong mag-isip Jean, hindi kakalabanin ng mga Mendez ang organisasyon. Alam kong alam nilang wala silang laban sa organisasyon.”

"Pero Master --"

"Sa tingin ko'y kailangan mo na ring magpahinga, masyado kang maraming naiisip Jean, pahinga lamang ang katapat n'yan," putol ni Master sa muli sanang pagsasalita ni Jean kaya't wala nang ibang nagawa si Jean kung hindi ang manahimik.

Agad akong tumakbo paalis ng mabatid kong lalabas na si Jean.

Pagkadating na pagkadating ko sa silid na gamit ko, ay agad-agad akong uminom ng tubig. Tila hindi matanggap ng sistema ko lahat ng aking narinig.

Mali kami.

Dahil hindi naman pala kami na-kidnap. Dahil kusang-loob kaming ipinakuha ng mga pamilya namin.

Mali kami ng umasa kaming hinahanap kami ng mga magulang namin, dahil sa simula pa lamang alam naman nila kung nasaan kami.

Pero bakit? Bakit kami ipinadala ng mga magulang namin?

"Magandang Gabi mga survivors.” Umalingawngaw ang malakas na tunog mula sa speaker. Batid kong ang Master ang nagsasalita. “Marapat na kumuha kayo ng sapat na pahinga dahil bukas, pagsapit ng ika-sampu ng umaga, magaganap ang huling task na ibibigay ko sa in'yo. Handa na ba kayo? Good luck survivors.” At nakakapangilabot na humalkhak ito.

Bukas. Bukas na ang huling araw. At sisiguraduhin ko, na ako ang lalabas ng buhay sa impyernong ito.

Godfather's InheritanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon