Chapter 3

31 13 41
                                    

Chapter Three

Margaux's POV

"Hanggang d'yan nalang ba ang kaya mo, Margaux? Mukhang masyadong naging mataas ang expectation namin sa'yo Margaux," mapang-asar na wika ni Jane.

Hindi ko alam kung saan napunta lahat ng tapang ko. Hindi ko alam kung bakit nawala na parang bula lahat ng natutunan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magamit lahat ng pinaghirapan ko. Kinakain ako ng takot. Hanggang dito na nga lang ba ako?

Tumakbo pasugod sa akin si Jane habang nakataas ang kamay na may hawak ng kutsilyo. Hindi ako makatakbo. Hindi ako makaiwas. Anong nangyayari?

Nakita ko na lamang si Jane sa aking harapan at naramdaman ko ang saksak sa aking dibdib. Nakapagtataka. Wala akong naraaramdamang kahit katiting na sakit.

Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Nahihirapan na rin akong huminga. Nanlalabo na rin ang aking mga mata. Hanggang dito na nga lang ba ako? Ito na ba ang katapusan ko?

Napabalikwas ako ng bangon ng dahil sa aking panaginip. Hingal na hingal akong umalis sa kama upang kumuha ng maiinom. Nakakakilabot.

Sa lugar kung nasaan ako ngayon, hindi imposibleng mangyari sa akin ang nangyari sa panaginip ko. Masyadong makatotohanan. Lalo pa't ngayon nga pala magaganap ang huling task na ibibigay sa amin.

Agad akong nag-ayos ng aking sarili dahil wala na rin naman akong balak pang bumalik sa pagtulog. At isa pa, umaga na, ilang oras nalang magsisimula na.

Hindi ko alam kung gaano katagal na ba akong nakatulala ng marinig ko na ang boses ni Master sa speaker.

"Magandang araw!” panimula nito. Batid kong may nakakalokong ngisi sa labi nito. “Ngayon magaganap ang huling task na ibibigay ko sa in'yo. Ngayon, tingnan ninyo ang ilalim ng in'yong mga higaan at may makikita kayong isang papel. Nasa papel na iyan ang pangalan ng babaeng kailangan n'yong patayin. Always watch your backs survivors. Baka sa kagustuhan n'yong mapatay ang sarili n'yong target ay mapatay din kayo ng may target sa in'yo. Happy killing survivors," aniya na sinabayan pa ng nakakapangilabot na tawa.

Nakakakilabot. Mga taong halang lang ang kaluluwa ang makakaisip ng ganito.

Tiningnan ko ang ilalim ng sarili kong higaan upang makita kung sino ba ang kailangan kong paslangin para sa huling task. Hindi ako maaaaring pumalpak. Kailangang ako ang nakabalik sa pamilya ko.

Si Shaina. Si Shaina ang target ko. Mahina si Shaina kaya sa tingin ko magagawa ko ang task at hindi ako papalpak. Pero hindi, kailangan kong mag-ingat, hindi ko alam kung kailan, saan, at paano ako aatakihin ng babaeng pangalan ko ang nakuha. Hindi pwedeng mapatay ako.

Hindi muna ako lumabas kahit pa nagsisimula na ang iba sa paggawa ng huling task. Kailangan kong planuhing mabuti ang gagawin ko. Kailangang walang palya. Kailangang walang butas.

Lumipas ang isa't kalahating oras na nakaupo lamang ako sa aking silid. Tahimik. Nakaupo at nakamasid. Kinakalkula ang lahat ng posibleng kalabasan ng task na ito. Isinasantabi ang takot, kaba, at konsensya. At hindi alam kung dapat bang humingi ng patnubay at gabay sa Kanya, kung ang gagawin ko naman ay isang kasalanan at labag sa mga utos Niya.

Maya-maya lang ay lumabas na rin ako upang gawin ang huling task.

Mabilis na nahanap ng mga mata ko si Shaina. Nakaupo. At bakas sa kanyang mukha na ayaw niya sa kaniyang gagawin. Sino nga bang may gustong pumatay? Halimaw lang ang matutuwa sa ganitong gawain. At hindi ako 'yon. Hindi rin si Shaina 'yon.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Sinisigurado ko na wala siyang maririnig na kahit anong ingay sa paglapit ko. Aktong isasaksak ko na sa kaniya ang patalim na hawak ko ng maramdaman kong may nakamasid sa akin. May nanonood ng bawat kilos ko.

Godfather's InheritanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon