Epilogue
Margaux's POV
Kinabukasan ay gaya ng nasa plano ko, maaga akong nagising.
Wala na akong sinayang pa na oras. Nag-ayos na agad ako. Purong itim ang isinuot ko para walang makakilala sa akin.
At noong makaayos na ako ay kinuha ko na ang kutsilyo at isinukbit ko na 'yon sa likuran ko. Ayun lang ang tanging sandata na dadalhin ko para makipaglaban bukod sa tapang at lakas ng loob. Nahasa naman ang martial arts skills ko kaya hindi ako kinakabahan kung saka-sakaling masasalisihan ako at mabibitawan ko ang kutsilyo.
Bago ako umalis ay napalingon ako sa dalawang magkaibigan na naka-talukbong ng kumot.
Malamang sa malamang ay hindi na humihinga ang dalawang 'yon. Dahil kagabi ay sinaksak ko lang naman silang pareho sa pala-pulsuhan. At ang ginamit kong kutsilyo ay kanila mismong kutsilyo.
Wala naman talaga dapat sa plano ko ang patayin silang dalawa. Ang kaso lang, pinagbalakan nila ako ng masama. At hindi ako makakapayag sa ganoon kaya inunahan ko na sila. Ako na ang pumatay sa kanila.
Napangisi na lang ako.
Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa makalabas ako ng lugar na 'yon. Ipinagpapasalamat ko na lang ang katotohanan na mukhang tulog pa ang lahat ng tauhan ng Master.
Ito ang ikalawang beses na tatakas ako sa kanila—kagabi ang una. Ngayon lang ako nagka-lakas ng loob dahil alam ko sa sarili ko na kaya ko na. Kaya ko ng lumaban sa kung sino man ang haharang sa akin sa paglabas ko.
At isa pa, simula noong nagpunta ako sa lugar na ito ay nawala na sa akin ang takot ko kay kamatayan. Tutal, kung mamamatay man ako ay tila ba, wala rin namang iiyak. Kasi alam ko naman na walang pakialam sa akin ang nanay ko. Dahil kung mayrooon ay hindi niya naman ako ipapadala sa impyernong 'to. Alam ko rin na wala ng paki-alam sa akin ang tatay ko dahil matagal niya na kaming iniwan.
Ilang metro lang ang nilakad ko at nakarating na agad ako sa bahay ni Andrei Miguel—ang bahay kung nasaan ang sikretong kayamanan. Katapat lang 'yon ng bahay ng Master—kung saan kami ikinulong ng matagal at hinasa ang talento namin.
Kagabi ay naakyat ko na ang bahay na 'yon kaya hindi na naging mahirap sa akin ang pasukin 'yon. Mabilis kong narating ang kwarto ng Andrei Miguel na 'yon ng walang humaharang sa daraanan ko.
'Ganito ba ka-inutil ang mga tao rito?' tanong ko sa isip ko.
Ganoon ba sila ka-kampante na walang papasok sa bahay nila kaya wala masyadong tao kapag madaling-araw?
Noong narating ko na ang kwarto ay pinihit ko ng dahan-dahan ang seradura noon. At ipinagpapasalamat ko na hindi naka-lock ang pintuan.
Pero ang ikinagulat ko ay bukas ang ilaw noon. At ang malala ay may isang lalaki na nakatalikod mula sa akin, naka-upo sa swivel chair.
Doon pa lang ako kinabahan. Shit! Naramdaman niya ba ang presensya ko? Kung ganoon ay sobrang galing siguro ng isang 'to! Sobrang ingat kaya ng bawat galaw ko!
Narinig ko ang halakhak nito mula sa 'di kalayuan. “Inaasahan ko na na makikita kita rito ngayon, Margaux. Alam ko na sa tatlong matitira ay ikaw ang magkakaroon ng lakas ng loob na sumugod mag-isa.” At humalakhak ulit ito.
Pinilit kong itago ang kaba sa ekspresyon ng mukha ko. Sa panahong 'to ay hindi ako makakakilos kung paiiralin ko ang kaba ko. “Ibigay mo na lang ang kayamanan kung ayaw mong dumanak pa ang dugo rito,” matapang na sambit ko.
Hinawakan ko na ang kutsilyo sa likuran ko para kung saka-sakaling bigla siyang sumugod ay handa na ako.
Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang lalagyan. Purong salamin gawa iyon. At nandoon ang isang baul na ginto. Kumikinang 'yon ng sobra. Hindi ko alam kung purong ginto 'yon pero basta ang alam ko lang ay maganda ang itsura noon.
Napahalakhak siyang muli. “Kaya mo? Kaya mo akong patayin?”
Unti-unti siyang umikot papaharap sa akin. At kasabay noon ay ang unti-unting panlalaki ng mga mata ko.
“Kaya mon nga bang patayin ang lalaking nagbigay sa 'yo ng buhay?”
———T H E E N D———
BINABASA MO ANG
Godfather's Inheritance
Mystery / Thrillerwriters: @daisukeeee @leeeeexy editors: @jeyceb @meylkeo