37

118 5 0
                                    

Jisu's POV

Papunta kami ngayon sa airport, sumama kami kay Papa. Sabi kasi ni Tita na kahit ilang taong hindi nagparamdam samin si Papa he's still our father at pinayagan kami ni Tita na sumama sa kanya. "Jisu, sa tingin mo ba ilang taon yung kapatid natin sa side ni Papa?" Tanong ni Jeno "Papa, ilang taon po yung kapatid namin?" Tanong ko kay Papa, ako ang tatanungin ni Jeno eh parehas lang naman kaming nasa Korea aba! "Mas bata yun sainyo mga anak." Sagot ni Papa, parang naluluha ako kasi first time kong marinig na tawagin kaming Anak ni Papa mukhang naramdaman ni Jeno na parang maiiyak na ako kaya kinomfort niya ako.

*After 3 Hours*

"Kuya, Ate, Papa!" Tawag ng isang bata mukha lang siyang 8 years old babae rin siya. Lumapit siya samin ni Jeno at niyakap kami. Oo nga pala andito na kami sa bahay nina papa ngayon malaki siya infairness. Niyakap ako nung nakakabata naming kapatid "Ate, Kuya ako nga po pala si Janine" pagpapakilala niya, naalala ko Half lang pala to kaya ganun ang pangalan. Kung magtataka kayo si mama at si papa ay parehas Korean pero dito kami ni Jeno pinanganak sa Pilipinas at natuto kaming magtagalog. "How old are you baby?" Tanong ko, si Jeno sobrang tahimik lang "7 years old po eh ate at kuya ano pong name niyo?" Tanong niya "Hindi ba sinabi sayo ni Papa?" Tanong ko sakanya "sabi po kasi ni papa kapag kinukwento niya kayo dadating daw po ang tamang panahon at malalaman ko names niyo." Sabi niya "Ah, Ang pangalan ko is Jisu at si kuya mo naman is Jeno." Sagot ko sakanya "Bakit po ang ikli ng names niyo may lahi po ba kayo?" Tanong niya aish hindi ba sinasabi ni papa na korean siya?! "Oo baby, Korean kami ni Kuya mo pero dito kami pinanganak at natuto kaming magtagalog yun nga lang lumipat na kami ni Kuya mo sa Korea nung iwan kami ni Papa." Sagot ko sakanya at mukha namang nagets na niya "Oy Jeno! Bat ang tahimik mo?" Tanong ko "nakakapanibago lang. Hindi ko rin inexpect na 7 years ild lang kapatid natin." Sabi niya "Ako nga rin eh." Sabi ko

"Mga anak kakain na." Pagtawag samin ni Papa at nakita ko naman sa kusina yung mama ni Janine, kung titingnan sila mukha silang happy family. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon eh. "So kayo pala yung kambal na anak ng papa niyo." Sabi ng mama ni Janine at tumingin samin alangan?! May iba pa bang asawa si Papa bukod sayo at kay mama ha?! "Alam niyo palagi kayong kinukwento ng papa niyo saming dalawa ni Janine, at tama nga ang hula niya malalaki na kayo." Sabi niya at ngumiti lang ako "You can call me tita" sabi ni Tita at tumango lang kami. Kumain kami ng tahimik hindi ako sanay na ganito ang atmosphere kasi naman diba?! Kami lang ni Jeno palagi ang nasa bahay tapos kung kakain kami mag iingay kami hanggang sa matapos ang pagkain. "Bakit ang tahimik niyo?" Tanong ni Papa "Hindi lang po kami sanay." Sabay na sagot namin ni Jeno "aish sige magtatanong nalang ako sa inyong dalawa para naman maging close na tayo." Sabi ni Tita at tumango lang kami bilang pag sang ayon. "Grade ano na kayo?" Tanong ni Tita "Senior Highschool po" sagot ni Jeno. "Sino ang mga kasama niyo sa bahay? Balita ko kasi nag tatrabaho ang mama niyo." Tanong ulit ni tita, opo nag tatrabaho nga si mama pero kahit kailan ata hindi niya kami kinamusta or kung ano man. "Kami lang pong dalawa sa bahay. Pag po walang pasok pumupunta po ang mga kaibigan namin sa bahay namin, tutal mag kakapitbahay lang po kami." Sagot ko naman "Wow fluent kayong magtagalog ha?" Sabi ni Tita "Ah opo, 5 years po kasi kaming nag stay dito and lumipat na kami sa Korea, tapos ang school naman po namin dun is International school which is pipili ka ng isang language na gusto mong matutunan and pinili po namin ni Jeno is Tagalog kasi yung mga kaibigan niya po ay Tagalog din ang kinuha." Mahabang paliwanag ko. "Paano kayo nabubuhay ng kayo lang dalawa, wala ba kayong guardian or ano?" Tanong ulit ni Tita si Papa ayun naghuhugas at pinapatulog na si Janine "Meron po kaming guardian yung Tita po namin pero hindi po namin kasama sa bahay, binibigyan lang po niya kami ng monthly allowance. Atsaka hindi naman po masyadong mahirap kasi si Jeno ay member ng isang Grupo sa Korea na hinahandle po ng isang sikat na entertainment." Paliwanag ko uli "So kamusta naman ang buhay niyo?" Tanong ni Tita, tbh guys andami na niyang tanong gusto kong sapakin si Jeno para siya naman ang sumagot pero nakakahiya. "Ayus lang po kahit maraming pinagdaanan." Sagot ni Jeno ayun naman sumagot din "what do you mean pinagdaanan?" Tanong niya "Kasi po si Jisu naaksidente dahil sinagasaan po siya ng schoolmate namin because of Insecurity pagkatapos po nun yun naman pong isa naming kaibigan ang sinaktan niya nag aagaw buhay na po pero sa kabutihang palad may nag donate sa kanya ng puso." Sabi ni Jeno mukha namang nahalata na ni Tita na inaantok kami kaya pinaakyat na kami. Buti nalang at dalawa ang kama dito waw at tsaka chinat ko na ang Dreamies at si Jiyeon

[COMPLETED] Wishing Well || Na Jaemin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon