Kabanata 9

38 9 0
                                    

Kabanata 9

Home

Tunog ng alarm clock ang gumising sa akin kinabukasan. The moment I yawn, I already felt someone's presence in the room, with me. I felt someone, looking at me.

Napalingon ako sa pinto ng teresa at nakita ko ang bulto ng isang pamilyar na lalaki. Nakasilip ito sa labas pero agad ring lumingon sa akin.

Nahigit ko ang hininga ko ng nakangiti itong lumapit sa akin. He kissed me on the top of my head.

"Good morning miss!" ani Sandro, nakangisi. Namilog ang mata ko at napaawang ang labi sa gulat.

What the heck?! Anong ginagawa niya dito?

Naguguluhan ko siyang tinignan nang umupo siya sa dulong bahagi ng kama ko. His hair is still a bit damp but pushed back. Isang puting v neck shirt at faded jeans lang ang suot na pinaresan ng leather boots. Hinawak-hawakan niya ang army dog tag na nakasabit sa leeg bago nagtaas ng kilay sa akin.

I swallowed a lump. "H-how come?" bakas pa rin ang kalituhan sa aking mukha.

Akala ko talaga panaginip lang! Paano? Bakit?

I think he finally had a glimpse on what I was thinking when he stared at me for a moment. Tinging tila nananantiya.

He dramatically inhaled like he was shocked. "Sa tingin mo ba lahat ng 'to, simula kagabi ay panaginip lang?" humawak ito sa bandang dibdib niya at ngumuso. "Ouch."

Kunot noo pa din akong nakatingin sa kaniya tila hindi pa nagsisink in sa akin lahat.

Kakagising ko lang tapos nakita ko siya dito sa loob ng kwarto ko... kakagising ko lang... Shit!

Binato ko siya ng unan at nagtatakbo. Nadinig ko pa ang pag alingawngaw ng halakhak niya sa kabuuan ng aking kwarto bago ako tuluyang makapasok sa cr.

Kakagising ko lang! I'm sure my hair looks like a bird nest and I'm sure I look awful!

Naghilamos ako at nagtoothbrush. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago tuluyang lumabas. Nadatnan ko naman siyang may pinupulot kaya agad akong lumapit sa likuran niya para tignan 'yon.

Nang tumayo siya ng maayos ay atsaka ko lang nakita ang strap ng bra ko na nakasabit sa daliri niya. He eyed me innocently. Bumaba ang tingin nito sa dibdib ko.

"You perv!" sigaw ko at inagaw sa kaniya iyon. Pinamulahan ako nang lumitaw ang isang pamilyar na ngisi sa labi niya. Dinilaan niya ang paibabang labi bago muling humalakhak.

Asshole!

"Ano bang ginagawa mo dito?" iritado kong sabi at lumapit sa kama para tignan ang post it note galing kay mama na nakadikit sa lampshade na katabi ng kama ko.

'May pupuntahan lang kami ng papa mo. Eat your breakfast."

Napabuntong hininga ako bago muling nilingon si Sandro na nakahilig na ngayon sa pintuan ng teresa ko at nakatingin sa akin.

"Mali ka ng bahay na pinasok," he looked at me with amusement in his eyes.

Abot abot tahip ang pagkalabog ng dibdib ko sa kaba. Ano ang maaring dahilan para dayuhin niya ako rito?

"I already told you that I'll make it up to you," nagtaas baba pa ang kilay niya ng sabihin iyon.

I crossed my arms over my chest. "You don't have to."

"You don't need to do anything. Wala namang nakakaalam ng ginawa ko, even your cousins. You don't have to say you like me. You don't have to reciprocate what I'm feeling just because you feel sorry for me."

Stuck Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon