Mayumi's POV
Kumakain ako ng biniling grapes ni Charles habang nanunuod lang sa paligid sa labas ng bahay nang lumabas siya.
"Saan ka pupunta?"
"Are you my mom?"
Pilosopo niyang tanong kaya naman binato ko siya ng isang pirasong grapes na naiwasan niya naman.
"I'm your manager."
"Isa ah."
Pagbabanta niya.
"Saan ka nga kasi pupunta?"
Palagi nalang kailangan ulitin kapag tinatanong siya.
"Basta nga."
Sagot nita at tuluyan nang lumabas.
Nagmamadali naman akong pumasok sa loob ng kwarto para kumuha ng jacket pagkatapos ay sumunod sa kaniya.
"Where are you going?"
Charles asked.
"Basta rin."
"You're annoying."
Pumasok siya sa loob ng kotse at syempre sumunod pa rin ako.
"Your seatbelt."
Pagpapaalala niya.
Nang mapansin niyang naisuot ko na ay nagmaneho na siya paalis hanggang sa makarating kami sa tapat ng convenience store nila Renzo.
"Bakit tayo nandito?"
Tanong ko habang sumisilip sa labas mula sa bintana ng kotse.
"Kakain lang naman kasi ako. Sunod ka kasi ng sunod."
"Kung sinabi mo sana kung saan ka pupunta kanina."
Parang kasalanan ko pa.
Ginagawa ko lang naman 'yong trabaho ko. Bilin kasi sa akin ni Jolo na 'wag hahayaang lumabas si Charles mag-isa.
He's like a kid.
Bumaba ako ng kotse at sakto naman ang paglabas ni Renzo mula sa convenience store.
"Oh? Yumi."
Pagbati sa akin ni Renzo.
Sumunod na bumaba si Charles na mayroon nang suot na face mask kaya hinatak ko muna si Renzo sa may hindi kalayuan.
"Renzo, mag-reresign na muna ako kasi..."
"No worries. I already know the answer why. Isa ka nang manager ng isang sikat na artista kaya hindi mo na kailangan pang magpaliwanag sa akin."
Pagputol niya sa sinasabi ko.
Renzo doesnt exactly know kung ano talaga 'yong sa aming dalawa ni Charles. He only knows what most people knows.
"Thank you."
I smiled.
"Just don't fall in love with him."
"What? Baliw ka ba?"
"Did you guys kiss already?"
Halos mabulunan ako sa sarili kong laway sa tanong ni Renzo.
"You guys had."
Pagtango niya sabay buntong hininga.
Hindi pa nga ako sumasagot.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With Mr. Celebrity [ COMPLETED]
Teen FictionMayumi is a simple girl who always finds positivity in her negative life. What if makilala nya si Mr. Celebrity na full naman ng negativity sa life? They say that when a positive and negative charge touches each other, it creates a short circuit, a...