Kabanata 12
Regret
Uuwi si daddy bukas. His plane will land tomorrow morning. He called via the home telephone at ako ang nakasagot noon.
“I will not take long though. Babalik ako agad-agad, I just have something important to do. Tell your mom. And Makki,” daddy said on the other line.
Hindi ko mapigilan ang iritasyon. Hindi pa nga siya nakakabalik dito ay kaagad siyang nagpapaalam na aalis? Kinalma ko ang isip ko at sinubukang umintindi, tutal ay palagi ko naman iyon ginagawa.
“Okay, po.”
“Sige. I’ll hang up now. I have to settle something here before my flight.”
“Okay, po. Bye, dad.”
Naputol na ang linya. I sighed heavily before putting it back on the receiver.
Pupunta ako ng ospital ngayon to have the stitches on my arm removed. The doctor said that maybe after two to three weeks, pwede na kaya ganoon ang gagawin ko ngayon. Gustuhin ko mang isama si mama ay hinayaan ko siyang magpahinga sa bahay ngayon at hindi na siya papagurin pa para sa araw na ito. Lately kasi I’ve noticed na masyadong marami na siyang ginagawa sa bahay, kahit hindi na kailangan. Noon ay ganoon na talaga siya pero iba sa nakikita ko ngayon. It’s as if she is just making herself work a lot just so her mind would be busy. Nag-aalala na ako.
May mga bodyguards na sinundan ako papunta sa ospital. Hindi ko sila nakikita pero alam ko ay nasa paligid lang sila. It reminded me of a time during my first weeks here in Manila, daddy assigned bodyguards for me pero sinabi kong hindi ako komportable kaya kalaunan ay pinatigil sila ni daddy. Ngayon naman ay iba na. Mas komportable ako kapag alam kong nariyan sila.
When everything’s done, lumabas na ako ng silid ng ospital kung saan ko kinita ang aking doktor. Some doctors and nurses are greeting me while I was walking along the corridor of the hospital.
“Good day, Miss,” a man in his lab gown greeted me.
Ngumiti ako sa kanya. Napatigil ako sa paghakbang nang napagtantong medyo pamilyar ang mukha ng lalaking iyon. Binaling ko ang tingin kung saan dumiretso ang doktor at sinundan ito.
“Excuse me?”
He faced me and right then and there nalaman ko na kung saan ko siya nakita! Hindi ako pwedeng magkamali. It’s still just months after all.
It’s Basty’s doctor way back! Dr. Ysmael! But this is not the hospital where Basty is admitted back then kaya bakit siya naririto?
“Miss, ayos ka lang?” Nagtagal ata ang tingin ko sa kanya dahilan ng pagtanong niya noon.
He doesn’t remember me. Well, hindi na iyon nakakagulat. I am not one his patients, and given the nature of his work, marami siyang nakakasalamuha and I don’t expect him to remember each one. Napatingin ako sa kanyang name plate at nakumpirma kong siya nga ito. Walang duda.
“Sorry. I don’t know if you’ll remember. May kakilala kasi akong naging pasyente mo. He’s a comatosed patient.”
Tinagilid niya ang kanyang ulo at tinuwid ang pagtayo. I sensed that he’s trying to recall. Ilang sandaling pagtitig sa akin ay tumaas ang kanyang kilay. There was something about his reaction pero baka guni-guni ko lang iyon.
“Ah! Guevarra…” he trailed off.
Ngumiti ako ng malapad at tumango sa kanya.
Tumikhim siya at hilaw na ngumisi. “Anyway, it was nice seeing you again, Miss. Mauuna na ako.”
BINABASA MO ANG
Playful Melodies Book 2: Precious Miracles
RomanceJust as soon as Macy and Basty are starting to write their ending, unexpected things are also starting to hinder their happily ever after. Akala nila'y tapos na ang mga problema, tanggap na si Macy ng pamilya ni Basty, unti-unti ay natatanggap na ng...