Isa nanamang araw ang lumipas, sabay sabay na nag lalakad ang mga host ng It's Showtime pabalik ng kanilang Lounge Area.
"Any updates?" tanong ni Anne na mula sa ngiti kanina ngayo'y tila ninenerbyos naman.
"Oy anyare ngangabu?" tanong naman ni Vice na nagtataka sa mga reaksyon ng tao sa paligid nya.
"Hindi nya pa alam?" bulong ni Tiyang Amy kay Billy.
Lalo namang ikinabahala at medyo ikinainis ni Vice ang nakikita nyang reaksyon ng mga kaibigan.
"Napaka nyo talaga." medyo pikon ng sabi ni Vice.
"Karylle is missing." malumanay na sabi ni Billy sa kaibigan.
"Hahaha, galing mo mag joke bestie, nagpaalam sakin eh may aasikasuhin lang sya eto naman." natatawang sabi ni Vice na may halong kaba.
"No Vice, wala talaga sya. Pinalabas lang nila Ms. Zsazsa na may important matter sya abroad pero hindi talaga namin alam kung nasaan sya." naiiyak ng sabi ni Anne.
"Hindi... bakit wala kayong ginagawa???" sa tono pa lamang ng pananalita ni Vice ay tila galit na galit na ito.
"Because it's what she wanted." pagsingit ni Tiyang Amy.
"Ano? Ano bang alam nyo na di ko alam?" naguguluhang tanong ni Vice.
Nagkatinginan naman ang ibang host na tila may isang bagay na pareparehas na naiisip.
"Just wait Vicey, wait for her." sabi ni Anne saka pinat ang balikat ni Vice.
Sa sobrang pagkapikon ay napa walk out nalang si Vice at nagmamadaling nagalakad patungo sa kanyang sasakyan. Habang naglalakad ay paulit ulit na dina-dial number ni Karylle ngunit walang sagot na natanggap ang binata. Buong biyahe ay walang humpay na pag message at pag dial ang ginawa ni Vice kahit na ba sya ay nagmamaneho. Gusto nyang malaman kung bakit sya ginaganito ni Karylle. Kung ano bang kasalanan nya at tila ayaw ipaalam ni Karylle kung nasan man sya at kung anong nangyayari. Pagdating ng bahay ay dirediretso syang naglakad patungo sa pintuan ng matagpuan ang isang kulay lilang basket na may nakalagay na pangalan nya. Bawat stroke ng sulat ay alam nya na kung kanino ito nanggaling kaya agad agad niya itong binitbit at umakyat sa kanyang kuwarto. Pagkarating at agad nya itong inilapag sa kanyang study table at binuksan. Cassettes. Labing apat na cassette ang laman ng basket at iba pang gamit. May iba ng kabog sa dibdib ni Vice kaya agad agad nyang hinanap ang kanyang lumang cassette player. Nagulo nya ang mga gamit sa kwarto pati na rin sa iba pa. Buti na lamang ay naroon ang kanyang ina.
"Nay may cassette player ka ba dyan? o kahit anong nagpeplay ng cassette?" ngkukumahog na tanong ni Vice.
"Meron 'toy tinabi ko sa bodega, teka bakit ba hapong hapo ka?" tanong ng ina nito.
"next time na nay may kailangan lang ako gawin salamat!" halos pasigaw ng sabi ni Vice dahil kasalukuyan syang tumatakbo at kinuha ang aparato sa bodega.
Pagkabalik sa kwarto ay agad nyang kinuha ang cassete na may nakasulat na "1" sa harap. Unti unti na itong gumana at halos takasan ng hininga si Vice sa narinig nya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Hi, this is Ana. Ana Karylle... where would you think I can be and am I still alive by the time you're hearing this?"
"Ano to karylle?" kinakabang sabi ni Vice at napakapit lalo sa headphones na suot at napapakit saka napahinga ng malaki.
YOU ARE READING
14 Reasons Why // Vicerylle
General Fiction(a 13 reasons why inspired vicerylle fanfiction minus the suicide story.) what might happen when a girl who was once the crowd favorite suddenly disappeared? tapes are the answer. and you might be one of the reasons. #14RWVK