Prologue

1 0 0
                                    



This is just a imaginary fictitious story of the author. Any resemblances such as names, places, events may happen coincidentally. I really do apologize to those living and dead.

Started: April 2018

💜


"Sigurado kana bang aalis ka?"

My heart fluttered

"Yeah as if I have other choice" As if pipigilan mo ako. Natatawa kong sabi at sinusundan niya lang ako habang gumagalaw na ang pila.

"Okay. I will miss you. Talk to me asap when you get there ha" Sabi niya na malungkot ang mata pero pinipilit maging masaya ang tono niya. It's already my turned at binalingan ko siya, nakatingin naman ang mga flight attendants sa amin.

"I will miss you too. Goodbye for now, Joshua" I smiled at him at kaagad niya akong niyakap ng sobrang higpit. Napaka higpit na akala' mo di na talaga kami magkikita. Ako na ang humiwalay sa kanya at binigay ko na ang boarding pass ko sa flight attendant.

I looked at him one last time and we just smiled to each other at pumasok na ako. Bakit di niya ako mapigilan? Huhuhu

At dahil ako na nga ang last sa pila, wala nang balikan 'to tumingin ako sa vent then the attendants are slowly closing the door habang nakatingin pa din kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon o ano pero he mouthed "I love you" then he turned his back at me.

Nanlaki ang mga mata ko at kaagad kong tinakbo ang pintuan pero pinigilan na ako ng mga flight attendant.

"Ma'am we're so sorry. Aalis na po ang plane" Sabi ng isang babaeng flight attendant at tinitignan nila ako nang may-awa. Dammit!

"Don't look at me with pity" I coldly said to them at tinalikuran ko na sila. A tear escaped from my eyes kaya naman kaagad akong tumingin sa taas para mapigilan ko ang luha ko. Someone helped me on my luggage dahil nanghihina kong pilit linalagay sa compartment eh napakalaki pa naman ng maleta ko.

That was Joshua. Joshua Laurel. My not labeled relationship. I started to lie my attention to him when we were Grade 4. Ewan ko pero ang cute niya sa mga panahon na iyon.

"Samba, look at this oh. Ang cute ng ----" Hindi ko pinapansin si Faith dahil nakatuon ang atensyon ko sa lalaking nasa harapan ko. He was sleeping peacefully habang may pa group activity ang guro namin at hindi siya tumutulong dahil natutulog lang siya. At hindi naman ako nakikinig dahil ayaw ko sa guro na ito.

Then suddenly he jolted from his seat at tumingin sa paligid, kaagad naman akong nakipag-usap kay Faith. Siguro naramdaman niya na may nakatingin sa kanya. Later that afternoon, naghihintay lang ako sa sundo ko dahil ang tagal eh. Magdidilim na pero wala pa din, samantalang alas 3 ang labas namin.

"Tumawag kana ba sa office, ija?" Tanong ng isang bantay sa canteen na ngayon ay nagtatapon ng basura.

"Opo" Sagot ko sa kanya at tumango lang siya. Linalamok na ako dito sa bench kahihintay at wala pa din ang sundo ko, hindi nag tagal nakarinig naman ako ng sigaw sa di kalayuan.

"Araaaaaay!!!" Sigaw nito

I left my things at the bench at narinig kong nagmumula ito sa mini park ng school. Kaya pinuntahan ko ito at nakita ko si Joshua. Oh my!!! Kaagad akong tumakbo sa kanya dahil nakasandal siya sa puno at iniinda ang sugat sa tuhod niya. Nang makita ko ang dugo ay napaatras naman ako.

I'm scared of blood! Kahit nga red colors ay natatakot na ako eh

"J-josh? Are you okay?" Tanong ko at parang iiyak na siya and I saw blood dripping on the floor kaagad ko namang iniwas ang tingin ko doon, at sa mukha niya lang ako naka tingin.

AffinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon