Chapter 5: Truth or Dare | Kate

12 0 0
                                    




-

"Oh! Next movie na! Ano maganda, Kate?" Tanong sa akin ni Samantha.

"Huy, Kate." Siko naman sa akin ni Pat.

"Kate ano sasapakin kita o sasagot ka?" Takot ni Chantal. Sapakan pa kami. HAHAHA.

"Kanina ka pa tulala, para kang ewan dyan. 1 hr ka na atang naka-titig sa cellphone mo." Reklamo sa akin ni Cyril.

Ha? Kanina pa ako nakatitig?

"Alam nyo? Mag laro nalang tayo ng Truth or Dare!" Suhestyon naman ni Patricia.

"Buti naman may naisip kang matino, Patricia Alexis." Pa-ismid kong sagot sa suhestyon nya.

"K. Lampake." Habang binebelat ako. Parang shunga lang.


"Oy nasaan na yung bote? Paikutin nyo na!" Excited na sabi ni Sam na parang bata.

"Oh! Ayan. Kakamadali mo. Tumapat pa sayo yung bote." Natatawang turo ni Pat kay Sam ang bote, na ngayon ay naka-tutok sa akin.

"Hmp! Dinadaya nyo ako eh. Pero sige, truth." Iritang sabi nya.

"Kayo na ba ni S—" Pinutol ko agad ang sasabihan ni Pat at tinanong agad si Sam.

"Bakit ito yung naisip nyong deal na ibigay sa akin?" Seryoso kong sabi kaya't natigil ang tawanan at asaran nila.

"Kasi, pag natalo ka dito at na-fall kayong dalawa sa isa't isa, okay na yun. Pag nanalo ka naman, madami kang makukuha so this is a win-win situation. Think about, girl." Sagot ni Sam at kumindat pa ang gaga sakin.

"Jusko. Hindi ko naman nga kasi gusto si Rain! Kulit ng lahi nyo!" Depensa ko sa sarili ko.

"Sure, Kathryn. Whatever makes you sleep at night." Sabi ni Cyril at nag roll eyes pa. Luh.

"Oh! Sino na!" Masiglang tanong ni Chantal sa amin at pinaikot ang bote.

Na, sa kasamaang palad, ay natapat sa akin. Great. Just great.

"Sooo, is it a Truth? Or is it a dare?" Taas kilay na tanong sa akin ni Pat.


"Sige, truth nalang." Matamlay kong sagot.

"Are you ready for this deal? 2 months lang yung ibibigay namin sayo."

"Ready nga ba ako? Ewan ko. Di ko alam."

"Ay ang gandang sagot, gaga." Iritadong sagot sa akin ni Pat.

"Alam nyo, matulog na tayo. Alas tres na oh. May pasok pa bukas. Ayoko na mag skip."

Hala. Shiz. Oo nga, alas tres na. Ang tagal din pala namin nanonood ng movie. Kahit walang kwenta. HAHA.

Humiga na kami sa kanya kanya naming kama at nag good night sa isa't isa at pinatay na rin ni Pat ang ilaw.

Yep, you heard it right. Meron ditong kwarto sa mansion na exclusively pinagawa para sa sleepovers and study sessions. Merong limang kama dito, 55' inch LED TV, complete sound system kung gusto naming makinig ng relaxing music. Soundproof din itong kwarto at nasa pinaka taas ng bahay. Kaya pwede mong i-open yung kisame para makita yung stars.

Yep, ganun kami kayaman.

——————————————

Time check: 6:34 AM

*Riiiiing Riiiiing*

Nagising ako sa araw na tumama sa mukha ko dahil binuksan pala ang roof ng kwarto kagabi kaya naman kitang kita mo ang ulap at araw.

Jusko. Ang init.

Bumangon na ako para isara ang roof dahil mainit nga, at kailangan na naming mag ready para pumasok.

Bumaba na ako sa kwarto ko para kumuha ng damit kahit na may tig-iisang walk-in closet kami dito.

Nag pahanda na rin ako ng breakfast in 15 minutes para makakain kami.


Pumasok na ako sa walk-in closet ko para mag halungkat ng pwedeng masuot na damit sa school.

Di naman kasi kami nag susuot ng uniform dun kaya okay lang kahit swimsuit pa ang suotin mo.


Sa kabutihang palad, naka hanap naman ako ng susuotin ngayon.


Isang yellow dress at nude heels lang ang pinili ko ngayon. Simple is sexy ika nga.


Dumiretso na ako sa banyo para maligo at mag ayos ng sarili dahil mala-late na naman kami.

Hay, what's new?


Pagkalabas ko ng kwarto na naka bihis na, nakita ko sina Pat, Sam, Cy, at Chan na naka upo na sa Dining Room.

Bumaba na ako para kumain dahil mala-late na talaga kami. 7:15 kasi ang pasok sa SH pag umaga, 1:30 naman pag hapon.


"Oh, tara na. Tapos na ba kayo?" Tanong ko sa kanila pag katapos kong kumain.

"Yep, tapos na kami. Tara na?" Sagot naman ni Chantal.

"Yah, tara na. Ayoko ulit ma-late." Anunsyo naman ni Cyril at kinuha na ang bag nya.

"Ano? Let's go?" Tumayo na ako at kinuha na rin ang
bag ko at lumabas na.


Nakarating na kami sa parking lot at nag park sa spcae ng sasakyan ko na hindi pwedeng pag parking-an ng ibang sasakyan.


Pumasok na kami sa gate ng SH at dumiretso sa kanya kanyang klase.


T'was a long day ahead of us.


*Riiiiiiiiing Riiiiiiiiing*

Bell na pala, di ko namalayan.

Tumambay lang naman kami sa cafeteria kalahating araw.


Ganun kami katamad. Tumambay lang kami sa cafeteria pagkatapos ng lunch break tapos di na bumalik sa klase.

Pero, matalino kami at Dean's Lister. Kahit di halata.

Lumabas na kami ng SH at niyaya ko na sina Pat, Sam, Cyril, at Chantal na uminom at kumain muna sa Starbucks na pinaka malapit sa school.


Nag drive na kami dun at sakto namang bakante ang paborito naming pwesto. Umorder na si Sam ng inumin at kakainin namin dun habang kami ay nag dadaldalan nang mabanggit ni Patricia ang debut ni Dream.

Lol. As if I care.

"Hoy, invited tayo sa debut ni Dream, ito yung invitation oh. Sa ating lima daw."

Kinuha ko naman ang invitation at binasa ang nakasulat doon.

" Dream Alcantara @ 18 "

What: Dream Alcantara's Debut
Where: Amityville Subdivision, Alcantara Residences
When: February 17, 2019, 6PM.
Theme: Mascarade Ball 🎭
Dress Code: Formal (Gowns and Tuxedos)

Note: Bring a mask, let no one know about your name.

Ahh, Mascarade ang theme. This will be so exciting.

"So? Pupunta ba tayo?" Tanong sa akin ni Pat.

"Yes, yes. We're going. I'll call the designers later for our outfits and masks. Worry no more girls."

Then, I smirked mischeviously.


/ Author's Note /

Sorry, lame update. La pumapasok sa isip ko. Updates will be released on Mon, Wed, and Fri. I'll really try my best to update dahil may pasok na. Thankyou! 🍀💖

Sweet Revelations [ ON-HIATUS ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon