Magpapasko na. Parang kailan lang, kasama ko pa magsimbang gabi si Romulo. Ilang buwan na din ang nakalipas, natanggap ko na nga ba ang nangyari samin ni Romulo?
Wala akong ginawa kung hindi ang maginom at makipagtext sa iba para makalimot sa kinahantungan ng relasyon namin.
"Goodmorning ney!"
Text ni Enan.
Sa totoo lang hindi ko talaga gusto si Enan, siguro para lang makalimot kay Romulo kinailangan ko siya. Minsan naiisip ko, tama ba ang makipaglandian sa iba kapag nasaktan ka?
Di ko nireplyan si Enan. May kaya sila sa buhay. Di ko din iniisip na seryoso siya sakin. Kami pero wala pa din siyang dating sakin. Oo nagkikita kami at kumakain sa labas. Pero hinahanap hanap ko pa din yung simpleng surpresa sakin ni Romulo. Yung kahit wala siyang pera nagagawa niya akong mapasaya sa simpleng bagay. HAAAAYYYY
Alam ko namang mali na gawin siyang panakip butas. Pero yun talaga ang kailangan ko para makalimot sa sakit at pagsisisi.
Maya maya. Kriiiing Kriiiiing!
"Oh?" bungad ko kay Enan
"Gising ka na pala ney. Di ka man lang nagtext?" sagot niyang may pagtatampo
"Sorry ney, wala na ako load eh."
"Ganun ba? Wait."
Bigla niyang binaba ang phone.
Maya maya may dumating sakin na load. 100.
"Ney natanggap mo ba? Unlicall na ako, kaya magunlitext ka nalang."
"Ah sige. Kakaunli ko lang. Salamat sa load." malamig kong sagot
"Galit ka ba ney? Sorry kung niloadan kita. Di ko naman kasi matiis na hindi ka katext.''
"Di ako galit ney." reply ko
Kahit kasi nageeffort siyang tawagan o loadan ako, kilala ko pa din ang ugali niya. Babaero kasi nga may kaya sa buhay. Kaya ginawa ko nadin siyang panakip butas para kung lokohin niya ako ay hindi masakit kasi naglolokohan lang kami.
Inulit ko lang din ang ginawa ko kay Romulo dati, hindi ko sinasabi kay Enan pag may lakad kaming barakada. Hindi ko siya sinasama. Kapag nalaman niya na hindi ko siya sinabihan ay magtatampo, pero mawawala din agad. Ako pa ang nagagalit at siya pa ang nanunuyo. Pero hindi ko pa din nakikita ang effort niya. Wala akong tiwala sa pagkababaero niya. Kaya sige tuloy ang lokohan.
"Magandang gabi po tita. Maligayang pasko po."
Dumating si Enan sa bahay. May dalang cake at kung anu ano pa.
Pinapasok siya ni Mommy.
"Anaaaak! May manliligaw ka" sigaw ni mommy
"Ha?! Sino?" gulat kong sagot
Lumabas ako ng kwarto.
"Oh? Gawa mo dito?" bungad ko kay Enan
"Sinurprise kita ney.Merry Christmas!" lambing niya
"Ah oo, merry christmas din ney." sagot ko.
Hinila ako ni mommy at bumulong.
"Bakit ngayon ko lang nakita bowa mo na pala?!" echuserang tanong ni Mommy
"Anlaaa. Di ko nga pinapakilala at di naman yan seryoso saken." maktol kong sagot
"Hindi seryoso, Tignan mo eng effort nyan! Hindi yan haharap sa pamilya naten kung hindi yan seryoso."
"Basta ma. Alam kong ginagawa ko." sagot ko
"Oo alam ko din pinaggagagawa mo. Ginawa mo yang panakip butas para makalimutan si Romulo."
"SSSSHHHH! Ma tama na. baka marinig tayo."
"Ayuuuun. Lumabas din ang totoo!"
NEBEYEN di ako makapaglihim kay mommy. Alam na alam niya nasa isip ko. HAHAHAHA -_-
BINABASA MO ANG
Buhay Ng Matinong Bata (ongoing)
RomanceBuhay barkada, buhay kasama ang pamilya, buhay sa paaralan, buhay kasama ang panginoon at ang buhay pagibig :") #SHORTSTORY