Chapter 20 - Where are you now?
After lunch.
Andito na naman ako ngayon sa flower garden ng school. Naghihintay sa aking prince charming.
Habang naghihintay, i dialled Flexi's number.
*ring
"Hello, Flex. Baka hanapin niyo ako, I'm just here sa flower garden."
"Ok Yans. By the way, hinahanap ka ng president ng Music niyo. May meeting daw kayo para for this coming Christmas sa Music building mamayang 5pm. Afterclass."
"Roger that. Bye"
We hang up the phone.
Almost 3 hours na akong naghihintay dito pero wala pa rin si Clinton.
Ano kayang nangyari dun? Hindi na rin ako pumasok sa mga classes ko. Sumapit na ang 5pm kaya nagpasya akong umalis na ng garden.
Halata sa mukha ko ang lungkot nang umattend ako sa meeting ng Music club.
Tinalakay namin ang buwis buhay na mga performances raw for our Christmas show.
Binigay nila sa akin ang isa sa mga mahalagang part ng show. Magsosolo daw ako. Piliin ko raw yung love song na tatagos sa mga puso ng mga manunuod. chox!
After the meeting, umuwi na kaming lahat.
Nadaanan ko ang park. Nilibot ko ito upang hanapin si Clinton baka sakaling nandito pala siya.
pero bigo pa rin ako. Ano kayang nangyari sa boyfriend ko?
---
Chapter 21 - Gone too soon.
One week had passed nang hindi ko pa rin siya nakikita.
"Yana gusto mong sumama? Manunuod kami ng sine kasama ang mga kaklase natin." tanong ni Arriana
"Kayo nalang siguro. Magpapractice pa ako for our Christmas show eh."
"Ano nga palang kakantahin mo my dear bestfriend?" - Dianne
"Falling. By Six Part Invention ang kakantahin ko." napasmile ako nang maalala ang song na kakantahin ko.
Naalala ko si MB, my Clinton, my love. Para sa kanya ang kantang yun. Sana makita niya akong magperform habang kinakanta yun.
Nauna na akong umuwi sa kanila at dumeretso sa rooftop.
Doon na rin ako magpapractice.
I started playing my guitar and sang. Nung matapos ko ang unang chorus, may biglang nagsalita sa harapan ko.
"You really have a beautiful voice. But you are more beautiful than anything else."
Inangat ko ang ulo ko at umiyak. Tears of joy. He is back. My Mysterious boy is back. He is wearing the same outfit the last time I saw him.
"Saan ka ba galing ha?!Alam mo bang hindi na ako pumapasok sa mga klase ko kakahintay sayo? One week kang nawala. Pinag-alala mo ko alam mo ba yun?!"
Iyak lang ako ng iyak habang pinapagalitan siya. Mga 2 meters ang layo namin.
"Alam mo bang I always wanted to hug you everytime I see you crying? I always wanted to wipe those tears. Pero wala akong magawa kundi ang panoorin ka lang na
nasasaktan."
He seriously said. malungkot ang mga mata niya.
Lumapit siya sa akin. He tried to wipe my tears. Clinton. Bakit ba ganito ang sitwayson natin?
Andito ka naman sa harapan ko pero bakit parang we are hundred miles away? Para tayong nag sskype nito eh.
He started crying. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Pinunasan niya kaagad ito.
"So, how was those days na walang Clinton sa tabi mo?"
I laughed a little.
"It felt like hell! Ganun pala ang pakiramdam kapag bigla bigla ka na lang mawawala nang 'di nagpapaalam. Ang weird nuh?"
Umupo kami sa sofa bed. Then he held my hand.
"Yes. Weird talaga. Love is weird." Huminga siya ng malalim at tumingin sakin. "Ang daming definition ng love. But the best definition of it is consists of three
special letters. YOU." then he smiled.
Kapag si Clinton na ang nagsalita, humanda ka na. Baka bigla mo nalang makalimutan ang pangalan mo sa sobrang kasweetan niya.nyahahahah
"Pinawi mo agad ang lahat ng kalungkotan ko one week ago. Your words make my heart jump and beat faster."
"Yana," seryoso na naman siya. Change of mood again. "I want you to be strong always. Kahit mawala man ako, please don't rely on me. Continue your life."
"Baby naman." tumulo na naman ang mga luha ko sa tuwing iniisip ko na baka dumating ang araw na mawala siya sa tabi ko.
"I can't stay any longer Yana."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
he continued talking. "I was gone a week. Gone."
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. At kung iintindihin ko pa ito, baka mabaliw na ako!
"What do you mean?"
Tumayo siya.
"I think my body's getting tired. malapit nang bumigay ang katawan ko Yana. At 'pag nangyari yun," biglang bumuhos ang mga luha niya sa pisngi
"pag nangyari yun, you can't see me anymore. I'm sorry."
No. Hindi totoo ito. He is just kidding right? Hindi mangyayari ito diba? Bakit biglaan naman? Saan na ang happy ever after?
"No, Hindi mangyayari yun diba? You promised right? Sabi mo pipilitin mong mabuhay para sakin diba?! Na hindi mo ko iiwan! Bakit mo sinasabi sakin 'to?"
"Siguro nga promises are meant to be broken. Kahit na mawala ako, I am still thankful dahil mamatay akong sobrang saya. Dahil nakilala kita. You showed me what love
really is. You gave me days na kahit si Bill Gates cannot afford to pay. Yana, I LOVE YOU SO MUCH."
"I love you din Clinton. Please don't leave me." parang sampung litrong luha na ang nailabas ko sa kakaiyak.
"I can't stay any longer. Parang tinatawag na ako ni Bossing." he smiled habang tinuturo ang langit.
Lord, please hear my prayer. Huwag mong kunin si Clinton please. Selfish na kung selfish. But Lord, ayokong mawala siya.
Napansin kong parang unti unti na siyang nawawala. Yung sa mga movies na nadidisolved nalang ang kaluluwa.
"Pleaase Clinton, don't leave me. I need you. Don't do this to me."
"Kung totoo ang reencarnation, hahanapin kita ulit. I love you."
Those are his last words for me at nawala na siya.
I can't believe what had just happened. Panaginip. Tama. I am just dreaming, a nightmare. Bukas, magigising rin ako. At sa pag gising ko, siya na naman ang una kong
makikita.
----------------------------------------
A/N:
Ano na kayang mangyayari kay Yana ngayong wala na si Clinton? Oh no! Abangan ang last part ng "MY MYSTERIOUS BOY IS A GHOST???"
At abangan ang new story ko entitled, "A Playboy's Heartache"... soon
BINABASA MO ANG
My Mysterious Boy is a ghost!!!!
Fiksi RemajaWhat if you met a very mysterious guy? What if as time passes by, you are falling na pala? At paano nalang kung nalaman mong HE'S NOT HUMAN?! HE'S A GHOST! Kilalanin kung sino si mysterious boy slash ghost at kiligin sa mga di inaasahang mangyayari...