Hinaharap kung Kasintahan🌹

42 1 0
                                    

Hinaharap Kung
Kasintahan

Sisiguraduhin ko na ika'y
bibigyan ng oras at lagi kang papansinin
Ika'y pasasayahin,
Kailan'may di ka paluluhain.

ika'y lalambingin,
tuwing ma'y galit ka sakin,
ika'y aalagaan,
di ka pababayaan,
ipagmamalaki ka sa buong sambayanan o sa buong mundo man.

ipapakilala kita sa aking pamilya,
kung di ka papasa sakanila,
ipaglalaban kita.

Marami mang lumapit sakin,
Aking sasabihin na ma'y nagmamayari na saakin.

Kapag tayo'y may problema,
agad ko'tong aayusin,sapagka't ayaw kitang awayin at paiiyakin.

Pag tayo'y nasa tamang edad na.

ika'y pakakasalan sa Magandang Simabahan,maghahanap ng trabaho para sa ating kinabukasan.

Gagawan ka ng Kanta at mga nakakakilig na tula,
at dun ipapakita na ika'y mahal ko talaga.

ikaw lang ang aking prinsesa,
di maghahanap ng iba,
dahil ika'y sapat na.

Sana'y makita na kita.

-🌹

Poetry🌹→ »2k18«←Where stories live. Discover now