Panimula

49 2 0
                                    

Enrilia Koki Berry Hidaldalmo Pahama Caririño Denni Leche Montipaklong Enisabalde Alferez mas kilala sa pangalang Toyang na isang Bilyonaryo sa bansang Poland ang umuwi sa Pilipinas para hanapin ang kanyang mga anak na ibinilin sa kaibigan si Plasma Uy na isang retiradong guro. Nasa 45-years-old na si Toyang at wala pa ring asawa. Kaya gusto niyang makita ang tatlong anak na iniwanan para dalhin sa Poland.

Nang nasa Poland pa lang siya, maugong ang balita na baka makatulong ang Kapuso Mo Jessica Soho sa paghahanap niya sa kanyang mga anak at kay Plasma Uy na kaibigang guro. Kaya agad siyang nagpadala ng mensahe gamit ang Facebook at ipinasa niya ang litrato ng mga bata. Nananalangin na sana ay buhay pa ang mga ito at nasa mabuting kalagayan.

Nakatanggap ng positibong sagot si Toyang galing sa KMJS Team at sinabing tutulungan siyang mahanap ang mga anak.

Matuldukan na kaya ang mahigit dalawang dekadang pangungulila ni Toyang sa anak? O maho-hopia siya sa kanyang pagbabalik-bansa?

TOYANG (Side story)Where stories live. Discover now