#ALS

590 19 7
                                    


Love story?

Isang tanong ang halos pumipigil sa akin para sabihin ang "gusto ko nang umuwi". Kanina ko pa kasi iniisip 'yun sa school kung matatawag pa rin bang love story kung 'di sila magkakatuluyan? Kasi ibig sabihin 'nun walang love.

Hay naku!

**

Kaninang umaga pa lang ang nasa isip kona pagkapasok ay "Gusto ko nang umuwi!" At hanggang ngayon na nasa kalsada nako 'yun pa rin ang nasa isip ko. Hindi ko alam at ganoon ako kagustong makita ang bahay namin.

Kahit minsan para na rin akong stranger na kung maglakad sa amin.

"Ang dilim na!" Kani-kanina lang medyo kulay kahel pa ang kalangitan pero ngayon- itim na. At ang mga oras na 'yun ay naghihintay na ako ng masasakyang dyip.

Wala na siguro silang balak mamasada dahil sa pagwewelga nila. Ang resulta? Ito ako mag-isa sa napakalaking siyudad.

It's already 8 in the evening nang mapatingin ako sa orasan. Napagdesisyunan ko na munang maglakad-lakad. Nacharge siguro ako? Saan? Dahil sa buwan. I don't know why am I so active if it's evening. Nocturnal na siguro talaga ako.

Ang pawis na nag-umpisang tumulo sa mukha ko ang nagbigay senyas sa akin na itali ko na ang buhok ko. Masyadong mainit kahit gabi. Ang kulay ng buhok ko na hindi ko na maintindihan kung ano ang itatawag dahil parang nawawala na sa kulay ng rainbow ay bumababa na. Mahaba na uli ang buhok ko!

Kinuha ko ang pa iPhone ko at tinry kuhanan ang mga nakikita ko sa paligid. Medyo pa-photography kasi ako kahit ka shita-an lang minsan ang lalabas.

Post this on IG ko na screeshots.ni.rayne para coolz!

Wait a second then, boom! May mga comments na! Kapanibago pa rin na maging isang sikat este medyo kilala? Basta! Na author. Yung minsan mapapasabi ka nalang ng "shit ba't ganito itsura ko? Mukha kong tanga!" Sa tuwing lalabas ka at baka may makasalamuha kang wild na patatas. Wild potatoes!

Halos malaglag ang mata ko sa pagkakita ko ng isang maliit na foodcart sa tabi.

Potato Corner!

Paglapit ko, sakto lang na magsasara na sila. Buti na lang at hindi pa nila na reach ang kanilang quota!

Nagtataka si ateng dahil sa laki ng binili ko.

"Mauubos niyo po ba 'yan?" Isang malaking tanong niya.

"Kung bibigyan mo pa akong free kahit maliit lang, mauubos ko kasama 'yun!" tugon ko na ikinatawa niya.

"Ito na miss!" Ini-abot niya ang isang maliit na size ng fries.

"Free?"

"Para maubos na!" At napa ningning niya na namana ng katawang lupa ko. Kaya resulta- masaya ako sa paglalakad sa daan para makahanap ng mailap na dyip!

When I reached the another station, kung saan pumaparada ang mga dyip ay napa-upo na ako sa sakit ng paa. 12 na! Gusto ko nang matulog for Pete's sake!

Halos nagko-comment na lang ako sa ibang mga awesome readers ko na halos maging bukang bibig nalang ay "kailan ba ang update ng #uncnsrd?"

Medyo busy kasi talaga ako. Or busy ng konti pero pinalala ko lang talaga?

Isang tunog na kanina ko pa gustong marinig. Jusqo!

Halos mapatalon ako ng magsisigaw ako ng "Para! Sasakay ako!"

Huminto naman ito pero halos 'di talaga ako makapaniwala. Wala ng space! Pero sa kagustuhan kong umuwi, pumasok ako at pinagsiksikan ang sarili ko kahit masakit sa puwestong tinuro ni Manong drayber.

Almost A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon