WHAT I’VE BEEN LOOKING FOR
(ONE SHOT)
minsan may mga bagay tayo na hinahanap,
may mga bagay na gusto makita,
hinahanapan ng sagot,
ng impormasyon
kaya pinipilit natin maglakad palayo sa pinanggalingan natin
umaaasa na isang araw mabibigyan ng kalinawan lahat ng katanungan.
pero minsan hindi natin alam, na sa patuloy na paglayo
naiwan na pala natin yung kasagutan
***************
5, 4, 3, 2....
1..!!
sa wakas narinig na rin ni Daisy ang matagal niya ng inaantay. Ang pagring ng bell nila hudyat na tapos na ang klase. Nagmamadali siyang lumabas ng room nila hatak hatak ang kanyang kaibigan. “Abby bilis!!” di na nila inantay magpaalam yung prof sa klase at dire-diretso na silang nilagpasan ito. bahala na bukas sa klase nila. basta gusto niya na makita yung resulta.
“anu ba Daisy! Saglit lang, baka madapa ako” sigaw ni Abby sa kanya. Kahit kailan palagi na lang niya na lang hinahatak kahit saan ang kaibigan niyang si Abby. Palibhasa simula elementarya ay sila ng dalawa ang magkaibigan hanggang ngayong 2nd year college na sila hindi pa rin sila naghihiwalay kaya kahit pati sa kurso na pinili nila, parehas sila.
halos hingalin na siya sa pagmamadali na ginawa niya idagdag pa ang paghilang ginawa niya kay Abby. Ang dami ng estudyanteng tumitingin din sa resulta ng naganap na audition para sa Musical Play na gaganapin sa Department nila. laking pasalamat niya at sa ngayon iba na ang naisipang konsepto ng SC ng department nila para sa foundation week ng school.
“excuse me po”. Pinagsiksikan ni nila ang kanilang katawan sa umpok ng mga estudyante at pinilit makapunta sa pinakaharapan. Nakahinga siya ng maluwag ng nasa harap na sila ng bulletin board. Agad niyang hinanap ang pangalan niya sa mga nakadikit na papel. Kinakabahan siya kasi gustong gusto niya makapasa sa audition na to.
“Daisy!! Ito pangalan mo oh!! Nakapasok ka!!” Gulat na gulat na sabi ni Abby. Tinulungan din kasi siya ng kaibigan niyang hanpin ang pangalan niya para mas maging madali. Agad naman siyang pumunta sa pwesto ni Abby para makita ang sinasabi nito. “san??! Tingin nga!!!”
CRUZ, GENEVIEVE
CAMBA, MARIETTA
CAMPBELL DAISY ROSE
inisa-isa niya ang mga pangalan at ng nakita niya na sa wakas ang hinahanap niya. napayakap at napatili na lang silang parehas ni Abby “KIYAAAAAAAH!!” at nagtatalon sila na para bang sila lang ang taong dalawa doon basta para sa kanya dream come true ang mapabilang sa musical play she's been dying to have an opportunity like this. Hindi niya maexplain ang sayang nararamdaman niya ng makita niya ang pangalan niya. “ang galing, galing ko Abby!!!” maiyak-iyak na sabi niya sa kaibigan. Matagal niya na talagang gusto magperform sa stage.
“pre pasado ka oh..” Napalingon siya sa nagsalita na nagmula sa may gilid niya. Agad na nawala ang ngiting kanina lang meron siya. Kilala niya yung nagsalita, si Mico, kaso hindi dito nakatuon ang atensyon niya kundi sa lalakeng tinutukoy niyang pasado din sa Audition. Tinignan siya ni Jude, tinignan niya din ito na para bang nag-aalangan sila parehas kung magngingitian ba o hindi. Pero unti-unting ngumiti si Jude sa kanya na para bang nagsasabing masaya ito dahil nakapasa ang dalaga kaya binigyan niya din siya ng isang tipid na ngiti .
BINABASA MO ANG
WHAT I'VE BEEN LOOKING FOR (EDITED) (O.S)
Teen FictionMay mga bagay na hinahanap ang isang tao para mabuo niya ang mga bagay na kulang sa kanya. Kaso, hanggang kailan ka maghahanap? paano mo ba malalaman kung tapos ka na sa paghahanap? baka naman nalagpasan mo na yung hinahanap mo? o hindi mo talaga ma...