Sabi nila, sobrang simple ko daw. Simpleng babae. Simple manamit. Simple ang pamumuhay. Isabelle Cruz ang pangalan ko. Graduating student this academic year ng BS Tourism.
Marami akong nakakasalamuha araw-araw sa campus, sa lugar naming at lalo na tuwing may trip ang class namin. Hindi ako pala-kaibigan dail nahihiya ako. Sa ganda at gwapo ba naman ng mga classmates ko, mahihiya talaga ako sa kanila. Lagi lang akong nasa isang tabi.
Second sem na ng 4th year Tourism. Pumasok ako sa classroom. Nilibot ko ito sa pamamagitan ng aking mga mata. I saw familiar faces at may isang bago. Siguro nagtransfer siya. Damating na ang professor namin. Siyempre, sa likod ako umupo. Walang tumatabi sa akin doon gaya ng dati. Nagulat ako nang lumapit sa akin si Mr.Transferee.
“Miss, may nakaupo ba sa tabi mo?” tanong niya.
Umiling ako. Umupo na siya. Mabait naman pala siya. Tristan Arevalo ang pangalan niya. Masaya siyang kakwentuhan. Isang araw pa lang kami magkakilala peo halos alam ko na ang kalahati ng istorya ng buhay niya.
Simula noon ay naging matalik kaming magkaibigan. Siya ang nagturo sa akin magbike. Ang bait talaga niya. Minsan naman ay napunta siya sa amin para sabay daw kami gumawa ng homeworks and thesis.
Nagugulat na lang din ako kasi minsan, pagtingin ko sa upuan ko sa classroom may paper roses na galing kay Tristan. Ang sweet niya. Siya ang dahilan kung bakit lagi akong masaya.
Sa tingin ko, nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Sa paglipas ng araw ay mas lumalim ang nararamdaman ko at mas minamahal ko siya. Pero mukhang imposible na mahalin niya ako, is siya heartthrob at ako? Haay. Isang commoner lang at alam kong kaibigan lang ang turing niya sa akin.
Isang araw, habang nakaupo ako sa bench sa may canteen, lumapit si Tristan sakin at bigla niya akong tinanong.
“Mahal mo na ba ako Ms. Isabelle Cruz?”
Nagulat ako sa tanong niya. Namutla ako.
“Uy! Joke lang! Ngiti naman!” sabi niya.
Haay. Sasagot na sana ako ng “OO.” Siguro nga, hindi niya ako kayang mahalin at ito ang masakit na katotohanan para sakin.\Habang tumatagal ang pagkakibigan namin, mas nagiging sweet siya sakin at mas nai-inlove naman ako sa kanya. Hindi ko dapat maramdaman yon dahil hindi naman niya ako kayang mahalin.
Siguro, dapat ko na siyang iwasan. Tutal, ilang months na lang ay ggraduate na kami. Kailangan ko na siyang kalimutan kahit na napakasakit nito para sakin dahil mawawalan ako ng kaibigan at ng minamahal.
At iyon nga ang aking ginawa. Iniwasan ko ang tanging lalaking ngpatibok ng aking puso. Ang lalaking una at huli kong mamahalin.
Makalipas ang ilang araw ng pag-iwas ay di sinasadyang nagkasalubong kami. Dali-dali siyang lumapit sa’kin.
“Isabelle, anong problema? Bakit mo ko iniiwasan? May nagawa ba ako?” tanong niya sa akin.
Umiling ako at tumulo ang aking luha.
“Wag ka umiyak. Please. Bakit Isabelle? What’s wrong?”
Nagkaroon na ako ng boses para magsalita.
“Tama na Tristan! Ayaw ko na maging kaibigan mo dahil sa paglipas ng araw, nahuhulog ang loob ko sayo at alam kong hindi mo ko kayang mahalin. Masakit Tristan! Pero mas ayaw kong masaktan sa huli knowing that you can’t give back all the love that I’m giving you!”
Di na nakayanan ng puso ko ang bigat na aking nararamdam. Tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Nakita ko si Tristan na umiiyak din. Tumakbo na ako palis. Narinig kong tinatawag ni Tristan ang pangalan ko. Wari’y nabingi ako ng panahong iyon. Tumakbo ako palayo na parang walang nariinig.
Hindi pumasok si Tristan ng ilang araw at kung pumasok man siya ay di kami nagkikita dahil nag-swap ako ng section sa mga classes kung saan classmate ko siya.
Dumating ang graduation day. Magkahalong saya at lungkot ang aking nararamdaman. Hinhanap pa rin ng puso ko si Tristan. Ang paghawi niya sa buhok ko, ang mga biro niya, ang pag-aalaga at pagdamay niya sa’akin noon. Pero siguro, I have to forget him dahil hindi niya naman ako mahal at dahil isa lang akong hamak na kaibigan para sa kanya.
After ng graduation, wala na akong balita kay Tristan. Naisipan kong mag-apply abroad bilang isang tour guide. Natanggap naman ako at doon na naglagi.
After ten years, umuwi ako ng pinas. Malaki ang nagbago sa akin. Malaki ang improvements ko especially sa looks. Ngunit nasaan na kaya si Tristan ngayon? Nasaan na kaya ang lalaking hinahanap pa din ng puso ko hanggang ngayon?
Isang umaga, naisipan kong pumunta sa park para magrelax. May nakita akong isng batang babe na umiiyak. Nilapitan ko siya at tinanong kung bakit. Nawawala daw siya. Cute ang bata. Napaka-expressive ng mga mata nito. Nakipag-kwentuhan ako sa kanya habang hinahanap naming ang mommy niya sa paligid. Napagod kami kaya’t sandal kaming umupo. Maya-maya ay nagsalita ang bata.
“You’re beautiful. What’s your name?” tanong niya sa akin habang nakangiti.
Sasagot na sana ako nang biglang may narinig kaming sumisigaw.
“Baby! Oh God! I’ve been looking for you everywhere.” Mommy pala ito nang batang kasama ko.
Labis ang pasasalamat nito sakin at niyaya niya akong magsnack with them. Pumayag ako.
“Nasaan ang daddy ng anak mo?” usisa ko habang hawak ang Piña Colada na inorder ko.
Nabatid kong may gumuhit na lungkot sa kanyang mga mata.
“He passed away because of severe depression.” Malungkot na sagot niya sa akin.
“Oh I’m sorry.” Sabi ko.
“It’s okay.” Sabi niya sabay ngumiti.
“The depression was because he can’t have the one he truly loves. Tanggap ko naman na second choice lang ako. Akala ko, matututunan niya akong mahalin pero hindi pala. Mahal na mahal niya ang first love niya hanggang sa araw na namatay siya.” Dagdag niya habang may luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Pinahid niya ng tissue at muling nagsalita.
“Actually, he named our only daughter after her first love.”
To my amazement, I got so curious.
“Really? What’s her name? That’s sort of melodramatic.” I saidin full curiosity.
Ang bata ang sumagot.
“I am Isabelle! My daddy’s fist love is named ISABELLE CRUZ. Too bad my daddy didn’t have her because the girl left him. Daddy did search for her but he wasn’t able to find her.” Sabi ng bata.
Upon hearing he, my world crashed into pieces. Umiyak ko at dali daling lumabas sa resto na kinarooonan namin.
I looked back to the past. Sinayang ko ang pagkakatong maging Masaya kasama ang kaisa-isang lalaking mahal ko. Hindi ko yata kaya. I’m a fool.
Nagsisisi ako kung bakit hindi ko siya hinayaang mag-explain nung huling araw na nagkausap kami. Why am I so weak and stupid that time? Bakit ba hindi ko siya kinausap habang naghihintay siya sa labas ng bahay namin hanggang medaling araw?
I admit, I’ve been stupidly unreasonable. Habang buhay kong pagsisisihan ang pgsayang ko sa opportunity na maging Masaya kasama si Tristan. Mahal din pala niya ako.
Maraming taon ang lumips. Hindi na ako umibig sa iba. Araw-araw kong inaalala at sinasariwa ang mga panahong kasama si Tristan.
Eighty years old na ako ngayon. Walang asawa pero patuloy na nagmamahal sa asking nag-iisang mahal na si Tristan. Umaasa ako na magkikita kaming muli.
Tumulo ang luha sa aking mata.
Umihip ang hangin na parang may ibinubulong sa akin.
“Kung alam mo lang sana… kung alam mo lang sana.”
THE END
